Prologue

110 3 1
                                    


Para sa'yo,ano ang dapat unahin...Pag-aaral O Pag-ibig?Ako?Syempre pag-aaral,kasi wala ka namang mapapala sa pag-ibig kundi puro mga paghihirap at kadalasan ay kalungkutan.Pero sa pag-aaral,marami kang mararating sa buhay.

Kaya kung ako sa inyo,pagbubutihin ko ang pag-aaral ko para matupad ang mga pangarap ko sa buhay.


Ako nga pala si Eunice Jean Montemayor,isang 4th year highschool sa *****University.Wala akong gaanong mga kaibigan sapagkat puro aral ang nasa isip ko.At wala rin akong naging nobyo dahil sa pagiging tahimik at mahinhin ko sa klase.Minsan nga hindi ako napapansin ng mga kaklase ko dahil sa pagiging mailap ko sa kanila.

Ang kasalukuyang kinaaabalahan ko ngayon ay ang panonood ng mga ANIME at ng mga COMPUTER GAMES.Yun lang naman kasi ang nakakapagpasaya sakin dahil nga hindi ako gaanong palakaibigan.At dahil rin dun,hindi ako nakakaramdam ng pagkalungkot kahit na ako lang mag-isa sa bahay.

Ang mga magulang ko ay nasa States dahil sa business naming at dahil doon,ako lang mag-isa ang naiwan sa bahay namin.



First day ng klase naming ngayon.Pumunta ako sa bulletin board para malaman kung saang section ako napapabilang.Dahil nga hindi kapansin-pansin ang presensya ko,may nakabunggo sakin.

Nagkalat tuloy yung mag gamit ko. "Pasensya ka na miss,di kita napansin."sabi nung lalaki na nakabunggo sakin.Yan na nga bang sinasabi ko ea,di kasi nila nararamdaman yung presence ko.Tumango nalang ako at pinulot din ang mga gamit ko na nagkalat sa sahig.

Pagkatapos kong kunin yung mga gamit ko,tumayo na ako at sinimulan nang maglakad.



"Wait miss!Nakalimutan mo!"sigaw nya,lumingon ako at huminto sa paglalakad para kunin ang notebook na naiwan ko.

"Eto oh,nakalimutan mo"sabay abot nya nung kwaderno ko. "S-salamat"sabi ko habang nakayuko at tuluyan nang umalis nung nakuha ko na yung notebook ko.



Pumunta na agad ako sa section ko at umupo sa upuan sa bandang dulo.

Nang maka-upo na ako sa upuan ko,sinimulan ko nang basahin ang Manga na binili ko sa National bookstore kanina.(Manga=Japanese comics)


"Umm..excuse me miss?"narinig kong tanong nang isang lalaki.Tumingala ako mula sa binabasa ko upang makumpirma kung ako nga ang kinakausap.


"B-bakit?"mahina kong tanong sa lalaking nasa harapan ko. "May nakaupo ba ditto miss?"tanong nya at ngumiti. "W-wala na-naman"nahihiyang sabi ko sa kanya,di kasi ako sanay makipag-usap sa mga hindi ko kilala. "Okay,dito na lang ako uupo"pahayag nya at inilagay ang kanyang gamit sa upuan na katabi nang aking upuan.

Pinagpatuloy ko ang pagbabasa ko,ngunit naalintana dahil nagsalita na naman ang katabi ko.


"Miss,dati ka nabang estudyante dito?"tanong nya,lumingon ako sa kanya at nakita kong naka ngiti sya sakin.Tumango lang ako at pinagpatuloy ang pagbabasa ko.

Hindi naman sa masungit ako o kaya yung tinatawag nilang 'SNOB' di lang talaga ako sanay makihalubilo sa mga tao. "Ako nga pala si Jarren Wade Reyes,ikaw?ano name mo?"tanong nya sakin,medyo nagdadalawangisip pa ako kung kakausapin ko sya o hindi ea.

Di ako sanay sa mga ganitong sitwasyon,kaya medyo kinakabahan tuloy ako.


"A-ako?um..ako n-nga pala s-si Eunice..ah..E-eunice Montemayor"medyo nautal pa ako pero nasabi ko naman ng maayos.

"Ahhh..Eunice?what a cute name.At sorry pala kung medyo FC ako ah hehe"natatawa nyang pahayag,ang ganda nyang tignan pag tumatawa sya.At ang gwapo nya pa,siguro marami syang kaibigan kasi napaka-friendly nya.

Sealed With A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon