Ang Munting Ibon
Tandang-tanda ko pa ang nakaraan. Mga musmos pa tayo noon, punong-puno ng mga pangarap. Palibhasa'y may mga pagkakatulad, tayo'y naging isang matalik na magkaibigan. Pagkakaibigang unti-unting pinanday ng panahon... na kinainggitan ng karamihan.
Subalit, mapaglaro ang tadhana; ang landas nati'y nagkahiwalay... at tinahak natin ang magka-ibang daan. Sa makalumang pamamaraan, naka-ilang palitan din tayo ng mga liham. Ngunit sa paglipas ng panahon, ito'y unti-untiing dumalang... hanggang sa tuluyan nang nawala. At hindi na nga tayo nagkabalitaan. Ni 'ha' ni 'ho' ay wala. Alam kong hindi ako ang nagkulang.
Marahil ay guhit ng kapalaran...muling nagtagpo ang ating mga landas. Landas na sanga-sanga, ito'y naging isa. Sadyang mapaglaro ang tadhana; at tayo'y muling nagkita... at nagkasama sa iisang kumpanya. Sa ating pagkikita... ay hinanap ko ang dati kong kaibigan; ang kaibigan ko simula pagkabata. Ngunit, s'ya ay di ko na nakita.
Nasaan na ang dating munting ibon na noo'y kasabay kong lumilipad? Ah! tuluyan na itong namayagpag. Sadyang malayo na ang kanyang nalipad. Di ko na masabayan ang kampay ng kanyang mga pakpak.
"SA IYONG PAGKAMPAY, NAWA'Y DI MASUGATAN ANG 'YONG MGA PAKPAK'... at nang di ka masaktan... kung sakaling sa lupa'y bigla kang lumagpak!"
*******************************************************************
©2016 Nancy M.Y. All Rights Reserved

BINABASA MO ANG
TAGALOG SHORT STORY COLLECTION
Short StoryPaminsan-minsan, dulot ng kasalukuyan nating sitwasyon o lugar na kinaroroonan... tayo ay nakakaramdam ng kakaibang uri ng 'kahungkagan' at/o matinding kalungkutan; dahilan marahil kung kaya tayong mga pasyonista sa pagsusulat ay nakaka-isip na gami...