Chapter 1 - Suplado si Kuya!

15 1 1
                                    

Fran's POV

"Athan bilisan mo! Napakabagal ng baklang 'toh, dali naman late na tayo!" sigaw ko kay Athan, besfren ko

"eto na eto na, nagmamadali na nga ako, teka lang ha, atat masyado" tsura neto haizt!

"eh kasi po baka maraming tao sa pag-ibig, ma-e-estranded pa tayo ang tagal tagal nun, eh di ginabi tayo pagpunta ng Baguio"

YES ^0^ tama ang basa niyo pupunta kami ng Baguio at KAMING dalawa lang, bakasyon for 2 weeks, sosyal ano? Hahaha :D

"ok ok...sige na, oh ready?" dala dala na ni Athan yung mga gamit niya at dala ko na rin yung akin. Tig-isang bagpack lang kami na sobrang bigat.

"READY!" sigaw ko.

Lumayas na kami ni Athan sa aming munting tahanan. Nagbobored lang kasi kami at magkasama kami dun. Walang malisya kasi BBFI kami meaning Best Best Friend Infinity. Knowing na talaga namin ang isa't isa kahit boy siya at girl ako, bata palang kasi kami nagtagpo na ang tadhana namin at yun naging maging BBFI nga kami.

"bakla let's go na, ayan na ang jeep" sabi ni Athan sakin

Sumakay na kami sa mahiwagang jeep na tumigil sa aming harapan.

Pag-upo namin....

"manong bayad po" sabi ng isang gwapong nilalang sa harapan namin

O___O - itsura naming dalawa

Tapos...

 >__>   <__< - nagkatinginan

At

^__^ - ngumiti

JACKPOT! Ang pogi pogi ng lalaking kaharap namin ngayon, pero akin siya... wahahahahahahahaha!!

"ehem...ehem" si Athan

"Athan magbayad ka na" sabi ko sa kanya

"sige wait lang" wait? May pa-wait wait pang nalalaman 'toh bakit naman?

Lumipat ng upuan si Athan at lumagay sa bakanteng upuan malapit sa gwapong nilalang sabay sabing....

"manong bayad po, dalawang pag-ibig" inextend niya yung arms niya at nagsakto dun sa gwapong nilalang

"makikisuyo naman" sabi ni Athan sa gwapong nilalang pero...

DEADMA lang!! OMG!! Ang suplado ni Kuya, grabe!

"KUYA makikiabot nga po yung bayad namin" nilakasan talaga ni Athan yung pagkakasabi niya ng kuya kasi siya at yung gwapong nilalang lang naman ang lalaki sa side na 'yon

Lumingon si kuya...

"di ba dun ka nakaupo bakit lumipat ka dyan?" awww ang taray nito ah

Napatingin yung mga pasahero kay kuya....

Napahiya naman ng kaunti si Athan dun, kasi naman siya lilipat lipat pa ayan tuloy.

"sungit naman, kala mo pogi!" bumalik siya sa tabi ko

"manong bayad po" inabot ko yung bayad namin

"bakit hindi ba?" tanong ko sa kanya

"pogi nga pero suplado, sama ng ugali"

"sus...ikaw kasi kalokohan mo ayan tuloy napahiya ka pa ng konti"

"heh! Nakakainis lang" nalaglag yung panyo niya, OO may panyo ang bakla dinaig pa ako

"Athan..." hinawakan ko kamay niya

"what!?" tumingin siya sakin

":3" nginuso ko yung nakita ko

"ano? Yuck! Kadiri ka Fran ha, tigilan mo nga yan, nasa public tayo" sabi niya sakin, baklang 'toh kung ano anong iniisip hindi nalang tingnan yung nginunguso ko

Pinandilatan ko siya at tumingin sa harap namin, napatingin naman siya...

"thanks" at kinikilig ang bakla, yan ba ang sinasabi niyang naiinis siya?

Pano ba naman kasi pinulot ni kuyang gwapo yung panyo niya at inabot sa kanya kaya naman kilig to the bones ang lola niyo. Tsk! Sabi ko di ba akin siya >.< pero parang hindi na.

Malapit na kaming bumaba...

"Athan malapit na ba tayo?" tanong ko

"oo bakit?"

"ikaw nalang muna ang bumaba dito muna ako" at tinaasan niya ako ng kilay

"bakit mag-iistalk ka na naman?"

"loka! anong stalk, mag-iinvestigate lang"

"tumigil ka, dapat kasama ako magsosolo ka na naman" eheh? Badtrip gusto ko lang naman malaman kung saan nakatira si kuya eh, hehehehe

-atwitwitsitstisasasatekekekekboomboomblakakablakakachuchuru-

Waah? Ano yun? Kaninong ringtone yun?

"hello??" hello? Si kuya pala yun, kakaiba naman yung ringtone niya, sang planeta kaya galing yun?

"oh babe" BABE!!??

Nagkatinginan kami ni Athan... "ay may babe siya, gf??" hindi naman namin sinabi yan kundi sa mga mata lang namin

"oo pauwi na ako dyan sa bahay" ano? Bahay? May-asawa na siya? Oh T__T sayang.

--------------------------------------------------------------------------------------------

next update....

Chapter 2: Ang TRIP...

♥_MyZeAp_♥

We're Perfect TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon