Mahal kita, mahal mo ko
Hangga't masaya ka, masaya na rin ako
Pero masakit rin pala minsan
Makihati sa iyong kasiyahanLahat, ginagawa ko para ika'y mapasaya
Layuan ang iba, lagi na lang nagpaparaya
Ngunit lagi na lang ba ako ang magpapasaya sa iyo?
Hindi pa puedeng, masaya na lang tayo?Mahirap rin naman kasing intindihin
Kung hindi ko alam, bat di mo na lang sabihin?
May iba ka na ba? Hindi mo na ba ko mahal?
Bakit lagi ka na lang kasing tigas ng bakal?Sabihin mo lang, at handa akong bumitaw.
Dahil ang katotohanan ay unti-unti na ring lumilitaw
Maaari ngang wala ka pang iba
Pero alam kong hindi ka na masayaMahal kita, mahal mo ko
Pero tulad ng iba
Mukhang hindi ata tayo
Para sa isa't isa
BINABASA MO ANG
Unspoken Words
PoetryA collection of late night thoughts and sadness mistaken as poetry Note: Parts are published in either Filipino or English.