Picture 12

27 1 1
                                    

A/N: This Chapter is dedicated to all readers out there! Enjoy the rest of the story!

-Ms. OS~~


Lucky

YUNA


"Anak! I'm glad you're back!"  Salubong sa akin ng Mommy ko. 

"May kasama ako Mom." 

Agad naman nag bago ang itsura ng Mommy ko nang makita niya si Red na lumabas sa gilid ko.

"Good Morning po." Bati ni Red

Ngumiti naman si Mommy pero may pag aalinlangan pa rin sa mukha niya.

"Siya si Red, Dito siya mag s-stay." Sabi ko 

"Anak..." 

"Wag kang mag alala Mom, Hindi siya katulad ni Daddy." Hinawakan ko ang kamay ni Red at hinila siya papasok sa bahay. 

Tumingin ako sa kabuoan ng bahay, Kahit pala papaano ay namiss ko rin ito. Kahit punong- puno ng kasalbahihan 'tong bahay na ito ay mamimiss ko pa rin pala talaga ito. 

"I don't think this is a good idea." Bulong sa akin ni Red

Bumalik naman ako sa katinuan at tumingin ako kay Red. 

"Nag promise ka! Wala ng bawian!" 

Huminga ng malalim si Red, "Yeah, Fine."

"Tara na sa taas, Nandoon yung kwarto ko." 

Sumunod naman sa akin si Red pero may humarang sa daraanan namin, Eto na namang epal na kabit ng Daddy ko. 

Aba nandito pala ang bagong kasal! Sigurado akong sa loob- loob ng babaeng ito ay sobrang saya nito. Lintek na 'to. 

"Sino siya Yuna?" Tanong nung pokpok

"Alis, Dadaan kami." Sabi ko

"Di naman ata tamang may kasama kang lalaki dito." 

Napairap ako sa kaniya, Wala naman siyang alam. Di niya kasi nararamdaman ang dinaranas ko sa tuwing uuwi ako sa bahay na to. 

"Di rin naman ata tamang may nag kakabitan dito." Sagot ko

"Yuna..." 

"Tabi!" Binangga ko pa siya para makadaan kami, ang kulit talaga ng pesteng to. Napaka pakielamera! Kala mo naman siya ang nanay ko! 

Nilingon ko naman sa likod ko si Red at nakita kong tinignan niya lang saglit ang pesteng iyon at sumunod na rin siya sa akin. 

Ang lakas- lakas ng loob niyang pakielaman ang buhay ko! Ang buhay namin!

Ilang beses na ngang pinapalayas ni Mommy si Aiden at si Mia pero ayaw naman ni Aiden dahil ayaw niya daw malayo sa amin ni Mommy.

Ang kapal ng mukha di ba? Hindi pa siya makuntento sa kabit niya. Kaya araw- araw may World War dito sa pamamahay namin. 

Inilapag ko na ang mga gamit ko sa kwarto ko, at inayos ang konting kalat sa kwarto ko. Si Red naman nilapag niya rin ang mga gamit niya at pinag masdan ang buong kwarto ko. 

"Nice room." 

Nice daw! Eh wala nga'ng binatbat yung kwarto ko sa kwarto niya! Kung pwede nga lang kami mag palit ng kwarto eh! Simple but Elegant nga kung tatawagin ang kwarto niya. Napakaaliwalas nito at napaka-manly nang dating, talagang bagay na bagay kay Red ang kwartong iyon. 

The Way You SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon