-

79 1 0
                                    

[i have no idea when i made this]

Nais ko sanang magbahagi ng storya
At 'wag kang mag-alala, aaminin ko na
Kasama ka na naman
Lagi naman, Lagi na lang
Hindi ka ba napapagod?
Sa mundo nating paikot-ikot, ikot
Ikot. Hindi ba yun ang ginawa mo sakin?
Pina-ikot, ikot, ikot mo 'ko
Pinaniwala, ilang beses na mahal mo pa 'ko
Mahal. Mahal, hindi yun mahal.
Dahil kung mahal yun, nasan ka na?
Kung mahal yun, bat 'di na kita kasama?
Bakit wala ka parin sa piling ko?
Bakit iba na ang kasama mo?
Gusto ko sanang magbahagi ng storya
At ayoko nang magpaligoy ligoy pa
Gusto ko sanang ikwento sayo
Ang mga nangyari nung iniwan mo 'ko
Sinukuan ko siya, dahil sinabi mong mahal mo pa 'ko
Ngunit mahal, sinukuan mo 'ko
Binitiwan ko siya, binitiwan mo ko
Tinapos ko ang kami, tinapos mo ang "tayo"
Bakit? Bakit biglang nagkaganito?
Akala ko ba mahal, mahal mo ako?
Gusto ko sanang magbahagi ng storya
Hango sa mga panahong ako'y tanga pa
Tanga, para sayo
Tanga, para maniwala sa mga sinabi mo
Gusto ko sanang iparating sayo
Na kahit noong mga panahong hindi ko ginusto
Ginusto ko paring gustuhin mo 'ko
Pinangarap 'kong maging ang una mong iniisip sa umaga
Ang huli 'mong iniisip sa pagsapit ng gabi
Pinangarap 'kong gustuhin mo 'ko
Pinangarap 'kong maging mahalaga sayo
Pinangarap 'kong mahalin mo rin ako
Gaya ng pagmamahal ko sayo
Gusto ko sanang magbahagi ng storya
Tungkol sa aking pagpili, dahil sa mga maling akala
Gusto ko sanang iparamdam sa'yo
Ang nangyari noong akala ko okay na 'ko
Nandiyan na siya, wala ka na
Wala ka na naman, wala ka na.
Pero bumalik ka
Bumalik ka, nung gusto ko na siya
Pero mahal, magkaiba parin
Magkalayo, hinding hindi magtutugma
Dahil mahal, malayo ang mahal - sa gusto
Gusto ko siya, minahal kita
At ibang-iba. Ibang-iba yun.
Una.
Gusto ko siya.
Present tense, walang halong duda.
Minahal kita.
Tila sinisigaw ng puso 'kong nagpapanggap na okay na
Ikalawa.
Gusto ko siya.
Dahil sa mga ginagawa niya para ako'y mapasaya
Gusto ko siya.
Dahil pinaghirapan niya 'ring gustuhin ko siya
Minahal kita.
Para sa mga bagay na hindi ko na maibabalik
Minahal kita.
Minahal 'ko ang taong ngayon ay wala na
Pero kay tanga.
Ang tanga. Tanga. Tanga.
Tanga ko't pinili na naman kita.
Pinili kita, dahil sinabi mong isa ako sa pinagpipilian mo
Nakalimutan 'ko lahat, at nagpaloko sa panggagago mo
Dahil bumalik na naman ako sa simula
At umasang may pag-asa pa.
Pero mali na naman.
Mali na naman. Mali na lang lagi.
Maling mali. Maling mali.
Dahil kahit nung sinabi niya nang mahal niya na ako
Ikaw parin ang pinili ko
Ngayo'y wala na siya, wala ka na rin
Wala na ang nangako saking magiging okay ang lahat
Wala na rin ang akala ko ay okay na
Dahil mahal, iba nga naman ang "Mahal na kita," sa "Mahal parin kita.. Ata."

Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon