THE BEAUTY OF A HEARTBREAK GIRL
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT.
His POV..
Nagkasalubong muli tayo. Hindi ko alam kung nararamdaman mo rin ba ang kaparehong damdamin ko sayo hanggang ngayon.
Pilit kong hinuhuli ang ningning ng yung mga mata pero kagaya ng mga bituin sa langit, pilit rin itong tatabunan ng mga makakapal na ulap sa paligid.
Napapaisip pa rin ako kung meron pa ba? Kung pwede pa ba?
Hindi kailanman sumagi sa isip ko na magkakahiwalay tayo, na mawawasak tayo.
Naalala ko ang huling gabing nag-usap tayo. Kitang kita ko ang samo't saring galit sayong mga mata na hindi ko kayang tapatan dahil alam ko, sa umpisa palang ako ang dahilan kung bakit nauwi sa hiwalayan ang lahat.
Nakaupo ako sa dulo ng isang kwarto habang ikaw nama'y nasa kabila. Ang mga kamay ko ay nakasapo sakin ulo at pilit kong iniintindi ang aking sarili kung bakit ko nga ba nagawa ang mga bagay na makakasakit sayo.
Hindi ko nalang sana nagawa iyon kung alam kong sa ganito lang rin hihinto ang lahat.
At ikaw, ayaw mong papasukin ang isang posibilidad na sa reyalidad ay magdadala sayo sa labis labis na kalungkutan.
Humingi ako ng tawad kasi ayaw kong mawala ang lahat satin. Pero siguro sadyang hindi kalang handa na magpawatad O siguro sadyang malaki lang talaga ang sugat na nilikha ng mga ginawa ko kaya hanggang ngayon, ang pader na nilikha mo sa pagitan natin dalawa ay patuloy kong titingalain hanggang sa tuluyan mong buksan ang pinto para papasukin ako sayong puso.
Ikaw ang babaeng kilala ko na hindi basta basta tinatapon ang nararamdaman sa isang tao. Ikaw ang nagturo sakin na isang malaking kasalanan ang talikuran ang mga taong nagmamahal sayo subalit kahit pilit kong pinapaunawa sayo ang lahat nang yun ng gabing sinimulan kong ilakad ang aking mga paa patalikod ng kwartong naging husga ng pait ng dinanas mo sakin, hindi ko narinig ang maliit mong pagtawag ng aking pangalan.
At iyon, iyon ang masakit..
Kasi mas pinili mong itapon ang Pag-ibig mo para sakin, dahil ayaw mong makulong sa lahat ng hinanakit at nais mong bigyan ng panahon ang paghahanap mo sayong sarili ng mga panahon naiwala mo ito ng nabulag ka ng Pagmamahal mo para sakin.
Ito na ang Panahon nais mo at gusto kong maghintay hanggang sa matutunan mo muling tingnan ang mga pangarap natin.
Kahit mahirap, kahit hindi ko kaya handa akong maghintay.
Her POV...
Umiyak ako habang sinasalubong ang malakas na ulan. Nag-aabang sa muli mong paglabas upang pasuungin ako hindi sa lilim ng iyong Payong kundi sa init ng yung mga yakap at halik.
Subalit nagpatuloy ka sa paglalakad ng hindi man lang tumitingin pabalik sakin.
Siguro nga tama ang naging desisyon ko na wakasan ang anumang bagay na nag-uugnay satin.
Hindi ko alam kung ilang beses akong naging bulag at bingi sa harap ng ibang tao. Na kahit paulit ulit nilang sinasabi sakin ang mali, pilit ko iyon winawaglit at di pinapansin kasi malaki ang paniniwala ko sa Pag-ibig ko sa kanya.
At don napagtanto ko na hindi pala totoo ang mga bagay na nangyayari sa mga Pelikula. Hindi totoo na may himala sa Pag-ibig.
Love is Hard. Kaya ka nitong pasayahin at saktan sa parehong libel ng sakit o mas higit pa. Sinusubok tayo nito pero naisip ko na hindi dapat natin pinipilit ang Kasiyahan dahil kusa itong lalabas ng hindi natin namamalayan.
Nakatingin ako sayo ngayon, Ang marka ng sakit at pait ng mga nagdaan ay hindi mo kayang maitago sakin. Alam ko umaasa ka, kagaya ko. Naghihintay ng tamang panahon kung kelan pwedeng maibalik ang dating "Tayo."
Sinubukan kong itatak sakin isipan ang mundo kung san wala ka, kung saan hindi tayo nagkakilala, kung san hindi ako nasaktan ng ganito. Sinusubukan kong isipin ang mga gabing hawak mo ang aking kamay at maingat mo akong pinagmamalaki sayong mundo.
At sa tuwing sinusubukan kong burahin ang gabing ang mga yakap at mga halik ang magpapahimbing sakin pagtulog, I can feel myself breaking at ang mundo ko ay tila bumabaliktad at dumadami ang sakit kesa ang maibsan ito.
"Paano natin maayos ito?" Iyon ang huling text na natanggap ko galing sayo.
Hindi ko alam, ang alam ko lang ay magulo ako ngayon. May lason pa rin ang aking puso at para akong maliit na nilalang na nakakulong sa bawat sapot ng sakit na dinanas ko sayo. Gustuhin ko man kumawala, hindi ko alam kong paano.
Hindi ko masabi sayo ang ilang mga gabing hindi ako makatulog dahil sa torture na nararamdaman ko at naiisip ko because I'm completely consumed with my thoughts and insecurities for you.
Pero sana, maghintay ka pa.. Kasi pinipili ko pang hilumin ang aking sarili para kung sakaling bigyan tayo ng panahon at mahawakan mo ang aking mga kamay at sabihin mong mahal mo pa ako, kaya ko nang paniwalaan ito ng walang iniisip na iba.
Hinahanap ko pa ang sagot sa sarili kong mga tanong at kapag meron na akong lakas para tanggapin at kalimutan ang mga nangyari, maybe I am worthy of you.
Kaya nakikiusap ako, wag mo akong susukuan. Hindi man tayo nagkakausap o nagsasama pero sana isipin mo lang na kailangan ko pa ng panahon para patawarin ka, para patawarin ko rin ang aking sarili kung bakit tayo nauwi sa ganito.
Kasi hindi ko kayang isipin na mawala ka at hindi ko alam kung kaya ko nga ba iyon....
BINABASA MO ANG
The Beauty of Heartbreak Girl #Wattys2016
General FictionThe Beauty of a Heartbreak, all rights reserved.