(A/N: first time haha, irereveal na kung sino siya)
"bye Kuya Athan, bye Ate Ches" sigaw ni Marie dun sa dalawa
Yung dalawang yun bakit sila pa yung nakakita kay Marie. Tsk!
Naalala ko sila nung una naming pagkikita ay hindi pala yung bakla lang, first time ko siyang makita sa jeep pero yung babae nakita ko na siya minsan na dumaan sa school namin.
Badtrip sila kaninang madaling araw, sabi ko na nga ba sila yung kasunod namin, nakita ko kasi sa side mirror yung mukha nung bakla. Tsk! Muntik pa silang madisgrasya.
"kuya, asan po si Ate?"
"inuwi ko na siya, umiiyak na kasi habang hinahanap ka eh baka atakihin ng sakit sa puso kaya pinagpahinga ko na, sabi ko sa kanya na ako nalang hahanap sayo"
"buti nga po nakilala ko sila ate Ches kundi sila ang nakilala ko baka hindi niyo na po ako nakita"
"oo nga buti sila nakakita sayo"
Sige na nga, ok na sila na yung nakasama ni Marie kesa naman sa iba. Ano ngang sabi ko kanina? Aah nevermind.
"kuya uwi na tayo inaantok na po ako"
"sige tara na"
Pag-uwi namin sa tinutuluyan namin, tumabi agad si Marie kay ate at natulog na sila. Ako naman, nagpahangin muna sa terrace. Ang sarap talaga ng hangin, ang lamig.
"ang lamig ng hangin, Athan!!" sigaw ng isang babae sa kabilang room habang nasa terrace din siya
I know that voice.
*PLAK PLAK PLAK*
"Athan tingnan mo dali may fireworks!"
Fireworks? Bakit may fireworks?
"san galing?" tanong ng isang boses sa kabila
"sa SM galing, ang ganda"
"kasing ganda mo"
"waw Athan natotomboy ka ha"
"hahaha...oh sige kasing ganda ko, angal pa?"
"parehas nalang"
Naglokohan pa ang dalawa. Sa tabi lang pala namin sila na-room. Bakit ba masyado kaming pinagtatagpo? Ewan ko.
Hindi ko alam pero bigla ko nalang nilabas yung cellphone ko at pinicturan siya.
"matulog na kayo" sabi ko sa kanila at natulog na ako
Hindi ko alam kung narinig ba nila o hindi pero wala na akong pakielam dun.
Maaga akong nagising, pero mas maagang nagising si Marie.
"kuya kuya, tara gusto ko po magbike"
"Marie ang aga aga eh" it's 6 o'clock in the morning
"kuya mag-eexercise ako" exercise, exercise pa 'tong batang 'toh.
"sandali magpapalit lang ako ng damit"
"ok ^-^"
Nagpalit lang ako ng tshirt tapos ok na. Nakashorts lang kami.
Paglabas namin ng room....
"Athan naman hanggang dito ba babagal bagal ka pa rin, tsk!" sabi nung babae
"bakit ka ba kasi nagmamadali, malay mo wala yun don"
"eh wag ka nalang magulo"
Ganyan ba talaga sila mag-usap?
"ate Ches, kuya Athan!" tawag ni Marie, nako naman tinawag pa
"Marie! ^-^
Owwh..........
may kasama ka pala -___-"
Whatever...
"tara na Babe" hinila ko na siya at sakay sa elevator
"hep!"
*BOOOOOOOOOOOOOG*
Pinigil nung dalawa yung elevator. Napatawa naman kami ni Marie kasi ang panget ng itsura nila habang pinipigil yung elevator, ang awkward. Haha.
Itsura nung bakla, nakasalampak sa sahig, pano ba naman nadulas sa pagmamadali tapos yung babae, nakangiwi.
"kuya your so bad"
Pinindot ni Marie yung stop na sign tapos bumakas na yung elevator. Tinulungan naman ni Marie na tumayo yung bakla at nakapasok na yung dalawa.
"ang bait bait mo naman Marie, di tulad ng kasama mo, hindi ata alam ang GENTLEMAN" eh di ipagdiinan ang gentleman, I don't care. Tsss.
Ngumiti lang ang magaling kong kapatid.
Dito na kami sa biking area. Nagbabike na si Marie at ako eto nakaupo. Babantayan ko nalang siya, tinatamad ako magbike. Yung dalawang babae? Oo I consider na babae yung bakla, ganun na din naman yun. Nagbi-bike din sila.
Bago mapunta sa ibang bagay ang pagsasalaysay ko, magpapakilala muna ako.
Symon Daniel Rodriguez. 17 years old. Computer Technology course ko pero gusto ko talaga, Culinary. Bakit eto course ko, ewan ko kung bakit pero kapag natapos ko na toh magcuculinary talaga ko. Walang koneksyon noh? Pero mahilig kasi akong magluto, fashion ko yun. Pati pagsasayaw, hilig ko rin, pakantahin mo ako? Ok lang naman boses ko. Ayoko ng exposure. Ayoko din sa ki....uh nevermind. Hanggang dun lang.
"kuya waaaaaaaahhhhhhhh"
*CRRRRRAAAAAAAAAAAAAASSSSSSSSHHHHHHH*
BINABASA MO ANG
We're Perfect Two
Fiksi Remajakung ano lang ang pumasok sa isip ko, yun ang sinusulat ko. please read. :)