-

160 1 0
                                    

Noong araw,
Ako'y isang pusong ligaw
Nanginginig sa lamig na dulot ng gabi
Nalulungkot sapagkat walang makatabi
Napapaligiran ng mga kasiyahang 'di ko mawari
Bakit nga ba
Bakit nga ba hindi ko maintindihan
Ba't 'di ko mahanap ang kasiyahan
'Di ba 'ko karapadapat?
May nagawa ba ko, hindi ba ko sapat?
Kaya't naghanap ako
Hinanap ko ang kasiyahan
Napadpad sa kung saan saan
Minsa'y natatagpuan
Madalas nabibigo
Ako'y nanatiling isang pusong ligaw
Nanginginig sa lamig na dulot ng gabi
Nalulungkot sapagkat walang makatabi
Ngunit simula ng makilala kita
Ang buwan ay tila biglang nagniningning
Ang mga bitwin, abot kamay na para sa akin
Sa tuwing makakasama ka
O kaya'y masilayan lamang ang iyong mga mata
'Di maipaliwanag ang sayang nadarama
Kahit sa mga oras na di mamalayan kung ano ang itinatanaw
Ang tibok ng puso't laman ng isipa'y lagi lang ikaw
Kay laking pasasalamat ko't nakilala kita
Dahil mahal, isang pusong ligaw ang iyong napasaya
Dati hindi ko alam kung ano nga ba ang pakiramdam ng tunay na kasiyahan
Ngunit nakilala kita
At sana nga, hindi ka na mawala
Sana nga, hindi totoo yung sinasabi nila
Na baka tayo'y pinagtagpo, pero hindi itinadhana

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 16, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon