Jellie's P.O.V..
"Jellie!! Anak! Gising na!! Malapit nang dumating sina Tita Rheanne mo!!"
.
"Bakit ang dami mong bag Ma? 😐" tanong ko habang kinukusot ang mga mata...
.
"Diba nga....."
.
FLASHBACK :
.
"Ma trabaho ka ng trabaho magbakasyon ka naman mag out of town ka isama mo si Tita Rheanne sa summer mag enjoy ka naman."
.
PRESENT :
.
"Diba ayun yung sabi mo?" sabi ni mama
.
"Oo nga po pala heheh •﹏• nakalimutan ko yun ah. Pasalubong ko ha."
.
"Sige tumayo ka na diyan at maligo ka na darating na sina Kevin."
.
"Ano?! (⊙o⊙)?Bat naman pupunta yung impaktong yun dito?!"
.
"Ang lakas naman ng boses mo. Wag kang sumigaw diba nga kasama ko si tita Rheanne mo. Habang wala pa kami dito muna titira si Kevin para naman may kasama ka."
.
"Ano?! ayoko ma!! di ako papayag!! 😒😒 Kaya ko magisa!" reklamo ko
.
"Puwes ako pumayag. Dito muna siya habang wala pa kami."
.
"Ma! Bat dito pa siya titira?!  ̄0 ̄ may bahay naman sila. Sa condo nila, o kaya pumunta siya sa kamag anak nila at dun tumira! habang wala pa kayo."
.
"Ewan ko sayo Jellie basta dito si Kevin."
.
"Ayoko nga po! Isama niyo na lang kaya ako? Ayokong makasama yung Kevin na yun dito!"
.
"Sasama ka? Eh sabi mo..."
.
"Ma! tama na mag-ta-time travel ka na naman sa past 😞" sabi ko
kainis! Di bale hindi naman siguro papayag yung Asungot na yun na dito tumira subukan niya lang talaga!! 😣😣 Masisira lang yung buong bakasyon ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.Kevin's P.O.V.
.
"Ma? san ba tayo pupunta? bat kailangan kong magdala ng mga damit na sobrang dami??" sabi ko habang naglalagay ng mga damit sa maleta
.
"Sa bahay ni Tita Joan mo."
.
"Bakit kailangan pang dalhin ko tong mga damit ko?? parang mangingibang bansa naman ako nito eh."
.
"Hindi ka naman mangingibang bansa eh mangingibang bahay ka lang."
.
"Ha?"
.
"Diba mag-a-out of town kami ni Tita Joan mo. Habang wala pa ako dun ka muna titira sa bahay nila tiyaka kasama mo naman dun si Jellie eh."