CHAPTER 4:

19 3 2
                                    

"Hey, may gig sila Kyle sa bar mamaya, gusto niyong sumama?" Pagyayaya ni Sheena samin.

"Ha? Hindi na siguro. Hindi kami nagpupunta ng bar ni Cindy." Sagot ko.

"What?! Seriously?! Third year college na tayo no! Hindi highschool. So what? Sama na kayo." Pagmamakaawa ni Sheena.

"Wag na talaga Sheena. Hindi kasi kami sanay sa ganun."

"Oh please? Akong bahala sa inyo. Don't worry. Trust me. Nandun naman kami ni Angelli tska ang Z'Quatre."

"Sige. Sama kami!" Masayang sigaw ni Cindy. Pinandilatan ko siya ng mata pero ngumiti lang siya. Kahit kailan talaga tong si Cindy.

"Okay! Wala ng bawian ha! Sunduin namin kayo later! Bye!"

Umuwi na kami. Wala na kong nagawa kundi umoo na lang din para mamaya. Nagayos na ko. Baka biglang dumating sila Sheena. Nakakahiya naman kung pagaantayin ko sila. Nag'pants lang ako na fit tapos white sando at blue polo. Pero bukas ang polo kaya yung sando ang makikita. Then black doll shoes tska shoulder bag.

"Nak! Nandito na ang mga kaibigan mo!" Sigaw ni mama kaya bumaba na ko at nagpaalam kay mama. Syempre hindi ko sinabi na sa bar kami pupunta. Sabi ko may gagawin kaming project kasi malalagot ako don. Yun yung isa sa dahilan kung bakit ayokong sumama. Kasi hindi ako papayagan sa ganon. Sumakay ako sa itim na van at napagalaman kong ako na lang ang kulang at kasama namin ang Z'Quatre dito.

"Ang simple ng suot mo pero ang galing mong magdala Yzabelle. You're so pretty." Pamumuri sakin ni Sheena. Nahiya naman ako ng konti paano, napatingin sakin lahat maski si Zander. Maski si Kyle na nagddrive eh napalingon. Eh ano pa siya? Dyosa? Nakasuot siya ng white off-shoulder at ng black na palda.

Nandito na kami sa bar na sinasabi nila. Tinignan ko ang paligid, malawak ang lugar. Bumaba na kami at sinalubong kami ng isang gwapong lalaki na may messy hair at medyo matangkad ng konti sa Z'Quatre. Magkakasingtangkad kasi ang apat.

"Hey! Long time no see! Kamusta ba?" Bati nung lalaki sa Z'Quatre.

"Ayos naman kami pare. By the way, Sheena nga pala, pinsan ko and her friends." Pakilala samin ni Kyle. Napatingin samin yung lalaki.

"Hmm. May kasama pala kayong magandang binibini dito. You're pretty. So, you are?"

"I'm Yzabelle." Sabi ko ng nakangiti.

"Hi Yzabelle. I'm Rafael." Ngiting sagot niya pero titig na titig pa rin siya sakin. Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya.

"Hoy Rafael! Tara na sa loob." Biglang sabi ni Alvin kaya natauhan si Rafael.

"Ay oo nga. I'm sorry. Tara." Pumasok na kami sa loob ng bar at sa unahan kami pinaupo. Ang daming umiinom, naghahalikan sa gilid-gilid at nagyoyosi. Amoy na amoy ang yosi. Ayoko pa naming nakakaamoy non dahil medyo nahihirapan ako sa paghinga. Umakyat na ng stage at Z'Quatre at nagsimulang tumugtog. Locked away ngayon ang kinakanta ni Zander.

"If I got locked away
And we lost it all today
Tell me honestly
Would you still love me the same?
If I showed you my flaws
If I couldn't be strong
Tell me honestly
Would you still love me the same?"

Umorder ng wine si Sheena pati alak para sa mga lalaki. Pagkaserve nung mga inumin, nagsimula ng uminom si Sheena pati si Angelli.

"Sanay pala kayong uminom?" Tanong ko.

"Yes. Last year lang. Inom na kayo." Nagsimula ng uminom si Cindy.

"Hey Yza, inom na." Pamimilit ni Sheena. Wala akong nagawa kundi uminom. Baka sabihin naman kasi ang KJ ko diba. Tska wine lang naman. Not bad. Hindi ganun kapait pero medyo gumuguhit o baka first time ko kasing uminom ng ganito. Nakakailang shot na ko ng bumalik ang Z'Quatre sa mesa. Maski ang whisky ay tinry ko. Sa tabi ko umupo si Zander. Ang lapit niya sakin. Amoy na amoy ko na rin ang pabango niya.

Building New Memories With You (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon