Yzabelle's POV
So close yet so far. Yan ang palagi kong nasasabi sa tuwing nakikita ko siya. Third year college na ko pero uso pa rin sakin yung paghanga. Parang highschool lang diba? Hahaha. Bakit naman hindi diba? Wala namang masama sa paghanga lalo na't kahanga-hanga naman talaga siya. Kaklase ko siya pero parang ang layo-layo sa katotohanang magiging close kami. Isa siyang masungit at snob na lalaki, sa totoo lang. Sa banda niya lang siya mabait and siguro sa fans niya. Pero hindi rin naman siya palangiti sa stage sa tuwing magpeperform sila. May banda sila at vocalist siya. Tatlong taon ko na siyang kaklase pero hindi kami close. Kung maguusap man kami, siguro dahil importante at kailangan.
"Hoy Yzabelle!"
"Bakit?"
"Bessy ha!" Nanunuksong tingin niya sakin. Napakunot ako ng noo
"Ano na naman?"
"Nako bessy. Ang lalim ng iniisip mo ha? Si ano na naman ba yan?" Siya si Cindy, bestfriend ko. Siya ang may alam ng lahat.
"Hoy hindi ha!" Natawa at nailing na lang siya. Maya-maya pa, pumasok na siya kasama ang kabanda niya.
"Omg! It's Zander!" Sigaw ng isa naming kaklase.
"The Z'Quatre are here!" Tili naman ng isa. Famous sila pero hindi pa naman ganon kasikat. Ang iba nga ay hindi pa sila kilala. Pero siguro kahit hindi mo pa sila kilala pero nakita mo kung gaano sila kagwapo ay hahanga ka pa rin sa kanila. Ngumingiti yung tatlo habang tinitignan ang mga tao at binabati sila samantalang si Zander, walang reaksyon. At para sakin, ang cool niyang tignan kahit ganon siya.
"Baka naman matunaw si Zander!" Matagal na pala akong nakatitig kay Zander. Inirapan ko si Cindy habang tawa siya ng tawa. Humahanga ako kay Zander pero pure na paghanga lang. Yun lang yon. Never akong nagexpect ng higit pa don.
First day namin bilang isang third year college. BS Management ang kinukuha namin. Bawat year, may tig'dalawang section lang.
"Hi class. Goodmorning. I'm Mrs. Esperanza Quintos. Siguro naman kilala na ako ng lahat? Para sa mga new students, ako ang dean ng college na ito. I know first day of class pa lang pero may announcement na ko. This coming friday, may party na gaganapin sa Escolatta Hall. The party is for everyone. Para ito sa pagbabalik eskwela ng lahat at para sa pagwewelcome sa new students. Every year ay may ganito naman. So I'm sure konti na lang sa inyo ang nagulat." Ngumiti siya at tumango lamang kami kahit sa totoo ay wala akong pake don. Mabait na dean si Mrs. Quintos. Madali siyang lapitan kung may problema man. Para na rin siyang ina ng kolehiyo namin. At totoong every year, may ganito sa college namin at never akong pumunta. Kasi una, tinatamad ako. Pangalawa, hindi ako interesado. At pangatlo, hindi ako sanay masyado umattend sa mga ganong event. Alam mo yon. Hindi ako yung tipo ng babae na maeexcite sa ganon o magaabala at magsasayang ng effort para lang sa pag'attend sa isang party.
"By the way, Z'Quatre, kayo ang banda sa gabing iyon." Tumango naman sila. Bago pa lang ang Z'Quatre. Last year pa lang sila nakilala dahil sa battle of the bands. Sila ang nanalo kaya first time din nilang magpeperform sa party na yun. Hindi ko alam kung sino ang nagperform sa mga nakaraang party dahil sabi ko nga, never akong umattend. Naaalala ko pa yung araw na yun kung saan sariling kanta nila ang ipinanglaban nila. Sobra ang pagkamangha ko sa grupo nila. Sobrang galing nila kapag nasa entablado na.
"Kukuha ako ng tig'tatlong estudyante mula 1st year hanggang 4th year para sila ang magaayos ng party. Kung dati, faculty ang nagoorganize ng party, ngayon naman, hahayaan kong ang students ang maghandle nito. Para naman maranasan ninyo." Tumango sila. Dahil hindi ko gugustuhing makasali don. Hindi ako interesado dahil wala akong balak pumunta kahit pa andun ang Z'Quatre. Lumingap lingap si Mrs. Quintos tila ba nagiisip sa kung sino ang pipiliin.
BINABASA MO ANG
Building New Memories With You (On-Going)
RomanceWill you still remember the love or feelings you had even if you can't remember the person?