Hide's POV
Dumadagundong ang puso kong tumatakbo papasok ng hospital.
"Hide! Teka!" Napahinto ako ng marinig ko si Michiko who's trying her best to keep up with me.
"Michi, hurry up!" Pagmamadali ko sakanya. I reached for her hand at itinakbo siya paloob. Agad akong bumitaw ng makita namin yung counter.
"Nandito kami para kay Kervince at Kyle Louis Castro!" Hingal na hingal na sabi ko. "P-Po?" Tanong nung nurse na probably ay mas matanda lang saakin ng ilang taon. "Hindi mo ba ako narinig? Si Kervince Castro!" Tumaas yung boses ko at agad naman akong naguilty nung makitang mag flinch yung nurse sa takot. Nagmamadali syang nagtype sa kanyang computer.
"T-Teka lang po, sir. I'll look it up." Nanginginig sa takot yung mga kamay nya. "B-Babe." Michiko placed her hand on my back. "I'm sorry." I muttered.
"Michi, Hide!" My head snapped to my right. "Thomas?!" Bulaslas ko.
"This way!" Bakas din sa takot ang pagmumukha ni Thomas. Kumaripas naman kami ni Michiko sakanya.
"Nasaan ang kambal? Are they okay?" Worried na tanong ni Michiko. Binigyan sya ni Thomas ng isang look of hesitation.
"Kervince is awake." Tahimik na sabi nya. "What about Kyle Louis?" Eager kong tanong ngunit hindi ako sinagot ni Thomas. Dire-diretcho lang sya sa isang kwarto.
Halos isang oras at mahigit na ang nakakalipas ng makatanggap kami ng tawag galing kay Enzo. Alas kwatro palang ng umaga ngunit buhay na buhay ang diwa ko. Nung marinig kong naaksidente si Kervince at Kyle matapos naming magsiuwian lahat kagabi ay kumaripas agad kami ni Michiko.
Nadatnan namin na humahagulgol si Kervince sa kama habang yung mga classmates namin ay nagkalat sa kwarto. The looks in their faces. Halatang pagod at walang tulog. Mugto at mapupula ang mga mata, dahilan narin siguro ng takot at pagiyak?
"Kervince!" Agad akong napayakap kay Kervince. "Tol!" Saad nya.
"Guys. Nasaan si Kyle?" Tanong ni Michi. Mas lalong napaiyak yung mga babae.
"Michi..." Kim started.
"Wala na si Kyle." Halos tumigil ang tibok ng puso ko ng marinig yung sinabi nung isa sa mga babae namin.
"Ano?!" Sigaw ko.
"Guys? Ker? Okay lang ba kayo?!" Bulaslas ni Lena kasama si Claire.Ibinalik ko ang tingin ko kay Kervince na hanggang ngayon, naiyak paren. He had so much cuts on his face at mga benda.
"Kervince, anong nangyare?" Tanong ko.
"Si Kyle.. Si Kyle, patay na." Hagulgol nya. "Anong patay?!" Pagsigaw ko. Putangina hindi pwede Ito!
"Bro, napuruhan si Kyle dahil sa aksidente. He didn't make it. Dead on arrival na." Sagot ni Xian na sinusubukang pakalmahin ako. I balled my fist.
"Putangina!" Galit kong sabi.
Bakit?! Bakit si Kyle pa?! Bakit kailangan pa nilang maaksidente?!
"Paano kayo naaksidente?" Eager na tanong ko kay Kervince. "Hindi ko alam! We were talking... Tapos the next thing I know, wala na si Kyle. Hide, yung kapatid ko! Kaawaawa yung dinanas nya! Sana ako nalang! Sana ako nalang ang namatay dahil wala naman akong kwenta! Bakit si Kyle pa?!" Hiyaw ni Kervince. Nagagalit ako. Iniyakap ko nalang si Kervince. Sinong may gawa nito?!
BINABASA MO ANG
Class Reunion: Section Rose
TerrorIsang klase, isang pagkakamali, isang sekreto na pilit nilang tinalikuran at itinago. Labing walong buhay ang kapalit. 19 students walked in, but only 18 of them managed to walk out. But 7 years later after the students of Section Rose graduated, t...