Chapter 10

898 6 1
                                    

PLEASE SUPPORT MY STORY AND SPREAD THIS (づ ̄ ³ ̄)づ

THANK YOU (●ゝω)ノヽ(∀<●)

==============================================================================

CHAPTER 10

Min Jee: Aish! Nasaan na kaya yun? Wait lang. .Kung wala yun dito? Nasaan yun? Hhmmm. . .Aish! Bakit hindi ko maalala. Isipin mo, isipin mo Min Jee. Hindi pwedeng hindi mo yun makita.

(Iniisip niya ang mga pangyayari nung mga araw na yun)

Min Jee: Pinayungan niya ko dun tapos nainis ako sa kanya. Sumakay ako ng kotse, nasa tabi pa yun ng upuan ko. Oo, tama. .nasa akin pa rin yun. Tapos ng bumaba ako ng kotse. . .ginamit ko pa siya tapos. .Aish! Lagot na! (。┰ω┰。)

(Pinuntahan niya ang basurahan niyang pinagtapunan para tingnan kung andun pa ang payong ni Hyun Ki kaso hindi na niya ito makita)

Min Jee: Pano na 'to ngayon? Aish. .Bakit ba kasi nangyayari 'to? Ibig sabihin, kailangan ko siyang ilibre ng kape habangbuhay? Napakaimposible namang mangyari nun at di ko kaya yung gawin at lalong di ko masisikmurang tatanda akong pinagsisilbihan siya. Aish!

(Bumalik na si Min Jee sa kwarto niya para mag-isip ng solusyon sa problema niya)

Min Jee: Hyun Ki. Hhmm. .Hindi ko kasi makita ang payong mo. Pwede bang palitan ko na lang ng iba? Aish! Siguradong hindi papayag ang lalaking yun. Siguradong mas gusto niya pa akong pahirapan. Hhmmm. .kung ganito na lang. Hoy Mr. Feeling, tinapon ko ang payong mo. Kasalanan mo yun, kung hindi mo ko ininis nung araw na yun hindi ko sana nagawa yun. Aish! Parang mas hindi maganda ang kalalabasan nun. θ\(;¬_¬)

(Nang biglang kumatok sa pinto ang isa sa mga maid niya)

"Ma'am Min Jee, magdidinner na po."

Min Jee: Andun na ba si Grandpa?

"Opo Ma'am."

Min Jee: Aahh. .Sige, pupunta na ako dun.

(Pumunta na si Min Jee para sabayang kumaen si President Han pero iniisip pa rin niya kung paano niya sasabihin kay Hyun Ki ang tungkol sa payong niya)

Pres. Han: Min Jee, kamusta ang pag-aaral mo?

Min Jee: Okay naman po Grandpa.

Pres. Han: Ahh. .Simula ngayon, pag may free time ka pupunta tayo sa company at ipapakilala kita personally sa mga directors at mga employees dun. At tsaka para malaman mo din kung paano ito pinapatakbo.

Min Jee: Pero Grandpa, hindi ko na po kailangang malaman kung paano patakbuhin ang company natin kasi kahit kailan po, hindi pumasok sa isip ko ang magpatakbo ng isang company. Kung iniisip niyo po ang kapakanan ko, maiintindihan mo po ako. Sige po, alis na po ako. (´;д;')

(Umalis na si Min Jee at pumunta na ulit sa kwarto niya)

Pres. Han: Nagmana talaga siya sa kanyang mga magulang. Pilit nilang ginagawa ang gusto nila. Tanda ko pa, patuloy pa rin silang nagkikita kahit na pinagbawalan ko na sila. Pati si Jin Ae, naging matigas ang ulo at palaging sinusuway ang aking mga pinag-uutos. Kahit na hindi siya nababgay sa isang mahirap na musikero lang. At dahil sa pagpupumilit nila, dun nagsimula lahat kung bakit umabot sa pangyayaring hindi ko inaasahan.

*FLASHBACK*

Jin Ae: 'Pa, mahal ko po si Jung Su.

(Pupuntahan sana ni Jung Su si Jin Ae pero nakita niyang nag-uusap si President Han at Jin Ae kaya hindi niya muna ito nilapitan)

Pres. Han: Hindi maari. Kahit kailang hindi ko siya matatanggap. Pinapayagan ko lang siyang makapunta dito dahil sa anak niyong si Min Jee at dahil ayokong masira ang pangalan natin. Alam mo bang hindi pa rin tumitigil ang media sa pagtatanong. ヽ(●-'Д´-)ノ

Jin Ae: Ang yaman niyo lang naman 'Pa ang pinapahalagahan niyo. Kahit na sinusunod ko lahat ng gusto mo, kahit minsan hindi ko naramdamang tinuring niyo ako bilang isang anak. ヽ(´□`。)ノ

Pres. Han: Laging ikaw lang ang iniisip ko at kung anong makakabuti sa'yo. Sa tingin mo, mararanasan mo ba ang ganitong buhay sa kanya? Pilit ko pa ring tinanggap si Min Jee pero ang lalaking 'yun, hindi ko siya matatanggap.

Jin Ae: Bakit po ba hindi niyo pa rin siya matanggap? Ilang taon na niyang pinatunayan kung gaano niya ako kamahal. Bakit 'Pa? Dahil mahirap lang siya kaya hindi mo siya matanggap? At patuloy lang natin 'tong itatago hanggang sa lumaki ang anak namin para hindi masira ang pangalan natin? Makakabuti ba sa akin o makakabuti sa inyo 'Pa kasi may magmamanage na ng company niyo? Tama, hindi ko mararanasan ang ganitong buhay sa kanya na hindi ako masaya dahil sa hindi ko magawa ang gusto ko kasi palagi kong sinusunod ang gusto niyo. Yun lang naman 'Pa ang tanging hiling ko sa inyo, ang matanggap siya kasi sa kanya ko lang naranasan kung paano talaga ang maging masaya. .・゜゜・(/。\)・゜゜・.

Pres. Han: Kaya mong ipagpalit 'tong lahat pati na rin ako para lang sa lalaking yun?

Jin Ae: Kung yun na lang ang last option na ibibigay mo sa akin 'Pa. . .Pasensya na po.

(Sinampal si Jin Ae. Lumapit si Jung Su nang makita niyang sinampal ni President Han si Jin Ae)

Jung Su: Hindi ko man po alam kung anong pinag-usapan niyo President Han, hindi niyo po kailangang pagbuhatan ng kamay si Jin Ae.

Pres. Han: Wala kang pakialam sa gusto kong gawin sa anak ko. At lalo kang walang karapatang makialam at diktahan ako sa dapat kong gawin. Dahil unang una, kasalanan mo kung bakit umabot sa ganito ang lahat. Kung bakit tinalikuran ni Jin Ae ang lahat para lang sa isang katulad mo.

Jung Su: Hindi ko po kasalanang minahal ko ang inyong anak at hindi niya rin po kasalanan na minahal niya rin ako. Hindi niyo lang po matanggap kaya nagiging kasalanan at masama ito sa paningin niyo. Pero mahal po talaga namin ang isa't isa.

Jin Ae: Jung Su. . .Tara na! Aalis na tayo. 。゚(゚ノД`゚)゚。

(Hinila niya si Jung Su saka nila pinuntahan si Min Jee sa kanyang kwarto)

Pres. Han: Yun na ang huling pagkakataong nakita ko si Jin Ae ng mabalitaan ko na lang na naaksidente sila)

Gonna Sing You My Love Song (ON HOLD)Where stories live. Discover now