Fran's POV
Pagkatapos naming gumayak. Ready na kami para maglakwatsa.
Nagrubber shoes kami parehas at pants tapos simpleng tshirt at partner kami.
Nagdrive na siya papuntang PMA. Hulaan nyo nalang kung paano kami nakarating dun, hehehe. Sinundan lang namin yung mga sasakyan sa unahan namin at buti papunta din silang PMA.
Chineck-up muna kami nung mga sundalo na nagbabantay, kung nakarubber shoes ba at di nakashorts tapos kapag ok na gorabels na.
Drive naman ulit 'tong si BBFI. At pagdating sa destinasyon.
PICTURE!
Picture dito, picture doon...ang kulit naming tingnan. Napagalitan pa nga kami nung isang sundalo kasi naghabulan kami. Ang kulit lang. At para hindi lalong magalit si kuyang sundalo isinali namin siya sa picture taking.
"KIMCHI!" at nagpose naman si kuya ng peace sign
Pati yung ibang sundalo pinasali namin at parang class picture lang kami.
(imagine magawa niyo 'toh, kayo na!)
Tao din naman kami at napapagod din, nakaramdam na kami ng gutom at syempre pagod kaya naman umuwi na kami pero syempre bili ulit ng foods.
After kumain...nuod ng tv.
Ang bilis ng oras di namin namalayan 8:30 na pala.
"labas tayo, may night market di ba?" aya ni Athan
"sige saka mas malamig ngayon" mas malamig ngayon tapos giginawin naman ako
Lumabas nga kami at wala pa ang night market, nakaready palang.
Saktong 9 o'clock, ayan na kagulo na ang tao, pili dito, pili doon. Nakakatuwang manuod sa kanila kasi naghahanap talaga ng mura. Mga pilipino talaga hehe.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
short update lang :)
MyZeAp.
BINABASA MO ANG
We're Perfect Two
Teen Fictionkung ano lang ang pumasok sa isip ko, yun ang sinusulat ko. please read. :)