"Hindi ganoon kadali iyon Hercules, lalo na't sa pagkaka-alam ng lahat ay bumalik ka na sa mundo ng mga mortal.""ano??! ano ang sabi mo???!!"
Ibanelawala ni Hera ang sinabi nito.
"Alam mo bang halos mag-iisang taon ka ng tulog ha Hercules??.. at hulaan mo, wala pang isang buwan na wala ka ay agad nakahanap ng pamalit sayo si Calliope. Hahaha! iyon ba depinisyon sayo ng salitang pag-ibig ha Hercules? iyon ba??"
"hindi totoo iyan" matigas pero mababakas ang hinanakit ng sabihin nito ni Hercules.
"Alam mo ba si Ares na diyos ng pakikidigma? magkakabata silang dalawa ni Calliope hindi ba?" tanong ni Hera.
Hindi umimik si Hercules pero batid niya kung sino si Ares dahil may mga pagkakataon na ito ang pinagkukwentuhan nilang dalawa.
" Alam mo bang magkasintahan at nakatakda na silang magpakasal ha??"
Lubos na nabigla si Hercules sa sinabi ni Hera.
"Kasinungalingan" aniya at nag-igting ang kanyang panga.
"Bahala ka, kung hindi mo ako gustong paniwalaan. Nasa sayo iyan.. pero gusto kong malaman mo na mayroon akong maitutulong sayo. Pwede kitang ibalik sa Mount Olympus at sa ganoon ay magkakaroon ka ng tsansyang bawiin si Calliope kay Ares pero hindi ganoon kadali iyon, dahil may mga pagsubok ka na dapat gawin para makabalik"
"ano ba ang mga pagsubok na iyan??" ani Hercules
"o? naniniwala ka na ba sa akin??"
Hindi umimik si Hercules at tinignan na lamang ng matalim si Hera.
Sinagot ni Hera ang lahat ng katanungan sa kanya ni Hercules.
May inihanda siyang labing dalawang pagsubok para kay Hercules at kapag napag-tagumpayan niya ito ay ibabalik na niya ito sa Mount Olympus ayon sa kagustuhan nito.
Sinikap niyang mapagtagumpayan ang mga pagsubok na naihanda ni Hera hanggang sa isa isa na niya itong nalagpasan.
Hindi niya iniinda ang mga sakit na naidulot sa kanya ng mga pagsubok. Unti-unti siyang namanhid hanggang sa wala na siyang maramdaman kundi ang pagnanais na muling makita at mahagkan si Calliope.
.....Hanggang sa dumating ang panahon na pinakahihintay niya. Ang pagbabalik niya sa Mount Olympus.
"Ano ang gagawin mo sa oras na malaman mo na hindi ka na mahal ni Calliope, Hercules?? Ipaglalaban mo parin ba siya kahit na ganoon?? Kahit na may iba na siyang mahal??" tanong ni Hebe kay Hercules habang binabaybay nila ang bundok papunta sa paanan nito galing sa templo ni Hera.
"Hindi mangyayari iyan Hebe, alam kong mahal ako ni Calliope" positibong sagot naman ni Hercules.
"pero paano kung ganoon nga ang mangyayari??" tanong ulit nito.
"Hindi ko alam" aniya. Dahil maging siya, sa sarili niya ay hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kanya kung sa kaling ganoon nga ang mangyari.
"maipapangako mo bang ako na ang papakasalan mo kung hindi ka na mahal ni Calliope at may iba na siyang mahal??"
Napangiti ng mapait si Hebe ng hindi umimik si Hercules. "Kahit pakasalan mo na lang ako Hercules, Kahit hindi mo na ko mahalin. Sapat na sa akin iyon, wala na akong mahihiling pa" may garalgal na boses na sinabi ni Hebe.
Nang nakarating sila sa paanan ng bundok ay agad pumatungo si Hercules sa loob na iniinda ang mga samu't saring tanong na bumubungad sa kanya. Habang si Hebe naman ay nakasunod sa likuran niya.
to be continued........

BINABASA MO ANG
Hercules (COMPLETED)
FantasiA/n: So this story is a fantasy one, inspired of greek mythology. It's a story that i made para sa project namin sa Filipino, since Greek Mythology ang topic namin. So gusto ko lang i-share ito sa inyo, by publishing this. hehe! So sa mga mahilig or...