Picture 2

39 2 0
                                    

A/N: This Chapter is dedicated to my cactus bestfriend: JadeOliveros hahaha! This Chapter is also dedicated to all readers out there! 

Enjoy the rest of the story~

-Ms. OS~




Beer

"Oh yeah Red! Naririnig mo na ba ang tugtugan?!" Sigaw sa akin ni Chard

Hindi na kasi kami mag karinigan dahil sa sobrang ingay, dito palang sa labas ang ingay- ingay na.

Don't really like this place. Masyadong maingay at magulo! Kung hindi lang dahil kay Chard hindi talaga ako pupunta dito.

"Tara na pasok na tayo!"

Pag pasok namin sa bar nakita agad ng mga mata ko ang mga taong parang wala na sa sarili kung ipag hampasan ang katawan sa dance floor.

Naaalala ko tuloy noong nakaraang linggo nung mag punta kami rito, naparami ang inom ni Chard kaya yun, hindi ko na mahaltak papaalis ng dance floor.

Simula noong una naming pag punta rito naging leksyon na sa akin na wag na wag papainumin ng marami si Chard. Dahil ako nanaman ang mahihirapan pag nag kataon.

"Chivas please!" Order ni Chard

"Di ka ba nag sasawa sa Chivas pre?!"

"Hindi! Favorite ko 'to eh! Tara brader paramihan tayo ng basong maiinom!" Pang hahamon ni Chard

"Wag na pre! Ako na naman ang papahirapan mo!" Angal ko

Ang mahirap kasi dito kay Chard madaling malasing! Bumubwelo palang ako ayun tumba na! Madaya to, sigurado ako na naman ang mag aalaga rito.

"Sige ganito nalang...." uminom muna siya tsaka lumapit siya sa tenga ko at bumulong ".....hunting tayo ng chicks!"

"Ikaw nalang! Wala akong panahon sa ganyan!" Sabi ko sabay inom.

Walang duda kung bakit paborito nga ito ni Chard, masarap naman talaga ang Chivas.

"Sus KJ! Sige ako na lang! Mag hintay kana lang dito!"

Tumango lang ako at uminom.

Si Chard naman kinuha ang baso niya na may lamang alak at pumunta na sa dance floor.

Umiling nalang ako habang tinitignan siya, kahit kailan talaga itong si Chard.

"Hi!" Bati sa akin ng babaeng nasa tabi ko.

Ngumiti ako sa kanya.

"Hello!"

Hindi ko siya masyadong makita dahil madilim at magulo ang mga iba't ibang kulay ng ilaw na bumabalot sa loob ng bar. Pero palagay ko maganda siya, sa tono palang ng boses niya.

"My name is Yuna, and You are?"

"Red."

"Red, Nice name. That's my favorite color by the way." Naaninag ko na ngumiti siya sa akin kaya napangiti rin ako.

She seems nice, kung tutuusin dapat nga wala siya rito. Hindi siya bagay sa ganitong lugar.

"Mag isa ka lang?" I asked

"Nope. Kasama ko yung kaibigan ko, sinamahan ko dahil walang mag d-drive para sa kaniya mamaya." Tinuro niya sa akin ang kaibigan niya

Kasayaw pala ni Chard ang kaibigan niya.

The Way You SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon