Chapter 2
Ena's POV
It's Saturday at ngayon na ako maghahanap ng pwedeng mapapasukan kong trabaho at para makahanap na rin ako ng apartment.
at this juncture..hahaha charut lang..ngayon andito ako sa park hinihintay Ellaine dahil nagpromise ang bruha na sasamahan nya akong maghanap ng trabaho at apartment pero anak ng pitong tupa..mag-iisang oras na akong naghihintay dito di pa din sya dumadating.
Ngalay na ung pwet ko sa kakaupo at nakabenteng beses ko ng inikot tong park para lang maalis ung boredom ko pero..wala pa rin sya.
*kring kring*
tumunog kong cellphone ko..well di ako mayaman kaya naman 3310 lang yung cellphone ko..okay na rin to, mapagtatsagaan pa naman, wala pa kasi akong pera para bumili ng mamahaling cellphone.kaya tiis tiis muna ako ngayun..dahil alam kong makakaraos din ako.haha
"Hoy asan ka na? ngalay na pwet ko kakaupo dahil sa kahihintay sayo" yan agad yung sinabi ko ng nakita kong si Ellaine na yung tumatawag.
"Best sorry talaga kung matagal ka dyang nag-antay at best isang malaking sorry din dahil di kita masasamahan ngayon"
"Ha?! matapos akong mag-antay ng isang oras dito tapos di ka naman pala dadating"
"Eeh, best naman..45 minutes ka pa ngan naghihintay dyan,isang oras na agad? sorry talaga may important meeting kasi sila mom at dad at kailangang kasama ako"
"Kahit na,15 minutes na lang isang oras na din yun..hayy,sige na nga"
"Sorry talaga best,sige bye na,tawag na ko ni dad"
"Okay,bye"
*tototoot*
Hayy..no choice kung mag-isa akong maghahanap ng trabaho..pero saan nga ba ako makakahanap nun?
di naman karne ng baboy yun na pwede mong hanapin sa palengke eh. hayy...bahala na nga.
..lakad
..lakad..
Habang naglalakad napahinto ako nung nakakita ako ng mamang nagtitinda ng yosi at candy..yung pagala-gala sa daan..
"Magbenta rin kaya ako ng yosi at candy? holoo..pero trabaho na rin yun" parang tanga kong kinakausap yung sarili ko..
Tinignan ko ulit yung mama, well mukha naman di mahirap magtinda eh..yeah it-try ko na..
.
.
.
.
" candy- check, yosi- check, looks? check!" para akong tanga,andito ako sa public restroom, nakaharap sa salamin at kinakausap ang sarili..
Putcha! pati costume ko pinaghandaan ko pa talaga, kaya lang para akong tanga..
Nakasuot ako ng maluwang na t-shirt tapos pants..nagsuot din ako ng sumbrero para magmukha naman akong cool, feel ko naman..Tss!
Lumabas na ko at sinimulan magbenta..
"Yosi! Candy! Candy ho kayo dyan!" sigaw ko..yun naman talaga diba? para makakuha ka ng costumer?
"Candy! candy po miss" sabi ko doon sa babaeng nag-aabang ng jeep, putek! inirapan ako?..
"Kuya..yosi?" alok ko kay mamang driver habang hinihintay nyang mapuno yung jeep nya..
"Isa nga" binigyan ko naman agad si manong.
"Ah manong, bayad nyo ho?" sabay lahad ko ng kamay ko na parang nanghihingi..
*Bruuutt [tunog ng jeep yan, censya na di ko marunung gumawa ng sound effects eh]
T*ngna! agad na pinaharurot nung mama yung jeep nya..
para kong tanga, tulala parin ako doon sa kalye habang nakalahad parin yung kamay..ang masama pa..
Mukha akong taong Tabon sa sobrang itim ng mukha, pesteng usok ng jeep..
at ngayon lang nagsink-in sa utak ko yung nangyari..peste! ang hina magloading ng utak ko..
"Huhuhu! wala akong benta..lugi pa ko" emote ko habang naglalakad at saka pinagsisipa ko yung lata na nakita ko kanina.
"T*ngnang Driver yun..Kainis!" sinipa ko yung lata..sa galit ako eh.
*Bogs*
Huh?
Holoo! pagtingin ko sa bintana ng kotse na naka park..basag!..napalakas ata yung sipa ko
"F*ck! sinung megawa nito?" galit na sabi ng isang mala Adonis na lalaking lumabas ng kotse, mukhang kanya yun.
"Sinung megawa nito?! Papatayin ko!" sigaw nya, mukha namang natakot yung mga tao pero yung ibang babae,sobrang kilig. di ko makita yung mukha nya, nakatalikod kasi sya sa pwesto ko. pero kahit nakatalikod sya alam na alam kung gwapo sya, likod pa lang maganda na eh..hahaha..'Tumigil ka nga Ena may kasalanan ka na nga oh' sabi yan ng konsensya ko..
Dahan dahan akong lumapit sa likod nung gwapong lalaki..*droll* mukhang ansarap nung likod nya..hehehe, anlandi!
*sundot sundot sa machong likod nya*
Mukha syang lion na nag-uusok yung ilong at tenga sa galit..Aww..sayang naman kasi yung kotse.
Huh? What?
"Ikaw na naman?" sabay naming sabi..oo sya yung Si gwapong masungit..
"Sinabing ikaw nga yung may kagagawan nito eh, tignan mo nga nangyari sa kotse ko!" sabay turo nya doon sa bintangang basag.
"a-anung ako? Hoy! wala akong kinalaman dyan nuh!" okay Ena, deny lang, wag umamin..
"Eh kung di ikaw, Sinu? Aber?" galit paring sabi nya..
"A-aba'y ewan ko? baka yung aso?" biglang naningkjit yung mata nya.
Oppss! wrong move buking na ko..pero di ko parin sasabihin na ako..kala nya ha..
?????????????????????/
BINABASA MO ANG
Hoy Panget! I Love You!
HumorThey have different world.He's the Boss and she's his 'alalay'. He's famous while she's just an ordinary girl. He like to call her 'pangit' but what if one day he will discover that he can't already stop from fallin for that girl?..Will he consider...