KABANATA III

266 4 2
                                    

Hanggang dumating ang isang pambihirang araw na nagkita sina Hercules at Calliope sa hardin sa paanan ng Mount Olympus kung saan pa nakatira sina Calliope.

Pagkakita nila ay agad nilang sinalubong ng yakap ang isa't isa.

"Hindi mo alam kung gaano ako labis labis ma nangulila sa'yo mahal ko" ani Hercules.

"Ang sarap sa pakiramdam na hagkan kita ngayon alam mo ba iyon. Sana habang buhay na lang tayo ganito at hindi na muli tayo magkakalayo" ani naman ni Calliope.

Bumitaw sa yakap si Hercules at hinagkan ang magkabilang pisngi ni Calliope at tinignan ito ng mariin sa mata.

"Hindi na muli tayo magkakalayo mahal ko, magpapakasal tayo sa lalong madaling pa-"

"WALANG MANGYAYARING KASALAN!!" isang pamilyar na tinig ang unalingawngaw sa hardin sa paanan ng bundok.

Batid ng dalawa kung kanino galing ang tinig na ito... kay Hera..

Sa katunayan ay sinadya itong puntahan ni Hercules at tumakas kay Hebe. Pero ng papaalis na siya ng templo ay hindi niya inaasahang makakasalubong niya ang ina ni Hebe na si Hera. Nagtaka kaya nagtanong si Hera kung saan ang tungo ni Hercules. "Pipitas lamang po ako ng mga bulaklak para kay Hebe sa paanan nitong bundok" pagdadahilan niya. Tumango naman si Hera sa sinabi nitong dahilan kaya napanatag na ang kanyang kanina lang na naghuhumarentadong sistema. Ngunit ang hindi niya alam ay sinundan siya nito kasama ang mga kawal na kasama niya sa hardin ng paanan ng bundok dahil batid ni Hera na nagsisinungaling si Hercules sa sinabi nito at alam niyang hindi ang pagpipitas ng bulaklak ang habol ni Hercules sa paanan ng bundok kung hindi ang isa sa mga nakatira dito at iyon ay si Calliope mismo.

Samantala, tuluyan ng nagpakita ang nagmamay-ari ng boses na iyon kaya agaran na kinuha ni Hercules ang kamay ni Calliope at tinago sa likuran niya bago matapang na hinarap si Hera at tinignan ng matalim sa mata

"Walang ikakasal.. Walang mangyayaring kasalan." puno ng pinalidad na sabi ni Hera habang palapit na palapit sa kinaroroonan nina Hercules.

Mas lalong naging matalim ang tingin ni Hercules kay Hera.

"O Hercules h'wag mong tignan ng ganyan ang magiging biyenan mo" ani Hera at bahagyang humalakhak

"at ikaw naman Calliope hindi ka ba magbibigay-galang sa minsa'y tinuring mo ding Ina??" ani Hera

Humakbang naman si Calliope paharap para yumuko at magbigay-galang ngunit humigpit ang hawak sa kanya ni Calliope at binalingan ito ng nagbabantang tingin na tila ba'y tutol sa gagawin nito.

Tumingin rin pabalik sa kanya si Calliope. "ayos lang" aniya. At binitawan ang pagkakahawak ng kamay nilang dalawa at tuluyan ng humarap kay Hera para yumuko tanda ng pagbibigay-galang pero bago pa siya yumuko ay agad siyang hinablot sa braso ni Hera at tinutukan ng patalim sa kanyang leeg

"CALLIOPE" puno ng pag-alala na sabi ni Hercules habang nakatingin sa kasintahan na nangigiwi at nadadaing dahil sa sitwasyon nito. "h'wag niyo siyang saktan, pakiusap"

"isang kondisyon para hindi masaktan si Calliope, Hercules. Sumama ka sa amin at---" hindi pa tapos si Hera sa pagsasalita ay agad ng tumutol doon si Hercules.

"AHHHH!!" daing ni Calliope ng idiniin pa sa kanyang leeg ang kutsilyo, dahilan kung bakit bahagyang dumugo ito.

"Calliope!!" ani Hercules at hindi na naiwasang lumapit kay Calliope ngunit inilayo ni Hera ito mula sa kanya.

"Hercules, isang kondisyon lang ang hinihingi ko. Isang napakadali at napakasimpleng kondisyon para hindi masaktan ang kasintahan mo" ani Hera na para bang tinutulungan pa si Hercules sa pagdedesisyon.

"O-Oo. Payag na ako" labag sa loob na sabi ni Hercules.

"ha?? anong Oo??" bakas ang panunuya sa  boses ni Hera na para bang gustong pakumpletuhin ang ibig sabihin ni Hercules sa kanyang simpleng sinabi kahit naintindihan na niya ang ibig sabihin nito.

"Sasama na ako inyo" ani Hercules.

"Kung ganoon dalhin niyo na si Hercules sa aking templo, siguraduhin niyo na walang makakakita sa inyo. "

to be continued......

Hercules (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon