Thomas' POV
"The fuck you say?!" Sigaw ko kay Detective Piorwa.
"Huminahon ka, Mr. Re—"
"Guys?" Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Jane. Pansamantalang nakuha nya ang atensyon ko ngunit ibinaling kong muli iyon sa detective.
"You really think may kinalaman kami sa punyetang psycho na yan?!" Galit na sigaw ko. Nagiinit ang ulo ko sa mga katagang binibitawan nya.
Wala kaming kinalaman. Mga biktima lamang kami.
Mga biktima ng isang mad psychopath na probably ay nakatakas sa isang mental hospital and went out on a killing spree! Oo! Ganoon nga!Napatingin ako kila Claire na ngayon ay mga namumutla na. Dinayuhan naman sya ni Jane.
"Seriously?! What the fuck guys?! You really believe this shit he was saying?!" May bahid ng galit at despera ang boses ko. Kumukulo ang dugo ko dito, tangina!
"I.... I think he's right.. Whoever that person is.... They're mad.. And they're coming for us..." Nanginginig na sabi ni Lena. Ito ang ayaw ko sa mga babae. Mga mahihina at laging nagpapaniwala sa mga kabullshitan na sabihin mo sakanila!
Parang gusto kong sampalin si Lena at gisingin ito at ibalik sa reyalidad. What she's trying to say is pure bullshit! Nagtitimpi ako dahil syempre, lalaki ako at babae si Lena. At tulad ko, pagod narin sya. Dahil ata ito sa fatigue. Nawawalan ako ng control sa sarili ko. Shit naman oh?!
"For fuck's sake, are you that stupid?!" I snapped. "There's no fucking wa—"
"Then tell me why the hell does this person have this picture? Not only once but twice!" Sigaw saakin pabalik ni Claire at marahas na tumuro sa clear bag na hawak ni Detective Piorwa.
"Huminahon kayong dalawa!" Awat ni Jane ngunit hindi nagpahuli si Claire.
"Hindi lang sa aksidente ni Angelica! This person.. This person is also the one who's responsible for Kyle's death! Ayan na ang proweba sa harap mo, Tom! Wag mong sabihin na hindi ka parin naniniwala! Itong picture at ang pulang rosas ay iniwan din nila sa aksidente nila Kervince!"
Napatingin ako sa clear bag. Tama si Claire. But it doesn't make any sense!
Bakit?!
Paano?!
Anong rason?!
Ang dami daming tanong na umiikot sa utak ko na kahit anong gawin ko ay hindi ko mahanapan ng mga kasagutan. I've always loved watching mystery movies. The kind na talagang mapapaisip ka at sobrang nakaka-thrill na eager kang ma-solve ang mystery. I used to be good with those. Pero ngayon, sobrang gulo. Wala akong maisip na dahilan kung bakit merong taong magtatanim ng galit saamin at magdedesisyon na paslangin kaming lahat. Kupal man kami nila Kervince dati, I don't think na enough yun para maging rason ng gantong kalaking kasalanan at kaputanginahan!
Dahil sa pagiisip, sumakit ang ulo ko. I'm too tired for this shit! Fuck!
Gusto kong matakot at maniwala. Pero impossible. Hindi logical ito. Hindi talaga.
What could we possibly had done to this person?
"Pakiusap at huminahon kayong dalawa. Hindi ito ang tamang oras magaway at magbangayan kayo. Right now, may tendency'ng nanganganib ang mga buhay nyo. Hindi lang kayo pero lahat ng mga batang itong nasa litrato. Masyadong malabo ang kaso at wala tayong ebidensya kundi ito. You need each other right now." Sagot nung Detective at tumingin saamin ni Claire.
"Tsk!" I said, annoyed, at bumalik sa pagkakaupo ko sa sofa.
He's right. Wala kaming sapat na ebidensya. Wala ring suspects. Even in the room kung saan namatay si Angelica, nothing was found. Not even a single fingerprint. Masyadong malinis. Masyadong malinis na miski ako, nagdududa kung tao ba ang gumawa nito o isang demonyo? You never know, maybe it's some kind of a witch or someone who does black magic? It's too frustrating knowing that the killer works too perfectly. That's just not how it works on movies. There's always hints. There always gotta be something wrong. The killer always gotta fuck up one time that will allow the others to figure out who he/she was. But in our case.... Nothing. Ang nakakatawa pa ay parang alam ng killer na napakatanga namin or napakaperpekto nya para ma-solve namin ito kaya nagiwan na sya ng hints. Gamit ang litrato namin at yung pulang rosas.
BINABASA MO ANG
Class Reunion: Section Rose
HorrorIsang klase, isang pagkakamali, isang sekreto na pilit nilang tinalikuran at itinago. Labing walong buhay ang kapalit. 19 students walked in, but only 18 of them managed to walk out. But 7 years later after the students of Section Rose graduated, t...