Nang makarating ako sa Escolatta Hall, marami-rami na ring estudyante ang nandito. Bukas na rin ang aircon at dumating na rin ang pagkain. Hindi pa naguumpisa eh mukhang masaya na ang lahat. Mukhang pagpasok pa lang nila, naeenjoy na nila dahil sa itsura ng hall.
"Omg?! Bessy, ikaw ba yan?!" Sigaw ni Cindy kaya yung iba ay napatingin samin.
"Cindy naman! Oo naman. Ako to." Sabay irap ko. Baliw talaga to.
"Ang ganda mo bessy. Grabe!" Napailing nalang ako. Ang ingay niya. Pumunta na kami sa pwesto namin. May sariling pwesto ang organizers. Sama-sama kami sa harapan. Patuloy ang pagdating ng mga estudyante na nakasuot ng pula at itim na gown at coat.
"Z'Quatre!"
"Omg! Nandiyan na sila!"
"Hi Zander!"
"Ang hot ni Kyle!"
"Gwapo ni Alvin. Ghad!"
"Franz! I like you!"
"Crush na crush ko sila!"
Sigaw ng mga babae dito kaya napatingin ako sa may pintuan. Nakapasok na pala sila. Ang gugwapo talaga nila. Lalo na si Zander. Lalo atang nadagdagan ang paghanga ko sa kanya. Siguro ang iba ay nagpunta lamang dahil nandito ang Z'Quatre. Sa katabing lamesa namin sila pumwesto. Ang lapit niya lang sakin. Ang lapit niya nga kaso parang ang layo pa rin. Napailing ako sa sariling naisip.
"Goodafternoon students. I'm happy dahil marami ang pumunta sa party na ito. Kahit alam kong marami lang ang napilitan dahil nandito ang Z'Quatre. Hahaha. Just kiddin', pero thank you talaga dahil hindi pa man tayo nagsisimula eh mukhang nageenjoy na kayo. Magenjoy sana ang lahat. This is it! Welcome BS Management Students!" Panimula ni dean at nagpalakpakan ang lahat. Nagstart na ang party.
Tumayo na ang mga estudyante. Ang iba ay pumunta sa photobooth. Ang iba ay sa buffet table dala ang mga stab nila. Ang iba naman ay sa gitna. May space sa gitna para sa mga gustong sumayaw. Pumunta na din sa stage ang Z'Quatre at nagsimulang tumugtog. Hindi ko alam ang title nung tinutugtog nila pero pang'party yun. Kumakanta na si Zander. Napatitig ako sa kanya.
"Bessy, ang ganda talaga ng boses ni Zander no?" Tanong ni Cindy.
"Oo. Sobra." Napangiti ako at napatingin ulit kay Zander. Naalala ko nung tinignan niya ko. Kahit pa walang emosyon ang tingin niya, at least tinignan niya ko. Yun yung mahalaga dun.
Hinila ako ni Cindy sa gitna para sumayaw. Maski ang mga ilaw ay sumasayaw at iba't-ibang kulay pa. Party lights nga talaga. Habang sumasayaw, napatingin ako kay Zander ng makita kong nakatingin din siya sakin. Wait, what?! Sa sobrang taranta ko, umiwas ako ng tingin. Omg! Tinignan ako ulit ni Zander!
Nung a thousand years na ang tinutugtog nila, naupo na ko. Di ko na ulit tinignan si Zander. Nailang na kasi ako. Slow na ang galaw ng mga nagsasayaw sa gitna. By pair na. Para talagang prom. May mga umaya saking sumayaw, pinagbigyan ko naman sila syempre.
Mga bandang 10pm, huminto muna ang Z'Quatre sa pagtugtog at ang sound system muna ang ginamit. Bumaba muna ng stage ang Z'Quatre para makakain sila.
"Yzabelle, ibigay mo na yung stab nung Z'Quatre." Sabi sakin ni Jeanne. Oo nga pala. Sakin iniwan ang stab nung apat. Lumapit ako sa table nila.
"Eto nga pala yung stab niyo para sa pagkain." Kinuha naman ito ni Franz.
"Thank you Yzabelle." Bati ni Alvin.
"Ang ganda mo." Dagdag pa nito.
"Oo nga." Nakangiting pagsangayon ni Kyle.
"Thank you. Sige. Alis na ko. Kumain na kayo." Nakangiti kong sabi. Tumango naman sila except kay Zander pero bago ko umalis, napatingin ako sa kanya at tulad kanina, nakatingin siya sakin. Myghad Zander! Ano bang trip mo?! Pagkaalis ko sa mesa nila ay tumayo na sila upang kumuha ng pagkain. Pagkatapos kumain, bumalik sila sa stage para kumanta ulit.
BINABASA MO ANG
Building New Memories With You (On-Going)
RomanceWill you still remember the love or feelings you had even if you can't remember the person?