A/N: And here I am updating again 'coz wattpad is life! hahahahahahahah! Sasamantalahin ko na ang pag kakataong ito na hindi ako masyadong busy (weh). So eto na nga! Enjoy!
YUNA
"Yuna....Baby gising na, malapit na mag 2:30 oh!"
8:00 ng gabi kami natulog ni Red para makatulog kami ng maayos, pero kahit maaga kaming natulog ay pahirapan pa rin akong ginigising ni Red. Papaano kasi ang ganda- ganda ng panaginip ko, edi syempre ayaw ko namang maudlot yun. Pero walang magagawa kailangan ko talagang gumising tsaka excited na rin naman ako sa lakad namin ngayon!
Bumangod na ako at wala na sa loob ng kwarto si Red, malamang nasa hapag- kainan na yon.
Pumunta ako sa banyo at naligo na ako, malelate na kami kaya dapat walang oras na sasayangin lalo na't sinabi ko kay Red na mag roadtrip kami at sumakay ng barko.
Pag kalabas ko ng banyo sinuot ko na ang damit na hinanda ko kahapon pa, tsaka ako lumabas ng kwarto at pumunta sa Dining table. Ayun na nga si Red, nakaupo siya at hindi pa din siya kumakain.
Ang sweet naman, talagang hinintay pa talaga ako.
"Oh God! Finally!" nang aasar na sigaw ni Red
"Che!" inirapan ko siya
Pinisil naman niya ang pisngi ko, "Kumain na tayo, We're late."
~~*~~
Habang nasa biyahe kami, walang umiimik sa aming dalawa, yung music nga lang ang bumubuo ng ingay sa loob ng sasakyan. Inaantok pa kasi ako pero ayoko namang matulog, mahirap na.
Ayoko namang matulad kami sa magulang ng kaklase kong si Rena.
Her parents' love story are sweet but tragic.
I know I'm over reacting but I don't want to end up with Red like that. I don't want to lose him.
"You can sleep, I know you're sleepy." sabi ni Red
"Nope I'm fine." at huminga ako ng malalim
"Basta tulog ka lang diyan pag inaantok ka."
Tumango lang ako at binuksan ang bintana.
Sobrang sarap at malamig ang hangin na sumasalubong sa mukha ko, buti nalang pala medyo makapal itong naisuot ko. Parang ang sarap tuloy mag senti at mag emote, kaso ano ieemote ko eh sobrang saya ko ngayon! Idagdag mo pa ang excitement na nararamdaman ko ngayon sa pupuntahan namin ni Red!
I'll make sure na pag dating namin doon, I'll make everything so perfect. So perfect na hinding- hindi namin makakalimutan. Kahit kailan....
~~*~~
Mabilis lumipas ang mga panahon at nakarating na kami dito sa Batanes. Madali na rin para sa amin ang makahanap ng matutuluyan dahil inasikaso na ito ni Red lahat ng maaga, kaya ang gagawin nalang namin dito ay mag pasarap at mag gala-gala nalang.
Nakacheck-in kami ngayon dito sa Fundacion Pacita Nature Lodge, grabe tanaw na tanaw namin ang magandang view dito! It's so overwhelming! Lalo na ang masarap at malamig na simoy ng hangin na nanggagaling sa dagat!
Everything is so Perfect!
Idagdag mo pa na kasama ko si Red habang ineenjoy ang view dito.
Wala na akong maihihiling pa.
"You like it here?" Tanong ni Red
"Oo sobra! Hindi ako makapaniwala Red, Totoo ba to?"
He chuckled, "Yes baby, totoo ito."
"Pakiramdam ko nasa tuktok ang ng mundo Red! Sobrang ganda!"
"You're more beautiful than the view." Then he hugged me from the back
"Bolero."
Tumawa naman si Red at hinalikan ako sa pisngi.
"Nag sasabi ako ng totoo!"
"Oo na! Oo na!"
Tumawa ulit si Red, "Oh tignan mo gusto mo din pala! Pakipot ka pa!"
Kumawala ako sa yakap niya at hinarap ko siya, "Che! Ewan ko sayo! Mag unpack na nga tayo sa loob!"
Sumaludo naman sa akin si Red, "Yes maam!"
Pumasok na kami sa loob at nag simula nang mag ayos ng bagahe, napansin ko ngang mas madami akong dinalang anik-anik kung ikukumpara kay Red. Siguro ganun talaga ang mga lalaki, mga importante lang ang mga dinadala, di kasi sila maarte katulad ng mga babae.
"Kaya naman pala mabigat ang sasakyan." sabi ni Red, nang aasar
"Mga importante kasi to, tsaka for emergency yung iba." paliwanag ko
Tumango lang siya habang sinusulyapan ang bagahe ko.
"Ganda naman ng undies mo." natatawang sabi ni Red
"Thank you! " wala sa loob na sagot ko
Bigla naman humalakhak si Red ng para bang wala nang bukas!
"Bwisit ka! Manyak!"
"Chill pfff! HAHAHAHAHHAHA"
"Shut up!"
Bigla naman niya ako niyakap ng mahigpit, "Sexy time?"
"Fuck off!"
"HAHAHAHAHAHAHAHA Chill! Nag jojoke lang ako!"
Tumingin naman ako sa kaniya at nginitian siya, "Pag kasal na tayo."
"I know, I know. Mag bihis ka mamayang gabi may pupuntahan tayo." sabi ni Red
Tumango lang ako at hinalikan siya sa labi.
"I'll make you the most happiest woman in the world, I promise."
BINABASA MO ANG
The Way You Smile
Teen FictionAs a photographer, marami na akong mga nakuhanan ng litrato. Iba't ibang ngiti na rin ang nasilayan ko. Pero ang isang 'to ay kakaiba, ibang- iba ang kanyang ngiti. Para bang kahit ikaw na ang may pinakamabigat na problema sa buong mundo, pag nakit...