Chapter 2 - Ang TRIP...

13 0 0
                                    

Fran's POV

"PAG-IBIG! PAG-IBIG! Sinong baba dyan oh" sigaw ni manong

"bakla tara na tara na, andito na tayo" kalabit ko sa kanya, natulala na kasi di rin makapaniwala sa narinig niya

Bumaba na kami at nakita namin  si Mr. Kang kasama si Diamond.

"DIAMOND!!!" sigaw ni Athan at niyakap si Diamond

"hello Mr. Kang" bati ko

"hello din po Miss Francheska, Sir Nathaniel ito na po yung susi ni Diamond" inabot ni Mr. Kang yung susi kay Athan pero di niya pinansin kasi nakayakap pa rin kay Diamond

Nakakahiya siya >.< yakapin daw ba yung sasakyan? Pajero si Diamond, bongga ang pangalan eh, kumikinang...natripan lang namin kasi nung binili namin siya eh pinapatugtog yung 'shining bright like a diamond' kaya yun yung name na naisip namin sa kanya.

"huy Athan nakakahiya ka, eto na yung susi oh, tara na gagabihin tayo traffic pa naman" sabi ko sa kanya at mukang nahiya na nga kasi may mga tao ng nakatingin sa kanya

"sige po Mr. Kang thanks po sa pagdala kay Diamond dito"

"wala po yun, trabaho ko po yun Sir, ingat nalang po sa biyahe at sa pagdadrive po"

"don't worry mag-iingat talaga kami takot nalang naming mamatay noh at ayaw naming masira ang bakasyon namin, tatawagan nalang po namin kayo kung nagkaproblema para masundo niyo po kami"

"ok po" ansabe? Haba ng sinabi ni Athan tapos ok po, haaaayyy...hahaha

Umalis na si Mr. Kang at sumakay na kami kay Diamond...

"ano? Gora na?" tanong ni Athan

"kanina ko pa gusto lumarga, let's go na"

At umalis na nga kami.

Habang nagbibiyahe kami, ikukwento ko lang sa inyo kung sino ako at si Athan. Game!?

Ako nga pala si Francheska Mikaela Bautista. Fran is my nickname. I'm 17 years old. An incoming second year college student. Business Administration ang course ko. Wag nyo na itanong ang major masyadong mahaba yung initials nalang, HRDM hehehe. Oo nga pala bakasyon namin ngayon, hindi sembreak or whatever as in bakasyon, summer vacation 'toh, kaya naman naglakas loob kami ni BBFI na magbakasyon sa Baguio magpapalamig lang naman ng two weeks, oh di ba sosyal!

Si Athan naman, siya si Nathaniel Lee. Isang koreano. He's 18 years old. Incoming second year na din pero Computer Engineering ang course niya. Naisip nyo siguro na koreano siya eh bakit hindi kami sa korea nagpunta? Sawa na kami dun, hehehe nung sembreak nandun kami eh kaya gusto namin maiba naman saka marami namang koreano't koreana sa Baguio kaya parang nagpunta na din kami sa korea.

Paano nga ba kami naging magkaibigan ni Athan?

Ganito kasi yon...

Yung papa niya at mama ko, magbestfriend. Tapos nung bata pa kami dinala ni Tito si Athan dito sa Philippines at naging close kami. Dito pinag-aral ng Grade 1 at Grade 2 si Athan at magkaklase kami nun, bumalik siya ng korea nung Grade 3 kaya nakakalungkot hanggang sa matapos niya ang Elementary/Middle School. Dun din siya nag-Junior High at dun siya gumgraduate pero may communication pa rin naman kami, kapag bakasyon nandun ako lagi sa bahay nila, bahay sa korea, oo nagbabakasyon ako sa korea. Galing ano? Tapos ngayong college dahil nasa legal age na siya pwede na siya dito sa Pilipinas, pumayag si Tito para dito mag-aral at kaya magkasama kami ngayon. Nasa korea si Tito at Mama ngayon may business kasi sila dun at silang dalawa ang may-ari, partnership kung baga. Wala na nga pala akong papa namatay siya nung 2 years old ako may sakit kasi siya sa puso at thankful ako kasi hindi naman naipasa ni papa yung sakit niya sakin.

We're Perfect TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon