Picture 15

1 0 0
                                    


Be With Me 


YUNA


Kagaya nga nang sinabi ni Red, mga bandang 7 pm nag shower na ako at nag bihis. Nag fitted jeans at pink sweat shirt lang ako dahil sobrang lamig sa labas. Para kasing ewan 'tong si Red! sa labas pa talaga gusto kumain! pwede namang mag order nalang kami dito sa tinutuluyan namin. 

Si Red nga pala ay nanguna na sa labas, kanina ko pa napapansin na para bang hindi siya makapakali at parang tuliro! Namumula nga rin ang mga tenga niya eh, para siyang kinakabahan kaya pati tuloy ako ay kinakabahan.

Baka mamaya kaya pala niya ako inaya kumain sa labas para ipag tapat na may iba siyang babae! Nako talaga mapapatay ko talaga babae niya! Di ko ata kakayanin pag nangyari yun.

AH! Ano ba itong pinag iisip ko! parang baliw lang! 


Nag apply lang ako ng pink na shade ng lip tint at lumabas na ako ng kwarto. Grabe! Ramdam ko agad ang simoy ng hangin! Maganda sana pag nakadress ako sa date namin na to, kaso wala eh baka mamaya manigas nalang ako sa sobrang lamig! Ikamatay ko pa! 

Nag lakad-lakad na ako para hanapin si Red ng biglang may tumakip sa mga mata ko.

It's Red. Alam ko. 

Amoy palang ng pabango niya alam na alam ko na. 

"It's me." akala siguro ay hindi ko pa alam na siya ito. 

"Dami mong pakulo! Gugulatin mo pa ako eh!" 

Tumawa lang siya at patuloy lang sa pag takip ng mga mata habang nag lalakad. Kinakabahan nga ako at baka madapa ako sa pinag gagagawa nito eh.

Pero hindi ko maitatanggi na kinikilig ako sa ginagawa ni Red, sa lahat-lahat ng ginagawa niya. 

Bigla kaming huminto at tinapik niya ang balikat ko, "You ready?" 

"Yes, kanina pa." 

"1....2....3!" Inalis niya ang mga kamay niya sa mata ko

"WOW..." sabi ko habang nakatulala sa ganda ng set up 

May isang malaking puno na puno ng ilaw at sa ilalim ay may table for two na tinernohan gold and red na table cloth. It's so beautiful and elegant! Idagdag pa ang tunog ng dagat na akala mo'y katabi mo lang.

"Ayos ba?"

Tumango lang ako bilang sagot dahil tinitignan ko pa ang bawat detalye ng lahat ng ito. Totoo ba ito? 

"Hmm..Tatayo ka nalang ba diyan? ayaw mong umupo?" 

Napatingin naman ako kay Red at inirapan ko siya, humagikgik siya at hinila niya na ako papalapit sa lamesa. Pinag hila niya ako ng upuan at umupo na ako habang siya naman ay umikot sa kabila at umupo na din. 

He snapped his fingers and biglang may waiter nalang na nag serve sa amin. 

Habang kumakain nag kwentuhan kaming dalawa tungkol sa mga buhay namin nung mga panahong di pa kami nag kakakilala. Tawa dito tawa doon, kung ano-ano kasing mga kalokohang pinag kukwento nitong si Red eh! Pati si Chard ay nilalaglag niya! 

Pero sa isang iglap ay nawala ang mga ngiti sa labi niya habang nakatingin siya sa bandang likod ko. 

Sinundan ko ang kanyang mga mata kung saan ito nakatingin, 

Sa 'di kalayuan ay may babaeng nakatayo at nag mamasid sa amin, dahil medyo madilim sa parte ng lugar na iyon hindi ko maaninag ang kanyang mukha.

 Nang marealize niya na nakita na namin siya, agad siyang tumakbo papaalis. 

"Who's that girl?" sabi ko habang nakatingin pa din kung saan siya nakatayo kanina

Biglang tumayo si Red at hinawakan ang aking kamay, "Let's go inside." 

"Huh? Pero..."

Hindi na natapos ang sasabihin ko dahil hinila na ako ni Red papunta sa loob.

Pag pasok namin sa loob ng kwarto, hindi mapakali si Red. Pabalik-balik siyang nag lalakad sa mag kabilang sulok ng kwarto namin. 

Ano ba'ng nangyayari? Why is he acting like this? Sino ba ang babaeng iyon?! 

"Red calm down! Why are you acting like this?!" 

"It's okay, you don't have to worry about it." 

I sighed, "Paanong hindi ako mag aalala Red kung ganyan ka makareact sa babaeng iyon?! Sino ba 'yon?!" sabi ko sa kanya 

"She's Angel." he said 

"And?" kumunot ang noo ko

Huminga nang malalim si Red, "She's my fucking insane ex-girlfriend." 

Napakunot ang noo ko, "What do you mean 'fucking insane'?"

"She's obsessed with me." 

At doon na nabalot nang kaba ang puso ko, anong ginagawa nang babaeng iyon dito? Bakit alam niyang nandito kami?  

"We have to leave this place as soon as possible bago pa may mangyaring masama sayo." 

"B-Bakit naman?" 

"I'll tell you the story pag nakabalik na tayo, wag muna ngayon Yuna. Pack your things. Quick." 



To Be Continued~~










Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 17, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Way You SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon