Nagpakatanga ko't nagpaikot-ikot
Sa'king kalungkuta'y naghanap ng sagot
Kaya't pinaniwalaan ko ang lahat ng sinabi mo
Na mahal mo parin talaga ako
Pero mahal, hindi naman yata
Parang awa mo, sumuko ka na
Kahit masakit, kahit di ko pa kaya
'Di ko pa kayang mawala ka
'Di ko pa kayang magmahal ng iba
Pero mahal, wala na talaga yata
Pagod na ko maging mag-isa
Pero ayoko rin namang mapaasa
Ngunit kumapit parin ako sayo, sa maaaring maging tayo
Wala na 'kong pakialam kung masaktan mo 'ko
Dahil mahal, mahal na mahal kita
Mahal kita- pero ginagawa mo 'kong tanga
Nararamdaman ko na kung pano maging pansamantala
Na hangga't wala siya, mahal mo 'ko
Ngunit pagod na pagod na talaga ako
Kaya mahal, malaya ka na
BINABASA MO ANG
Unspoken Words
PoetryA collection of late night thoughts and sadness mistaken as poetry Note: Parts are published in either Filipino or English.
