KABANATA IV

221 4 1
                                        


".....at ako na bahala rito kay Calliope" dagdag nito. Akmang magrereklamo pa doon si Hercules ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili para hindi na muli mapahamak pa si Calliope.

Nakatuon lang ang mata ni Calliope sa palayong-layo na si Hercules.. At ng hindi na ito masilayan ang mga mata niya ay inilipat niya ang kanyang tingin kay Hera.

"o? tapos ka na bang tignan siya??" ani Hera.

Hindi umimik si Calliope at nananatiling nakatingin sa mga mata ni Hera na para bang pilit binabasa ang umiikot sa isip nito.

"bakit ho ba ginagawa niyo ito sa amin? ano ho ba ang gusto niyong mangyari??" puno ng kuryosidad na tanong ni Calliope.

Ang kaninang mapaglarong ngiti na suot suot ni Hera ay napalitan ng isang malamig na ekspresyon.

"Ginagawa ko ito dahil nilabag niyo ang kagustuhan ko. Ginagawa ko ito para masunod ang kagustuhan ko ayon sa plano ko" ani Hera "matagal ko ng nahahalata ang paglalapit ng kalooban niyo ni Hercules sa isa't isa. At aaminin ko na nagkaroon ako ng kapabayaan, dahil dapat noong mga panahon na pansin ko pa lang iyon ay dapat pinaghiwalay ko na kayong dalawa o di kaya'y ina-anunsyo ko na agad ang pakikipagka-sundo nina Hebe at Hercules sa isa't isa para hindi na kayo magkaroon pa ng tsansyang mapalapit sa isa't isa. Nakakapang-hinayang nga lang na hindi yon ang nagawa ko kaya kailangan humantong ito dito"

"Hindi kailanman dapat humantong ito dito dahil pwede naman ako ang ipinagkasundo niyo kay Hercules hindi ba? tutal mahal naman namin ang isa't isa" matapang na sabi ni Calliope.

"naririnig mo ba ang sinasabi mo ija??" bahagyang humalakhak si Hera na siyang kina-kuno't noo naman ni Calliope "ikaw ang dapat ipinagkasundo kay Hercules at hindi dapat si Hebe?? Hibang ka na ba talaga?? ang isang katulad mo ay hindi nababagay kay Hercules"

"at ang nababagay lamang sa kanya ay si Hebe ganon ba??" mapait na sabi ni Calliope.

"Oo, nakakaintindi ka pa rin pala"

"hindi ba dapat ay ang mas bagay ay kaming dalawa ni Hercules pagkat kami ay hindi diyos at diyosa na tulad niyo??" nagkaroon ng punto doon si Calliope kaya bahagyang natahimik si Hera.

Ngumisi si Hera bago magsalita. "Ang nais ko ang mangyayari. Ang nais ko ang palaging masusunod. at ang nais ko ay ang maging isa sina Hercules at Hebe at hindi kayong dalawa ni Hercules.. hmm! baka nakakalimutan mo kung sino ang kaharap mo Calliope"

Napabagsak na ng tuluyan ng balikat si Calliope. Sino ba ang hindi nakakakilala sa isang Hera hindi ba?? Hindi lamang siya diyosa ng mga diyosa kung hindi isa ring diyosa ng kasal(an).

Batid na ni Calliope sa mga oras na iyon na hindi kailanman mangyayari ang kagustuhan ni Hercules na makasal silang dalawa. Hindi sila kailanman magiging isa.
Tanging si Hercules at Hebe lamang, sila lang dalawa.

***

"nasaan si Calliope?!? Ba't hindi mo siya kasama??!! HA??! SUMAGOT KA!!" nanganggalaiti sa galit na sabi ni Hercules habang pilit na kumawala sa kanyang pagkagapos.

"h'wag kang mag-alala dahil nasa mabuti siyang kalagayan. Ang alalahanin mo ngayon ay kung paano kayo magiging isa. Paano kayo kakasal na siyang kagustuhan mo"

"wala ng halaga ang kasal sa akin, ang mahalaga mahal namin ang isa't isa iyon ang importante doon"

"Walang halaga ang kasal?? Ano iyon? Mahal ka niya pero iba ang kasama niya?? Iyon ba ang tinatawag mong pagmamahal ha?? Diba dapat makasigurado kang sayo lang siya at nakatali siya sayo para wala kang alalahanin na baka mapunta siya sa iba?? ang kitid ng utak mo Hercules"

"may tiwala kami sa isa't isa"

"bakit?? yan bang tiwala na sinasabi mo ay sapat para hindi siya mapunta sa iba. Lalo na magkalayo kayo ngayon"

"Nagkalayo na kami at panatag akong ganoon pa rin ang magiging resulta noon, mananatili parin ang tiwala at pagmamahal namin sa isa't isa"

"akala mo ba ika'y nasa templo ko pa ngayon ha?? pwes para sabihin ko sayo wala ka na doon at wala ka na rin sa Mount Olympus"

Iginala naman ni Hercules ang kanyang tingin sa paligid at nabatid niyang hindi na ito ang silid na kinalalagyan niya sa templo ni Hera.

"saang lugar ito??? saan mo ko idinala??!! ibalik mo ko sa Mount Olympus!!"

to be continued......




Hercules (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon