JELLIE'S P.O.V.
"Hello! Jellie! :) "
"Gawin mo na yung pinapagawa ko..."
"Ano yun?"
o_O hayyy!! sasabog na utak ko!!
"Kuhanin mo na yung messenger mo dun sa banyo ko!!" sigaw ko
"Anong messenger?"
"Yung brief mo!!! Messenger ng kabadtripan!!!"
"Aba,aba....pauso ka ha.. :) "
"Ayoko kasing sabihin yung term na yon!!" lahat na ata ng linya ko dito pasigaw... :-(
"Pero sinabi mo na kanina...."
"Bilisan mo na!!!!"
pagkasigaw ko non umakyat na si Kevin sa kwarto ko...
KEVIN'S P.O.V.
"Nasan na ba yung messenger ko....uy....nandyan ka lang pala...very good! messenger!
Hahahahahhh!!!"
JELLIE'S P.O.V.
"Aray...sakit ng lalamunan ko kakasigaw.... hindi nga muna ako magsasalita :-( "
"Tapos na po... Jellie..."
hindi ko siya pinansin, binuksan ko na lang yung tv humanda ka sakin Kevin pag di na masakit tong lalamunan ko.... Biglang umupo si Kevin sa tabi ko at nilipat yung channel....
Ayoko ng magsalita kaya tinitigan ko na lang siya ng masama....
"Bakit? Jellie? Gusto mo yung palabas? Sige manonood ka lang...pero parang mas gusto mo tong mukha ko kesa sa mga artistang yan.... Sige ok lang talaga...tanggap ko naman..."
sabi ba naman sakin ni Kevin kapal ng mukha sarap isuka sa kanya lahat ng kinain ko kanina... Pasalamat siya masakit talaga tong lalamunan ko...
"Jellie....wala na pala tayong pagkain sa ref."
So? sagot ko sa isip ko...
"So...wala na tayong makakain bukas.."
nagulat ako sa sinabing yon ni Kevin kasi pano niya narinig na sinabi ko sa isip ko na so? May sa demonyo talaga tong tao na to... Iniwan ko muna siya at pumunta sa kwarto...
---|-----|
"Hello po? Tita Rheanne?"
"Uy! Hello! Jellie napatawag ka? Ba't parang paos ka?"
"Nagconcert po ako kanina eh... Tita si Kevin po..."
"Bakit ano si Kevin?"
"Ayaw niya po kasing mamalengke.... Wala na kaming pagkain dito.... Eh ang dami daming gawaing bahay.."
"Ah..ganon ba...ako nang bahala kay Kevin.."
"Thank you po tita Rheanne!! bye!!"
evil plan success ^_^ makakabawi na...