ANG KASALAN

325 6 0
                                    

CHAPTER 2

(c) to the author...

LUTANG NA LUTANG ang kaguwapuhan ni Randy sa suot nitong ternong amerikanang puti habang medyo inip na itong naghihintay sa harap ng altar. Ngayon na ang araw ng kasal nila ni Aleli. Bawat tao du’n sa loob ng simbahan lalo na sa parte ng kababaihan ay hindi maiwasan ang humanga kay Randy.

“Ampogi naman ng groom, parang artista,” sabi ng isang babae sa kasama nitong tatlo pang babae.

“Oo nga… parang si Aga Mulach ang dating a,” sagot ng isa.

“E, ‘yung bride, parang artista din kaya ang dating?” Sagot naman ng ikatlong babae.

“Oo raw…”

“Ow, talaga…? Sino’ng kahawig na artista?”

“Si Elizabeth Ramsey.”

Impit silang nagtawanan.

Pati ang ilang tao sa likuran at harapan nila na nakarinig sa biruan ng apat na babae ay hindi maiwasang mapatawa kahit nasa loob sila ng simbahan. Pigil na pigil ang tawa nila na sinusundan ng tinginan.

Natigil lang nag hagikhikan nang marinig nila ang sabi ng isang babae.

“Nandiyan na ‘yung bride. Dumating na!”

Napalingon ang lahat sa harapang pinto ng simbahan. Doon nga’y nakita nilang nakaparada na ang isang puting bridal car na nadedekorasyunan ng mga bulaklak.

May isang lalaking naka-amerikana ang mabilis na lumapit sa bridal car at binuksan ang pintuan noon. Bumaba ang bride na puting-puti ang suot. Ang mga abay naman ay nakaposisyon na para maglakaran mula sa pinto ng simbahan patungong altar.

Maya-maya, pumailanlang ang wedding march.

Nagsimula nang maglakaran ang mga involve sa kasalang iyon. Mula sa flower girl, hanggang sa kahu-hulihang abay. Naghahabaan naman ang leeg ng mga gustong makiusyoso sa kasalang ‘yun at nakatingin lahat sa dakong hulihan ng mga abay. Gusto makita ang itsura ng bride.

At sa hulihan nga ng pinakahuling abay ay nagsisimula nang lumakad si Aleli na kaagapay ang kanyang ama na nakasuot ng amerikana.

 “Naknamputsa, ang ganda rin pala ang bride e,” halos pabulong ng sabi ng isang babae sa katabi nitong kasama.

“Oo nga… hawig ke Dawn Zulueta.”

“Pareho lang silang maganda.”

“Tiyak na maganda rin ang magiging anak niyan.”

“Sigurado ‘yun. At sabi pa, pareho palang mayaman ‘yan.”

“Ang s’werte naman nila ‘no,” naiinggit na nasabi ng isa.

“Ako kaya, kelan makakadugas ng kasing pogi ng groom at kasing yaman din niya?”

“Naku ‘wag mo nang asamin ‘yun.’ Magugunaw na ang mundo pero hindi mangyayari sa atin ‘yun.”

“Ikaw naman, killjoy. Nagpapantasya lang.”

” ‘Wag mo na sabing isipin ‘yung dahil walang mangyayari sa mga panta-pantasya mo.”

“Hmp! Asar ka talaga!” Inis na sagot ng kausap.

Si Randy, mixed feeling ang nadarama ng mga sandaling iyon. Nananabik na kinakabahan Bakas na bakas sa mukha niya ‘yun. Hindi ito mapakali habang nakatingin kay Aleli na papalapit na sa Altar.

“O abangan mo na du’n sa harapan,” pabulong na sabi kay Randy ng isang lalaking kamag-anak nito.

Agad namang ginawa ng binata iyon. Pumuwesto ito sa gawing kanan para abangan ang pagpapasa ng ama ni Aleli sa kanya.

HATING GABITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon