Red Rose's POV
Naglakad ako sa malawak at mahabang corridor ng aming bahay.
Red Rose..
Yea.. I like that name...
Napangisi nalang ako ng maalala ang mga reaksyon nila. Hanggang ngayon ay hindi pa nila mahulaan kung sino ako? Akala ko ay ang paglagay ko ng gamot sa bag ni Thomas ay sapat na upang paghinalaan nila ako.. Mga tanga! Ang tatanga nila HAHAHAHAHAHAHA!
Nakarating ako sa dulo ng corridor. Sa tapat ng isang double door na itim ang kulay. Isang kwartong walang naglalakasloob na pasukin maliban saamin nila Ken. I opened the door and slightly pushed it open, making a screeching sound.
Madilim sa loob nito ngunit hindi ako nagdalawang isip na pasukin ito.
The person I want to meet is waiting for me inside...
Isinara ko ang pinto sa likod ko. Sa loob ng kwartong ito ay tila isang kwarto ng isang maliit na bata. Nagkalat na mga naglalakihang stuffed toys at naglalakihang mga dollhouse. Ngunit sa gitna ay isang malaking ultimong isang glass cage na pinalolooban ng isa ring malaking eleganteng kama. Agad kong nilapitan ito at nilagay ang palad sa malamig na glass that goes from the floor all the way to the ceiling.
I could see Lena's face.. Hanggang ngayon ay tulog parin ito.
"Hello Lena.." Saad ko at isinandal ang mukha ko sa salamin na pumapagitna saamin at hindi nagbibigay pahintulot na mahawakan ko sya.
"Pasensya ka na.. I had to place you inside this." Pagtawa ko. Ano kayang reaksyon nya pag sya'y nagising mamaya? Siguro ay magagalit sya? Haha..
Ilang minuto rin akong nakatayo doon, ultimong niyayakap ang napakalamig na salamin na ngayon ay naginit na dahil sa paglapit ko. Namiss ko talaga itong si Lena. Paano ba naman, pitong taon kaming hindi nagkita?
"Jane.." Mabilis na nilingon ko ang pintuan. Tumambad saakin ang nakatayong si Carter sa harap ng bukas na pinto. Masyado ata akong nadala sa mga pangyayari at hindi ko namalayan ang pagdating ni Carter. Ibinalik ko kay Lena ang tingin ko. "I knew I'd find you in here." Saad nya at nilapitan ako.
"Anong kailangan mo?" Malamig na tanong ko na hindi parin inilalayo sa natutulog na mukha ni Lena ang tingin. "Malapit nang magising na si Enzo.." Sagot ni Carter. "Is that so?" I stated. Tapos ay bumuntonghininga ako. "Lena is still not awake.."
"Jane.. Y-you know that.... Lena-"
"Carter." Agad kong sabi para patigilin sya. Alam ko naman ang sasabihin nya eh at hindi iyon totoo..
"Hindi ko nagustuhan ang ginawa nyo nila Lukas.." I said in an attempt to change the topic. "A-ah.. Ayon ba? Si Enzo lang naman ang nasaktan at hindi—"
"Kahit na." I glared at him and he shut up. "I'm sorry." Paumanhin nya. "Be careful next time.. Or I will kill you." Sinamaan ko ulit sya ng tingin at lumabas ng silid.
Narinig ko ang mga yapak ni Carter na sumusunod saakin.
"I'm sorry. We'll be careful next time." Nagulat nalang ako ng yakapin nya ako. I sighed again. Hindi naman talaga ako galit.. Medyo nagulat lang ako.. "Alright.." Malumanay kong sabi. Tumuloy kami sa paglakad at pumasok sa isa pang kwarto.
"I thought you two weren't coming." Saad ni Ash na pinapaikot ikot ang kutsilyo sa kamay nya. "Napaka excited mo namang kupal ka." Saad ni Lukas na pindot ng pindot sa kanyang laptop. "Fuck you, man!" Ash hissed. "Don't kill each other." Sambit ni Ken na balot sa isang pulang comforter at may hawak na isang mug na panigurado ay naglalaman ng mainit na chocolate milk.
BINABASA MO ANG
Class Reunion: Section Rose
HorreurIsang klase, isang pagkakamali, isang sekreto na pilit nilang tinalikuran at itinago. Labing walong buhay ang kapalit. 19 students walked in, but only 18 of them managed to walk out. But 7 years later after the students of Section Rose graduated, t...