Napatigil si Hercules at nangilid ang kanya ng mga luha ng nakita niya si Calliope. Hindi dahil sa saya sa kung bakit siya napaluha ngunit dahil sa sakit at pagkamuhi na nararamdaman niya.
Kung ganoon, totoo nga ang kinwento sa kanya ng mag-inang si Hera at Hebe..
Mas lalong tumriple ang sakit na naramdaman niya ng nakita ang isang bagay na tanda na kasal na si Calliope at ang bahagyang umbok sa tiyan nito. Si Ares, si Ares panigurado ang ama ng batang sa sinapupunan niyang ngayon.
Umalis na doon si Hercules bago pa mahalata ni Calliope na nandun siya, na nagbalik na siya. Pumunta siya sa may hardin sa may paanan din ng bundok at pinaalis ang kanina pa siyang sinusundan na si Hebe.
Umupo siya sa may upuan don at tumingala sa langit para pigilan ang nagbabadya pang mga luha na tumulo mula sa mga mata niya, pero nabigo siya.
Isang kinikilalang pinakamalakas na tao at kapantay na ng mga diyos na makapangyarihan ay ngayo'y maiihantulad na sa isang napaka-sensitibong babasaging baso na konting lamat lang ay magkada-biyak biyak na.
"Sa paglipas ng panahon, ang pangalang Hercules ay nagkaroon na rin ng lamat. Kung dati rati ay kapag narinig ang pangalan na Hercules ay magiting at bayani agad ang sumasagi sa isip ng kahit sino ngunit ngayo'y kahit sabihin mo lang ang pangalang Hercules ay nakakapangilabot na......
Marahas, Malupit, Makasarili yan ang depinson niya.
Tunay nga na ang pag-ibig ay makapangyarihan.
Hindi mo alam kung ano ang kaya mong gawin sa ngalan nito at hindi mo rin alam kung ilang pagkatao ang nagbago dahil dito.
WAKAS....
~~~~~
A/n: Congrats kung napagtyagaan mong tapusin ang istoryang ito haha! At dahil dyan....! Ika'y nararapat lamang na bigyan ng
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
MASIGABONG PALAKPAKAN!! *clap* *clap* pfft! HAHAHA XD
Hope you appreciated this story.. Hihi! Ciao!~
BINABASA MO ANG
Hercules (COMPLETED)
FantasyA/n: So this story is a fantasy one, inspired of greek mythology. It's a story that i made para sa project namin sa Filipino, since Greek Mythology ang topic namin. So gusto ko lang i-share ito sa inyo, by publishing this. hehe! So sa mga mahilig or...
