PS.
This is a very short update—
--------------
Unknown's POV
Naglalakad na ako sa parking lot, dirediretso sa isang itim ba SUV'ng nagaantay saakin. Sumakay ako ng sasakyan na may isang malapad na victory smile sa mukha ko.
I saw them.
All of them. Haha! Nakakatawa ang mga itsura nila!
Halos mapatawa ako dahil sa ekspresyon ng mga mukha nila kanina! Oh god.
"We did what you asked us to do." Sambit ng isang boses sa likod ng sasakyan ko. Tumingin ako sa rear view mirror ng sasakyan para lamang mamatahan si Ash at ang kanyang pulang buhok. I saw him smirking while playing with his knife katabi ang dalawa pa nyang kaibigan na itinatago ng dilim. The blade of his knife is glistening in the dark.
"Good job." I smirked. Yes.. Good job. Magaling ang pagkakagawa nila. Ni hindi ko nga inaasahan na isang truck ang gagamitin nila eh. Excellent!
"But we failed. Only one of them died." Sabat ng isang blondinong nasa tabi ko. Si Ken. Tama sya. But that's okay. Just because Kervince survived doesn't mean I'm not gonna go after him again.
"At least the other one was hurt. Badly." Ngisi ng isa pang lalaki na nasa kaliwa ni Ash. Si Lukas. "Give me your order and I'll eliminate him. Right now." Sambit naman ni Carter na nasa kanan ni Ash. His fierce eyes were glued on me through the rear view mirror of the car.
Napangiti nalang ako.
"No, Carter. You guys did a pretty good job." I said at dahan dahang tumingin sa labas ng bintana. Agad na hinanap ng mga mata ko ang kwarto kung saan nandoon silang lahat. Napangiti nanaman ako.
"What do yo mean no? It'll be better if we just end that bastard's life para matapos na!" Sagot ni Carter saakin.
"Not yet, Carter. I want Kervince to suffer." Nakangiting sabi ko.
Dapat lang. Dapat lang na magdusa ka Kervince. Sa pagpatay ko sa kapatid mo, sa lahat ng sugat na natamo mo.. At sa lahat ng sakit na nararamdaman mo ngayon.. Lahat yan... Lahat yan, gusto kong maranasan mo.
I want you to suffer.
I want you to suffer more, Ker.
No, I'll make you suffer more. To the point that it'll drive you crazy.And maybe... Just maybe.. When you're at the very end.. When I've already broken you enough that the only thing that's running inside of your head is the idea of killing yourself....
Then maybe.... I might come to you and let you beg for me to kill you.
"Psycho." Nakangiting bulong ni Carter ngunit hindi ko sya pinansin.
Nagsimulang patakbuhin ni Ken ang sasakyan pero ang mga mata ko ay nakatutok paren sa bintana ng kwarto ni Kervince.
Umpisa palang ito.
Umpisa palang ng paghihiganti ko, Section Rose.
I'm sure nagustuhan nyo ang reunion na hinanda ko para lamang sainyo? Napakahirap na hanapin at pagtagpu-tagpuin muli ang mga landas nyo. Pero ngayon na nagtagumpay na ako, sisiguraduhin kong magiging memorable Ito para sainyo. Isang alaala na hinding hindi nyo malilimutan. Umpisa palang ito ng Reunion nyo, Section Rose! Hindi pa ito tapos.
Sisiguraduhin kong matutupad ang mga pangako na ginawa nyo seven years ago. Magkakasama na ulit kayong lahat.
"Friends forever.. Huh?" Bulong ko at isinandal ang ulo ko sa bintana ng kotse. Ipinikit ko ang mga mata ko.
"What are we going to do next........" Narinig kong malumanay na tanong ni Lukas.
"...........Jane?"
BINABASA MO ANG
Class Reunion: Section Rose
TerrorIsang klase, isang pagkakamali, isang sekreto na pilit nilang tinalikuran at itinago. Labing walong buhay ang kapalit. 19 students walked in, but only 18 of them managed to walk out. But 7 years later after the students of Section Rose graduated, t...