Glaiza
I was still in shocked on what Rhian did to me. Para akong babaeng first time hinalikan. Iba...Iba yung naramdaman ko when she kissed me. Parang.......Parang may kung anong kuryente sa katawan ko....na hindi ko pa naramdaman sa iba even kay Maricris.
Aaminin ko nung hinalikan na niya ako sa ilong ko awkward na para sa akin yun hindi ko lang pinahalata.. After nangyari yung kagabi hindi na niya ako pinansin. Nakakainis talaga tong babaeng to! Hindi man lang ba siya mag sosorry?! Bat ko ba to pino problema! Naman eh! Naiinis ako sa babaeng yon! Nakawan ka ba naman ng halik?! Dagdag mo pa tong isang babae ditong kanina pa sorry ng sorry! Akala niya siguro madadaan niya ako sa letsheng sorry na yan.
"Babe? Are you alright? Im really sorry. Nag usap lang talaga kami nothing else.." sambit niya. Hindi ko pa rin siya kinikibo hanggang ngayon dahil galit at nagtatampo ako sakanya. Hindi ko nga siya tinabihan kagabi kasi masama talaga yung loob ko sakanya ayoko naming maging plastic. Yayakapin niya sana ako pero umiwas ako.
"Told you it's okay. Labas muna ako gusto ko munang magpahangin.." cold kong sabi.
"Babe wag mo naman akong iwasan..Sorry na! I promise I'll make it up to you please baby?" Pagsusumamo niya pa.
Hindi ko siya pinansin, hindi ko rin siya pinakinggan, hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko. Imposible naman kasing nag usap lang sila hindi naman sa pinagdududahan ko siya pero kasi past 12 am na siya nakauwi kagabi tapos sasabihin niya lang na sorry? Ikaw ba naman masayang yung effort mo? Tapos dinamay ko pa si Rhian para sa surprise ko sakanya na nagging epic lang pala oh diba ang saya?!
"Nakeeer, yung nguso mo abot don oh!" sabi ng isang boses na nagpapainis, nambibwisit pero at the same time nagpapakilig at nagpapasaya sa akin.
"Uy! Himala at pinansin mo ko?" tugon ko. Gusto ko sanang ngumiti kaso baka asarin nanaman ako nitong kumag na to ang lakas pa naman ng imagination nito.
"Siyempre naman. Di kita matiis eh....tska miss na din kita.." Kinilig ako kung kanina bwisit na bwisit ako ngayon parang na goodvibes ako bigla.
"Namiss kitang bwisitin.." Nagsalubong ang kilay ko at tiningnan siya ng masama okay na sana eh!
"Ah ganun ba? Kung ganon pasensya dahil wala ako sa mood." Pagtataray ko.
"Ayy, masungit? May dalaw?" biro niya.
"Baka nakakalimutan mong may kasalanan ka pa saking bruha ka.." naka cross arms kong sabi. Bilib na bilib talaga ako sa babaeng to eh.
"Ha? Ano?" Pag mamaang maangan niya. Nagkunwari pa siyang nag iisip.
"Ahh, nakalimutan mo agad? Sige patuloy mo yan.." Irap ko.
"Wala naman talaga ah?" Pasipol sipol pa ang gaga.
"Eh di wala.." Nang iinis nanaman siguro to.
"Ah! Yung kiss ba? Hindi naman kasalanan yun no! Tsss. Mali ba halikan ko ang crush ko? Kung tutuusin kasalanan mo naman talaga yun eh. Binitin mo ko kaya yun yown!" Pataas taas kilayng niyang sambit. Ugh!
"Wow, ang sabihin mo chansing ka lang talaga! Wag mo kong kausapin badtrip ako.." sabay talikod ko sakanya.
"Asan si Maricris?" tanong niya bigla kaya napaharap ako.
"Why?" taas kilayng kong tanong.
"Diba sabi ko sayo kagabi kakalbuhin, sasabunuta, uupakan ko yung babaeng yon?!" buong tapang niyang sabi.
"Aba! Baka nakakalimutan mong GIRLFRIEND niya ang kausap mo?!"
"Aba rin! at BAKA RIN NAKAKALIMUTAN MO KUNG ANO ANG GINAWA NIYA SAYO KAHAPON!"
"Napatawad ko na siya. Wag ka ng mag alala..." sagot ko.
"Ganun lang yon? Wow! Magaleeeeeng! Ikaw na! Hindi kita pinalaking ganyan lang! Diba turo ko sayo pag may nanakit sayo sapakin mo?! Bakit ngayon?! Bakit ganyan lang ang reaction mo?!" Ayan tinotopak nanaman po siya.
"Thea, ganyan lang ba madami sayo ang patawarin siya?" Biglang seryoso niya. First time kong nakitang ganito siya ka seryoso.
"Mahal ko eh.." bigla kong nasabi.
Tumahimik siya bigla.
Tinitigan niya ko at ngumiti siya ng mapait."Eh mahal din kita eh..." sabi niya.
--
Yow pips! It's been a while 😂
Kamusta? Buhay pa po ba? 😊
I'm baaaaaaaack hahahaha sana buhay pa yung mga readers nitong walang kwentang story ko. Godbless everyone! Keep safe 💜
![](https://img.wattpad.com/cover/66090326-288-k190509.jpg)
BINABASA MO ANG
Si Masungit At Makulit (RaStro Story)
RandomPosible kayang magkadevelopan ang isang super mataray na super moody plus snob pa at Super weird na super baliw plus super kulit pa? Magkakasundo kaya sila? Puro POV lang to ni Glaiza & Rhian guys ha? Tungkol lang to sa buhay nilang dalawa. I'm n...