Chapter 2

1K 5 22
                                    

CHAPTER 2

Sang Min: Subukan natin siyang tawagan. Kapag hindi natin siya nacontact, siguradong nasa studio lang siya.

(Tinawagan nila si Hyun Ki pero naka-off ang phone niya kaya nagmadali silang pumunta sa studio upang ipaalam ito kay Hyun Ki)

 (Nakarating na sila sa studio at nakita si Hyun Ki na tumutugtog ng gitara)

Dae Jung: Ahmmm .. di ko alam kung pano 'to sasabihin sa'yo

Hyun Ki: Alin??? Ano ba yun??

Dae Jung: Nagbalik na si So Young. Andito siya sa school natin ngayon.

(Natigilan si Hyun Ki)

Sang Min: Hindi mo ba siya pupuntahan para kamustahin man lang??

Hyun Ki: Para saan pa?? Alam ko namang okay lang siya.

(Umalis sa studio si Hyun Ki para mapag-isa. At habang naglalakad si Min Jee palabas ng school, nakita niya si Hyun Ki na nakaupo sa isang tabi na parang may malalim na iniisip)

Min Jee: Si Mr. Feeling yun ah. Bakit parang sobrang seryoso ng mukha niya?? Ano kayang iniisip niya??

(Lalapitan sana ni Min Jee pero naisip niya *Anong pakialam ko sa kanya. Inaasar niya lang naman ako. Bahala siya* kaya nagpatuloy na lang siya sa paglalakad)

(Nakarating na si Min Jee sa kanilang bahay at as usual sinalubong agad siya ng mga personal maid niya. Pero hindi siya sanay na parang prinsesa ang trato sa kanya kahit na mayaman sila)

"Ma'am, tawag ka po ng lolo mo." Sabi ng isa sa mga maid niya.

(Kahit na hindi pa siya nakakausap ng lolo niya, alam na agad ni Min Jee ang sasabihin sa kanya)

Min Jee: Pinatawag mo daw po ako, Grandpa??

Pres. Han: Oo, alam mo na naman siguro kung bakit kita pinatawag di ba?? Alam mo naman na ikaw lang ang tanging tagapagmana ng kompanya ko. At gusto ko ikaw ang mamahala ng lahat ng mga ari-arian natin. Tumatanda na ako at balang araw iiwan ko sa'yo ang kompanya.

Min Jee: Pero Grandpa. . .

Pres. Han: Nasa wasto ka ng edad at alam kong matututunan mo kung pano ito patakbuhin.

Min Jee: Pero alam mo naman po na hindi yun ang gusto ko.

Pres. Han: Gusto mong maging katulad ng tatay mo?? Ano bang mapapala mo sa musika na yan? Hindi gaganda ang buhay mo kung ipagpapatuloy mo yan. Pag-isipan mo ng mabuti ang mga sinabi ko sa'yo. Kapakanan mo lang naman ang iniisip ko.

Min Jee: Alis na po ako.

(Masama ang loob na pumunta si Min Jee sa kanyang kwarto)

(Pumasok siya sa kwarto at naupo habang nakaub-ob sa kanyang piano)

Min Jee: Bakit ganun si Grandpa? Alam naman niya kung ano talaga ang gusto ko pero pinipilit pa rin niya ko na magmanage ng company namin. p(´⌒`。q)

*Bata pa lang ako, hilig ko na talaga ang musika. Isang musician ang Papa ko dati. Siya ang nagturo sa aking magpiano nung bata pa ako. At ang pianong ito na regalo sa akin ng Mama at Papa ko ang naging alaala ko sa kanila. Sa tuwing tumutugtog ako, sila ang naiisip ko. Nung nasa America pa lang ako, si Papa na ang naging inspirasyon ko at siya ang dahilan kung bakit ko nakuha ang award na "1st in piano performance." Pero di ko alam kung bakit kahit anong gawin ko at kahit ano pang makuha kong award, di pa rin maging proud si Grandpa sa akin. Pilit pa rin niyang tinututulan ang nag-iisang dream ko simula pagkabata. Ito ang dahilan kung bakit isang taon lang ako sa Eastman School of Music, pinabalik na niya ako dito sa Korea. Kahit gusto kong manatili, wala akong magawa kasi siya ang nagpalaki sa akin simula ng pumanaw ang parents ko*

Gonna Sing You My Love Song (ON HOLD)Where stories live. Discover now