[answer to 3/11]
Mahal kita, mahal mo ko
'Di ko naman alam na ganyan ang nararamdaman mo
Okay na ko, basta okay lang tayo
Kaya bakit ka ba biglang lumalayo?Masaya ako sa kung ano man ang meron satin
Kuntento na kong malamang ikaw ay akin
Mukha ka namang masaya sa aking paningin
Siguro ganun lang talaga pag ika'y nasaking pilingAlam ko na ang torpe ko
Alam ko ring manhid ako
Mahirap akong intindihin
Pero 'di ka napapagod na ako ay mahalinGanun lang ba kadaling bumitaw?
Pano na sasaya ang aking araw?
Kung wala ka na diyan para intindihin ako
Kung wala ka na sa piling koImportante ka sakin, ayaw kitang mawala
Pero 'di ka prayoridad, pasensya na
At kung di mo matanggap kung sino ako
Bakit pa nga ba nagkaron ng tayo?
BINABASA MO ANG
Unspoken Words
PoetryA collection of late night thoughts and sadness mistaken as poetry Note: Parts are published in either Filipino or English.