IKALAWANG GABI

261 4 2
                                    

CHAPTER 4

TININGNAN ni Randy ang relo niyang pambisig. Alas otso na ng gabi. Si Aleli, abala sa panunood ng tv habang nakaupo ito sa silyang yari sa rattan. Dinala ni Randy ang tv set na ‘yun matapos mayari ang bahay kubo. Nakakunekta sa baterya ng sasakyan ang tv, ‘yun ang nagbibigay ng kuryente rito.

Bagaman gayong alas otso pa lamang ng gabi ay parang gabing-gabi na sa lugar na iyon gawa ng katahimikan at walang ibang bahay. Ihip lang ng hangin at huni ng kuliglig ang maririnig.

Tumabi si Randy sa asawa.

“Hindi pa ba tayo matutulog?”

Tumingin si Aleli nang makahulugan sa asawa saka ngumiti.

“Matulog, o me iba ka pang gustong gawin?”

Natawa rin si Randy.

“Kasama na rin ‘yun du’n sa pagtulog natin.”

“Umm, mahilig!” Sabi ni Aleli at isang pinong kurot sa tagiliran ang ibinigay sa asawa.

“Tingnan mo o, very inviting ang panahon, malamig, saka bilog na bilog ang buwan. Time talaga para sa romansa.”

Itinuro pa ni Randy ang bilog na bilog na buwan nang sabihin ‘yun.

Awtomatiko tuloy napatingin si Aleli sa bukas na bintana upang silipin ang buwan.

Parang isang malaking pinggan na kulay dilaw ang buwan sa kalangitan. Maliwanag na maliwanag.

“E, kagabi ganyan din ‘yan e. Full moon kasi ngayon,” sabi ni Aleli.

“Kaya ‘wag nating sayangin ang pagkaromantiko ng mga sandali.”

“HEE! Magtigil ka!”

“Pa’no tayong makakarami n’yan kung ganyan ka!”

“Bakit, contest ba ‘yan na paramihan?”

“Hindi nga, pero iba na ‘yung nakakarami. Remember, bagong kasal tayo.”

“Kung anu-ano talaga ang ikinakatwiran mo para mapagbigyan lang kita ‘no.”

“S’yempre naman, ayokong maaksaya ang mga sandali.”

“E, busog na busog pa ako du’n sa kinain nating inihaw na hito at adobo.”

Kung ano kasi ang inulam nila nu’ng tanghali ay siya ring inulam nila ng gabi. Hindi na sila nagluto, liban sa kanin. Pareho kasing hindi marunong magluto ng ulam. Kung hindi pa kay Mang Domeng, hindi sila makakatikim ng adobong hito.

“Sabagay ako nga rin. Iba kasi ang kain natin dito. Mas masarap kesa du’n sa bahay.”

“Oo nga. Probinsiya kasi ‘to. Doble ang kain ko rito. Baka tuloy pag-uwi natin sa atin hindi na tayo makilala dahil sa katabaan.”

“Oo nga ‘no.”

“Dapat siguro, magpigil tayo ng konti sa pagkain.”

“Pero teka, nakakahalata ako, a. Iniiba mo ang usapan. Nawawala tayo du’n sa talagang topic, a.”

Ang tawa ni Aleli.

“Luko-luko, siningit mo na naman ‘yung gusto mo!”

Ang tawa rin ni Randy.

HATINGGABI na. Pasado alas dose. Naghihilik na si Randy. Pero si Aleli, gawa ng mababaw ang tulog ay madalas nagigising. Tapos ay pipilitin uling matulog.

Biglang napadilat ang nakapikit na nitong mga mata nang makarinig ito ng kakatwang ingay na nagbubuhat sa labas ng bahay. Ang ingay ay tulad din nang narinig nila kagabi. ‘Yung nananaghoy na parang nanggagaling sa ilalim ng lupa ang boses. Bahaw na malamig.

HATING GABITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon