#2: TULA: Aking Katha

48 4 4
                                    

NOTE: Original composition. Plagiarism is a crime!

***

"Aking Katha"

Ni: SecondHandBoyFriend


Ako'y may isinulat na isang tula,

Ang natatangi't espesyal kong katha

Ng matatamis na sandali at ginintuang ala-ala

Noong puso nati'y tibok ay iisa pa!


Ngunit tinangay ng hangi't ito'y nawala

Kapirasong papel ngayo'y nasaan na?

Puso'y binalot ng labis na kaba

'Pagkat ala-ala nating dal'wa'y di na mababasa pa!


Tila ba ninakaw ng sandali ang pagkakataon

Ang mga nais ko sanang sabihin sa iyo doon

Mga katagang hindi mabubura sa haba ng panahon

Na tanging para sa'yo, oh, aking naging inspirasyon!


Hinanap ng puso kung saan-saan

Nagbabakasakali pa ring matatagpuan

Ang gusot na papel na aking sinulatan

Ng mga salitang kaibig-ibig, matatalinghaga't makahulugan!


Nagulat nang may biglang tumawag sa pangalan ko,

Binalot ng saya at kaba itong aking puso

Bagama't batid na wala na tayo...

"Minamahal pa rin kita!" isisigaw ko sa buong mundo!


Bigla kang lumapit sa'kin at ako'y niyakap mo,

Puso ko'y tila lumukso,

'Di akalaing ang kathang pilak ko'y nasa sa'yo.

At nang may ngiti ito'y binasa mo,

At sinabi mong. . .

Iniibig mo pa rin ako!

---o0o---o0o---o0o---


SHBF's Ink And Thoughts [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon