A/N: This chapter is dedicated to renaxgarcia, my unnie, my everything hahaha yes naman! This Chapter is also dedicated to all readers out there :) Enjoy the rest of the story <3
-MS. OS~~
Her Life
"Salamat sa lahat Red." Sabi ko kay Red nang ihatid niya ako pauwi sa bahay.
Ayoko sanang mag pahatid kaso mapilit itong si Red, baka daw maulit yung nangyari kanina.
"Wala yun, Kung kailangan mo ng kahit ano nandito lang ako. Tutulungan kita."
Ngumiti ako sa kaniya tsaka ko siya niyakap, "Sige Red pasok na ako sa loob."
"Si-sige. I-ingat ka ah."
Tumango nalang ako at lumabas na ng sasakyan niya.
Pinag buksan ako ng katulong namin ng gate at nag lakad ako papuntang front door.
Maayos na sana ang buong araw ko nang marinig ko na nag aaway na naman ang mga magulang ko. Dahil doon nakaramdam ako ng kaba at takot, Natrauma na ata ako, sa ilang taon ko ba naman naririnig at nakikitang harap- harapan ang balibagan at sigawan nila sa isa't isa. Hindi pa ba ako mat-trauma?
There's a big part of me na ayaw kong pumasok ng bahay kaya nilingon ko ang labas ng gate namin kung nandoon pa ang sasakyan ni Red, pero nakaalis na pala siya.
Wala akong ibang pag pipiliian kaya huminga ako ng malalim at pumasok sa loob ng bahay.
"ANO BANG IKINAGAGALIT MO?!"
"YAN YANG KABIT MO! TANGINA NIYONG DALAWA!"
Nakayuko akong pumasok ng bahay, hindi ko na sila binati pa at nag madali nalang akong umakyat sa kwarto ko.
Sumalampak ako sa kama at tinakpan ang tenga ko gamit ang mga unan ko.
I'm so tired of this, ayoko na. Pero hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko.
Fuck this life!
Ano kayang nagawa ko to deserve this kind of life? Kung pwede lang sanang ibahin ko ang buhay ko ay gagawin ko talaga, Basta mawala lang ako sa ganitong klaseng buhay.
I have everything. Wealth, Intelligence, attitude, the looks. Pero aanhin ko ang mga iyan kung ganyang senaryo ang bumubungad sa akin araw- araw.
I'm willing to live with a simple and middle class family basta sama- sama kami at nag kakasundo.
Pero siguro hindi na mababago ang lahat. Hindi na siguro kami babalik sa dati. Nakakalungkot isipin pero parang wala na talaga akong magagawa, Maybe I should start living with it.
Lalo na't nasa kabilang bahay nalang ang kabit ng Daddy ko.
Parang nakatira na din kaming apat sa iisang bubong, And it sucks.
Napabangon ako nang may kumatok sa kwarto ko, pati sa pag bukas ng pinto kinakabahan na rin ako boset na yan.
Pag bukas ko ng pinto tumaas agad ang dugo ko.
Si Mia ang kabit ng magaling kong tatay.
"Anong kailangan mo?" walang gana kong sinabi
"I just want to check if you're okay."
BINABASA MO ANG
The Way You Smile
Teen FictionAs a photographer, marami na akong mga nakuhanan ng litrato. Iba't ibang ngiti na rin ang nasilayan ko. Pero ang isang 'to ay kakaiba, ibang- iba ang kanyang ngiti. Para bang kahit ikaw na ang may pinakamabigat na problema sa buong mundo, pag nakit...