Chapter 9

878 6 0
                                    

CHAPTER 9

(Samantala, nakarating na si Min Jee sa kanilang bahay at hinanap agad niya sa kanyang kwarto ang payong ni Hyun Ki)

Min Jee: Nasaan na ba yun? Imposibleng wala yun dito. Please magpakita ka na.  ヽ(゜Q。)ノ?

(Patuloy pa rin niyang hinanap sa kwarto niya pero halos isang oras na siyang naghahanap, hindi pa rin niya ito makita)

(Dahil hindi niya ito makita, tinawag niya si Chief Jeung at mabilis naman siyang pumunta kay Min Jee)

Chief Jeung: Ma'am Min Jee, bakit niyo po ako pinatawag? May ipag-uutos po ba kayo?

Min Jee: Oo Chief Jeung. Gusto kong ipatawag mo lahat ng mga maids at may mahalaga akong ipapagawa sa inyo. Alam kong hindi kayo sanay na nag-uutos ako pero kailangang kailangan ko talagang makita yun kaya kung pwede tulungan niyo ako.

Chief Jeung: Lagi po kaming handang gawin kung ano mang ipag-uutos mo. At mas gusto naming inuutusan mo kami para maramdaman naming nakakatulong kami sa'yo. Naaalala ko tuloy ang tatay mo, katulad na katulad ka niya. Gusto niya, siya ang gumagawa at kapag may gusto siyang gawin, siguradong walang makakapigil sa kanya. Aahhmm. . .Pasensya na po kung nagbanggit ako ng tungkol dun.

Min Jee: Okay lang yun. Namimiss ko na nga si Papa pati na rin si Mama. Sa tingin mo, matutuwa kaya sila kung andito pa sila hanggang ngayon? (´;ω;')

Chief Jeung: Opo Ma'am. Siguradong matutuwa sila kapag nakita nila kung ano ka ngayon at kung anong mga naachieve mo.

Min Jee: Talaga? Sila naman talaga ang naging inspirasyon ko simula pa pagkabata hanggang ngayon sa pag-abot ng dreams ko.

Chief Jeung: Sundin mo lang Ma'am kung saan ka magiging masaya. Masaya kami para sa'yo kapag alam naming masaya ka. Napalayo na ang usapan natin Ma'am Min Jee. Ano na nga pala po ang ipag-uutos niyo?

Min Jee: Oo nga pala. May hinahanap kasi akong payong. Kulay blue siya tapos folding umbrella siya. Tulungan niyo akong hanapin yun.

Chief Jeung: Sige po Ma'am. Ipapaalam na lang po namin sa'yo kung sakaling makita po namin.

(Umalis na si Chief Jeung at ipinatawag niya ang lahat ng mga katulong sa bahay para ipaalam ang tungkol sa paghahanap ng payong)

Yongs Sook: Aish! Kailan kaya aalis 'tong dalawang 'to? Masama 'to kapag nagpatuloy pa 'to. 

(。┰ω┰。)

Dae Jung: Yong Sook, bumili ka pa ng dalawang soju.

Yong Sook: Kung makapag-utos ka, parang ikaw ang magbabayad ah.

Dae Jung: Kaya nga malakas ang loob kong mag-utos kasi hindi ako ang magbabayad.

Yong Sook: Aish! Bahala kayong dalawa diyan. (;¬д¬)

Ito po yung bayad sa lahat.

(Umalis na si Yong Sook. Iniisip pa rin niya ang wallet niya at kung paano niya babayaran si Min Jee)

Yong Sook: Paano kapag hindi ko nakita ang wallet ko? Aish! Malaking problema 'to pag nakataon.

(Habang naglalakad siya pabalik sa school nila, may nakita siyang isang bar na naghahanap ng live band kaya naisip niyang puntahan si Hyun Ki para ipaalam ito)

Yong Sook: Parang kahit na sabihin ko 'to kay Hyun Ki, siguradong hindi siya papayag.

(Pero hinanap pa rin niya si Hyun Ki sa pagbabakasakaling papayag ito. Nakita niya itong nakaupo sa isang bench kaya nilapitan niya ito)

Yong Sook: Hyun Ki, pwedeng humingi ng favor?

Hyun Ki: Ano 'yun?

Yong Sook: Pwedeng tumugtog ulit tayo sa isang bar? Kahit isang beses lang. Please . . . Please!

Hyun Ki: Ayoko.

Yong Sook: Aish! Sige na. Ngayon lang talaga, may utang kasi ako tapos kailangan ko siyang mabayaran kaagad. Tapos nilibre ko pa kayo kaya nagamit ko pa yung pera kaya hindi ko alam kung paano ko siya mababayaran. (* ̄m ̄)

Hyun Ki: Problema mo yun kaya umiisip ka ng sarili mong paraan.

Yong Sook: Nawala kasi ang wallet ko kaya ko lang nagawang umutang.

Hyun Ki: Aish! (━┳━__━┳━)

Yong Sook: Pumapayag ka na?

Hyun Ki: Ewan ko. Pag-iisipan ko pa.

(Samantalang patuloy pa rin ang paghahanap ng mga maids ni Min Jee sa payong pero hindi pa rin nila ito nakikita)

"Chief Jeung, wala pa rin po kaming makitang payong na tulad ng sinabi mo."

Chief Jeung: Natingnan niyo na ba sa buong bahay?

"Opo Chief Jeung."

"Kami rin po, wala rin po kaming nakita Chief Jeung."

Chief Jeung; Sige, gawin niyo na ang mga natigil niyong trabaho. All of you have worked hard. Salamat sa pagtulong."

"Sige po Chief Jeung."

(Dahil sa hindi pa rin nila nakita ang payong na tinutukoy ni Min Jee. Napagdesisyunan ni Chied Jeung na puntahan si Min Jee upang sabihin ito sa kanya)

(Kumatok siya sa kwarto ni Min Jee)

Min Jee: Sige, pasok.

Oh ikaw pala Chief Jeung, nakita niyo ba?

Chief Jeung: Ma'am Min Jee, ginawa na po namin lahat. Hinanap na po namin sa buong bahay pero hindi pa rin po namin nagawang mahanap. Pasensya na po. 

Min Jee: Hindi mo kailangang humingi ng pasensya. Ako nga dapat ang humingi ng pasensya dahil sa malaking abalang dinulot ko sa inyo.

Chief Jeung: Wala po yun Ma'am. Trabaho namin yun. Patuloy pa rin po naming hahanapin at babalitaan ko na lang po ikaw kung sakaling makita namin.

Min Jee: Sige Chief Jeung, ipaalam mo agad sa akin. Salamat, sige makakaalis ka na.

Chief Jeung: Sige po Ma'am Min Jee.

Min Jee: *Aish! Nasaan na kaya yun?*

Gonna Sing You My Love Song (ON HOLD)Where stories live. Discover now