KABANATA I (Simula)

1.2K 16 1
                                    

Isang gabi sa templo ng Mount Olympus nakatakdang magsalo-salo sa iisang hapag kainan ang mga anak ni Zeus kay Mnemosyne, Hera at Alcmene.

"bakit kaya wala sa salo-salong ito ang ating mga ina??" nagtatakang tanong ni Clio ang  namumuno ng kasaysayan ng Mount Olympus at iilan pang karatig nito. Siya ang pangalawa sa magkakapatid na 9 muses.

"Para wala na ulit mangyaring gulo natural. H'wag mong sabihin na nakalimutan mo na ang nangyari sa mga taon na nakalipas ng tayo at ang mga ina natin ay nagsalo-salo sa iisang hapag-kainan tulad nito??" ani Melpomene ang namumuno kapag may trahedya sa Mount Olympus at ang panglima sa magkakapatid na 9 muses.

"Oo nga, h'wag mong sabihin na nakalimutan mo ang pinagagawa ng Ina niyong si Mnemosyne sa aming Inang katangi-tanging si Hera??" bakas ang panunuya sa boses ni Hebe na siyang Diyosa ng kabataan.

"mawalang galang na, sapagkat ang Ina niyo ang nauna at puno't dulo ng mga away sa t'wing nagkaka-selebrasyon tulad nito hindi ba?" agarang sagot naman ni Melpomene.

"Talaga lang ah?? Sige't hahayaan kita sa kung ano man ang gusto mong isipin r'yan tutal nakakapang-walang dignidad sa isang katulad ko kung makikipagtalo pa ako sa isang hamak na tulad mo" matamis na ngiti ngunit may bakas parin ng panunuya ang iginawad ni Hebe kay Melpomene bago ituon ang sarili kay Hercules, ang huling mortal na lalakeng anak ni Zeus, kinikilala siyang pinakamalakas na tao sa mundo na masasabing kapantay na ang mga Diyos kahit walang taglay na kapangyarihan..

"ang sabihin mo duwag ka lang" bulong ng naiinis na ring si Urania. Ang namumuno sa makalangit na mga bagay tulad ng mga bituin sa Mount Olympus. Siya ang bunso sa 9 muses.

"Tumigil ka nga r'yan" pagsaway ni Calliope sa bunsong kapatid. Siya ang panganay sa 9 muses, ang namumuno sa batas pangkapayapaan sa Mount Olympus.

Inialis niya ang tingin kay Urania at tumingin kay Hercules na kanina pa niya napapansin na nakatitig sa kanya kahit kausap na ito ni Hebe. Mabilis niya ring iniiwas ang kanyang tingin dito sa 'di malamang dahilan at ibinaling sandali ang tingin kay Hebe na malagkit ang tingin kay Hercules. Napasinghap siya at itinuon na lamang muli ang sarili sa isang basong may tubig na kanina pa niya pinaglalaruan.

Napatayo at napatindig silang lahat ng tumunog ang trumpeta na siyang hudyat na nandyan na si Zeus.

Sa kalagitnaan ng pag-uusap nila ay nag-ismid si Zeus na siyang dahilan kung bakit natuon ang atensyon ng lahat sa kanya.

"Nalimutan kong ipakilala sa inyo si Hercules pero alam kong ang lahat sa inyo ay alam na kung sino siya. HAHAHA! sino ba ang hindi nakakakilala sa isang makisig at magiting na bayani na kahit tao ay kapantay ang mga diyos at diyosa kahit walang taglay na kapangyarihan katulad niya hindi ba??"

"Oo nga po" ani Hebe sabay hagikgik. Napairap na lamang ang 9 muses sa inasal nito.

"Kaya Hercules, maligayang pagdating dito sa Mount Olympus" ani Zeus.

"Salamat po. Isa pong karangalan sa akin ang pagtapak dito sa Mount Olympus, sa iyong templo." isang matamis ngunit makisig pa rin na ngiti ang iginawad ni Hercules kay Zeus.

"H'wag kang mag-alala dahil ito na ang tirahan mo simula ngayon"

Gulat na napatingin ang lahat kay Zeus at kay Hercules at pabalik ulit kay Zeus.

Si Hercules naman ay nananatiling ganoon ang ekspresyon. Hindi na siya nagulat dahil nakausap na sya ni Zeus sa bagay na iyon, sa una ay nanghihinayang siyang pumayag dito ngunit kalaunan ay pumayag na din siya. Mukha naman na magiging masaya at makabuluhan ang pagtira niya sa Mount Olympus ayon sa kanya.

"Isang magandang balita po iyan kung ganoon" ani ulit ni Hebe. Sabay tingin sa katabi niyang si Hercules.

Napakunot ang noo ni Calliope sa iniasta ni Hebe.

Sa 'di niya malamang dahilan ay biglang nag-iba ang timpla niya dahil doon. Kaya napagpasyahan niyang magpaalam na pupunta lamang sa palikuran kahit ang tungo niya ay sa balkonahe papunta sa palikuran.

Agad naman niyang iginala ang kanyang tingin sa buong Mount Olympus  ng nakarating siya doon at dinama pa ang hangin na dumadampi sa balat niya.

to be continued........

Hercules (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon