"kala ko ba sa palikuran ang tungo mo?" tanong ng isang makisig na boses. Dahilan kung bakit napaigtad at napabaling si Calliope sa likuran niya."A-Anong gingawa mo rito??" gulat na tanong ni Calliope kay Hercules.
"ako ang dapat magtanong niyan sayo, dahil sa pagkakaalam ko hindi kailanman naging palikuran ang isang balkonahe" sagot ni Hercules.
"n-naisipan kong magpahingin muna" pagsisinungaling ni Calliope at mariing tinignang si Hercules na ngayo'y nakatingin na sa tanawing kanina lang ay pinagmamamasdan niya.
Humarap naman si Hercules sa kanya pero hindi siya nag-iwas ng tingin bagkus mas lalo pa niyang pinagmasdan ang kabuuan ng mukha nito lalo na ang kagandahan ng mga mata nito.
Napaiwas naman ang tingin niya dito ng napansin ang gingawa niya. Bahagyang uminit ang kanyang pisngi at itinuon na lamang sa paglalaro ng kanyang mga daliri ang kanyang sarili.
"Ako nga pala si Hercules" ani nito, nagulat si Calliope sa ginawa nito pero mas nagulat siya sa sumunod na ginawa ng binata.
Lumuhod ito at kinuha nito ang kanyang kaliwang kamay sabay halik dito.
"Alam ko" pagtataray ni Calliope at tinangkang alisin ang kamay niya sa binata ngunit laking gulat niya na hindi ito nagtagumpay dahil humigpit ang hawak ni Hercules sa kamay nito.
Ini-inda ni Hercules ang inasal ni Calliope at itinuloy pa rin ang pagsasalita.
"Ikinagagalak kitang makilala binibining???........." ani Hercules sabay tayo mula sa pagkakaluhod.
Bakas sa sinabi ni Hercules ang pagtatanong sa ngalan ng dalaga
"alam kong alam mo ang ngalan ko kaya ano pa't tinatanong mo ito??" ani Calliope
"ngunit iba pa rin kapag nagmula sa mga labi mo ang salitang iyon binibini" bakas ang panunuya sa boses ni Hercules ng sabihin niya ito.
"o siya. Ako si Calliope. Iyon lamang ang nais mong sabihin ko hindi ba?? Maiwan na kita" ani Calliope na akmang lilisanin ang balkonahe ngunit....
"iiwan mo ko??" mapait na sabi ni Hercules sabay hawak sa kaliwang kamay ni Calliope na tila ba'y pinipigilan ito sa pag-alis.
Hindi niya ito nilingon at na-estatwa na lamang bigla. Hindi niya alam pero parang ang dami ng ibig sabihin ang sinabi ng binata sa kanya.
Nang napansin ni Hercules ang pagka-estatwa nito ay hinagkan nito ang pisngi ng dalaga kaya napaharap ito sa kanya.
"Tignan mo ko" puno ng awtoridad na sabi ni Hercules kay Calliope na ngayo'y nakayuko at nakatingin sa magka-hawak nilang kamay.
Napalabi ang dalaga bago unti-unting tinaas ang kanyang tingin.
"ngayon, sagutin mo ko. iiwan mo ba ako??" puno ng pagsusumamo ang boses ni Hercules ng kanyang sabihin ang mga katagang ito.
Para bang may kung ano ang humaplos sa puso ng dalaga ng tinignan ang mapupungay na mga mata ni Hercules.
"H-Hindi. Hindi kita iiwan"
Sa sagot na ito ni Calliope, unti-unting sumilay sa labi ni Hercules ang isang matamis na ngiti.
Kahit maikling panahon pa lang na nagkakasama sila ay hindi na maitatanggi ang namumuong pag-ibig sa kanila at kalaunan ay naging magkasintahan na silang dalawa. Ngunit katulad ng ibang magkasintahan, nagkaroon ng iba't ibang problema ang relasyon nila pero dumating ang isang pagsubok na 'di nila inakalang magiging dahilan ng makakapag-pabago sa buhay nilang dalawa.
Ipinagkasundo sina Hercules at Hebe sa isa't isa. Araw-araw silang magkasama dahil pumupunta pa si Hebe sa templo ni Zeus mula sa templo ng kanyang Inang si Hera para magkasama silang dalawa ni Hercules at kadalasa pa'y hindi na umuuwi sa kanila at doon na lang magpapalipas ng gabi.
to be continued.......
BINABASA MO ANG
Hercules (COMPLETED)
FantasyA/n: So this story is a fantasy one, inspired of greek mythology. It's a story that i made para sa project namin sa Filipino, since Greek Mythology ang topic namin. So gusto ko lang i-share ito sa inyo, by publishing this. hehe! So sa mga mahilig or...