Fran's POV
Nararamdaman ko na ang lamig ng hangin, ang sarap sa pakiramdam. Binuksan nalang namin kasi yung bintana ni Diamond para naman makatipid tipid din sa baterya.
"ang sarap ng lamig ng hangin noh" sabi ni Athan
"oo nga e....wieeee fresh air pa" itinaas ko yung kamay ko
"ngayon hindi na -___-"
"huh? Bakit naman?"
"ibaba mo kaya yang kamay mo para maging fresh air" ay loko ang bad!
"ang bad mo Athan!"
Sinabunutan ko yung buhok nya at....
"BEEEEEEEEEEEPPPPPPP!!"
"waaaaah FRAN timang ka, muntik na tayo dun"
Muntik na kaming mabangga, oh sorry :( di ko sinasadya.
Sumigaw si kuya driver na nagdadrive nung kotse na muntik na naming mabangga dahil inunahan kami.
"HOY! Kung magpapakamatay kayo wag kayong mandamay!"
Tumingin kami sa driver...
"sorry po T__T" kabado much kami ni bakla huhuhu :'(
Pero parang may something na nagsabi samin ni Athan na...
"siya ba yun?"
Oo yung sabi samin ng isip namin na kung si kuyang gwapo na suplado yung driver ng kabilang sasakyan.
Nawala na yung sasakyan sa unahan namin. Ang bilis naman kasi magpatakbo nung driver.
Di nalang namin pinansin at di na kami nagharutan, takot lang namin na madisgrasya noh, madilim pa naman sa daan, nakakatakot.
Ramdam na ramdam namin yung lamig...
"A-at-than...anlamiiiiiiiggg" boses ko yan, nilalamig na talaga ako
"malapit na tayo konting tiis nalang, magsuot ka kasi ng jacket" inabot niya sakin yung jacket ko at isinuot ko naman
Dahil sa nasarapan ako sa lamig ng hangin...dating gawi nakatulog ako.
Pagmulat ng mata ko naramdaman ko nakatigil yung sasakyan namin. Asan na ba kami?
"Fran gising ka na pala" sabi ni Athan na nasa labas na at nanunuod sa mga naglalaro ng soccer sa katapat naming field na pinagparadahan niya.
"uhm asan na tayo?" tanong ko habang papalapit sa kanya
"nasa Baguio na duh! Burnham Park itey"
"talaga!? wow" ngayon lang nagloading sa utak mo eh noh Fran, LR ka
"akala ko ba nakapunta ka na dito bakit parang di mo alam?"
Ay oo nga pala nasabi ko kay Athan na nakapunta na ako dito ng mga 2 times na nga pero bata pa naman ako nun kaya di ko na matandaan. Ang alam ko lang nakapunta na ako.
"eh bata pa naman ako nun noh, di ko nga matandaan ginawa namin dito"
"sabagay, tara picture!" aya niya
"sige ba"
At nagpicture picture kami. Nakiepal pa nga kami dun sa mga batang naglalaro ng soccer habang nagpapahinga sila at nagpapicture picture, mga koreano kasi sila tapos yung iba taiwanese kaya nagkakaintindihan KAMI. Marunong din ako magsalita nun noh.
6:30 na. Pagod na kami sa pags-smile kaya naman naisipan na naming maghanap ng matitirhan namin.
"sa Burnham Suites nalang tayo" recommend ko
"san yun?"
"dyan lang sa likod, tara"
Kahit di ko alam ang daan, ako pa ang nag-guide sa kaniya haha, nagtanong tanong kami syempre.
After 30 minutes...
"eto lang pala yun kung san san pa tayo nagpupupunta, haizt!" reklamo ni Athan habang pinaparada si Diamond
"tara tayo'y kumuha na ng kwarto" aya ko
Bumaba na kami at pumasok sa loob, buti naman at may bakante pa marami kasi kaming nakita tao at sasakyan.
Akyat sa Room 502...sa 5th floor kami napunta. Ang taas.
Nakarating na kami sa room namin at pagkababa na pagkababa ng gamit namin sa tig-isa naming kama...
"haaaaayy...nakakapagod ang biyahe, buti pa yung isa dyan natulog lang ng natulog" alam kong ako ang pinariringgan ni Athan kaming dalawa lang naman ang tao dito sa kwarto eh pero sorry siya kasi mukhang makakatuuuuuu... haaaaaayyyyy.
zzzZZZzzzzZZZzzzzZZZZzzzzz....
Mga 9 o'clock na siguro ako nagising at si Athan tulog na tulog pa rin. Bibili nalang siguro ako sa baba ng pagkain namin, nakakagutom ang pagtulog.
Pagkabili ko tulog pa rin si Athan. Dumungaw muna ako sa terrace sa loob ng kwarto namin, ang ganda dito kahit mainit ang araw malamig pa rin ang simoy ng hangin.
"ang ganda dito ate!" dinig ko na sinabi ng isang batang babae sa kabilang room pero di ko kita ang mukha niya.
Oo ang ganda talaga dito. Parang ayoko ng umalis haha. Dito na ako titira.
"ate, Marie...kain na tayo, the breakfast is ready" narinig ko naman na sabi ng isang lalaki
"Fran..." huh? Pagtingin ko sa likod
"ay bakla! Athan ano ba yang itsura mo kabaklaan mo talaga, tanggalin mo nga yan"
Isuot daw ba yung balabal ko at ipulupot sa katawan niya pero wag green minded may damit siya sando na nga lang pero parang bakla yung itsura niya.
"ang ganda neto kanino galing? Bagay na bagay sa lamig dito"
"kay ate Fatty gift niya sakin nung christmas"
"aahh...tara kain na tayo"
"sige kanina pa nga kita inaantay eh, ay kasabay pala natin kumain yung sa kabila haha"
"talaga? Bakit ngayon pa lang din sila kakain?"
"yup narinig ko sinabi sa kanila na the breakfast is ready, lalaki pa nga yung nagsalita eh"
"buti pa sila may kasamang lalaki na marunong magluto noh"
"oo nga eh noh, hiyang hiya naman kasi ako sa pagkababae mo" lokong toh kala mo di siya babae ay este lalake, ayan nagkakamali na tuloy ako tsk!
Kumain nalang kami ng matiwasay at napag-usapan namin na mamasyal sa may Philippine Military Academy or tinatawag na PMA dahil yun ang pinakamalayong pasyalan dito sa Baguio. Pagkatapos kumain ay naligo na kami...ako ang naunang maligo.
"ANG LAMIIIIIIIIIGGGG!!! ATHAAAANNN!!!"
Pagbukas ko kasi ng shower eh sobrang lamig ng tubig. Grabe parang yelo yung tubig. Hindi ko napansin na may adjust-an pala kaya naman inadjust ko kesa magsisisigaw ako kay Athan na di naman pwedeng pumasok sa cr. So naging maayos naman ang paliligo ko, maligamgam nga eh kaya nabawasan yung sobrang lamig sa katawan ko.
Sumunod na si Athan wala naman akong sigaw na narinig.
-------------------------------------
pabitin muna :)
thank you :)
♥_MyZeAp_♥
BINABASA MO ANG
We're Perfect Two
ספרות נוערkung ano lang ang pumasok sa isip ko, yun ang sinusulat ko. please read. :)