CHAPTER 2:

14 3 1
                                    

Kinabukasan, pumasok na ulit ako sa school at iniisip ko pa rin kung anong design ang pwede sa hall. Ang school ang gagastos ng lahat at hindi kami. Kami lamang ang magoorganize. Pinaliwanag samin ni dean yun kahapon.

Dumating ang mga prof. at tulad kahapon, wala din masyadong ginawa. For sure this week, wala talagang gagawin kasi first week. Papakilala lang tapos magpapapasa ng index na may picture at magdidismiss na. Mabuti naman kung ganon. Wala pa rin ako sa wisyong mag'aral. 1pm pa lang ay pinalabas na kami kaya derecho hall kami. Nandun na ang lahat. Maaga din silang pinalabas.

"So, may naisip na ba kayong pwedeng ayos ng hall natin?" Tanong ni dean.

"Mrs. Quintos, pwede po bang magsuggest. If okay lang?" Sabi ni Sue ng BSM-4A.

"Sure. Ano yun?"

"Pwede po ba tayo magarkila ng photobooth? Yun sana ang magsisilbing giveaways sa mga aattend."

"Nice idea Sue. Sure. Basta kayo ang bahala doon. Just tell me. Kami ang bahala sa gastos. So balik tayo sa ayos ng hall. Any idea?"

"Mrs. Quintos, ano po kaya kung bumili tayo ng lobo. As in lobo lang tapos ikalat po natin sa floor." Sabi ko. Diba parang ang romantic kasi ng dating tska parang ang special kung may ganon.

"Pwede pwede. Maganda nga yan Yzabelle. But wait, ano ang theme color natin?"

"Maganda po siguro kung red and black?" Pagsagot kong muli.

"Nice one. Tutal party siya. So ang mga babae ay kailangan magsuot ng red or black gown. Ang boys paniguradong magbblack ang mga yon. So ano pang ayos?"

"Ah dean, sa stage, si Rika na po ang bahalang maglettering para dun sa "Welcome Students of BS Management 2018-2019" tapos didikitan po namin ng palamuti ang stage." Tumango si dean.

"Magaganda ang mga idea na naiisip niyo. Hindi ako nagkamali sa pagpili sa inyo. Kayo ng bahala. Magusap-usap na kayo ng inyong mga kagrupo. Aalis na muna ako." Ngumiti si dean.

"Dean, karamihan po sa amin ay aalis upang kausapin yung mga taong dapat kausapin depende po sa nakatoka sa amin." Pagpapaalam ni Jeanne.

"Ganun ba? Osige. Magiingat kayo. Rika, kung pwede mo ng simulan ngayon ang lettering ay simulan mo na. Tutal mukhang may gamit ka na rin namang dala. Ang mga maiiwan dito, magsimula ng isipin ang pwede pang idagdag sa ayos ng hall. By the way, wait, Yzabelle, pwede mo bang tawagin ang Z'Quatre? Pakisabi pinatatawag ko sila. Salamat." Tumango na lang ako. Hindi ko alam kung matutuwa ba ko o ano pero kasi bigla akong kinabahan. Makikita ko siya.

Dumeretso ako ng music room. Alam kong nandoon sila para magpractice. Dun naman sila lagi. Bakit ko alam? Sus! Tinatanong pa ba yan? Hahaha. Syempre naman alam ko kung nasaan sila o kung anong ginagawa nila. Hindi naman lahat syempre. Hindi naman ako stalker. Kinakabahan talaga ko sa totoo lang. Sa labas pa lang, rinig na ang tugtog na ginagawa nila pati ang boses ni Zander. Saglit akong nanatili sa labas para mapakinggan ang malamig at magandang boses ni Zander. Ang ganda talaga ng boses niya. Nagpasya na kong kumatok at naagaw noon ang atensyon nila.

"A-ah. Pinapatawag kayo ni dean. Nasa Escolatta Hall siya." Nakatingin ako sa kanila. Nakangiti ang tatlo ngunit si Zander, parang walang pakealam pero nakatingin siya sakin. Ganyan naman talaga yan. Sanay na ko sa kanya.

"Sige. Pupunta na kami. Salamat." Sagot ni Kyle sakin. Tumango ako at umalis na. Napahawak ako sa dibdib ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Yung tingin ni Zander, nakakatunaw. Kinikilig ako na ewan. Natuwa naman ako kahit papaano dahil nakita ko siya at kahit papaano naman, tumingin siya sakin.

"Hoy bessy! Ngiting-ngiti ka ha!" Salubong ni Cindy sakin.

"Tinignan ako ni Zander!" Nakangiti kong sabi.

"Sus. Tingin lang yon. Pake ba nun sayo." Aray naman. Sama talaga ng ugali ng babaeng to. Inirapan ko na lang siya. Di naman niya kailangang ipamukha sakin na wala lang ako para kay Zander.

Papunta kami ngayon sa Wence's Catering Service na sinasabi nila. Naka sakay kami sa sasakyan ni Jeanne. Yes, sanay siyang magdrive. Gusto ko ring matuto magdrive balang araw. Nang makarating kami roon, hinanap agad ni Jeanne ang manager nila kaya pumasok kami sa isang opisina.

"Goodafternoon po." Bati namin sa babaeng nakaupo.

"Goodafternoon din. Maupo kayo." Ngumiti siya at naupo kami. Nagsimula ng makipagusap si Jeanne. Magaling siya sa mga ganitong bagay. Hanggang sa huli, ayos na ang lahat. Dadalin nila ang pagkain sa biyernes ng mga bandang 5pm dahil 6pm ang start ng party. P90, 000 pesos ang magagastos sa catering. May kanin, chicken roll, kare-kare, fish fillet, lenggwa, brocolli, carbonara, salad, ham and cheese roll and nestea. Not bad. Ang sasarap ng pagkaing naisip ni Jeanne para sa event.

Wala namang masyadong nangyari noong mga nakaraang araw. At ngayon, thursday na. Wala kaming klase dahil inexcuse kami ni dean. Friday na kasi bukas. Busy na ang lahat. Nasa Escolatta Hall ngayon ang mga organizer. Konti na lang at matatapos na kami sa pagaayos. Dumating na ang sound system pati ang mga upuan at lamesa. Red ang sapin ng lamesa at black naman ang damit ng mga upuan. Pati ang party lights ay nandito na. Nakadikit na din ang ginawang lettering ni Rika sa may stage. Gumawa kami ng mga medyo malalaking bilog sa itim na cartolina at nilagyan ng glitters tska namin dinikit sa ibaba ng stage. Maliliit naman sa itaas. Inaayos na din ng Z'Quatre ang mga gagamitin nila bukas tulad ng drums, piano, guitar at mic. Nagpractice na rin sila. Habang nagaayos ay napapatingin ako sa kanila. Nang matapos kami ay umuwi na kami. Sinabihan kami ni dean na bumalik bukas nang 8 ng umaga para sa mga kailangan pang ayusin.

Kinaumagahan, 7:30 pa lang nasa Escolatta Hall na kami. Binombahan na namin yung mga pula at itim na lobo tska ikinalat sa sahig. Marami-rami ring lobo yun kaya nakakapagod talaga. Si Wendy naman ng BSM-2B, may dalang mga lobo na may stick. Idinikit namin yun sa gilid ng hall katabi nung malalaking aircon. Yung mesang paglalagyan ng pagkain, inayos na din sa may gilid. Nilagyan na din ng skerting (design nung pinakatela nung mesa). Mamaya pa darating ang pagkain. Tinesting na ang sound system at ang mga ilaw na gagamitin mamaya.

"Sa wakas! Natapos din!" Masayang sabi ni dean. Tinignan namin ang buong paligid ng Escolatta Hall. Ang ganda. Ang stage, kumikinang. Nagmukhang prom ang party na ito. Ngayon pa lang, nararamdaman ko ng magiging successful ang event na to.

"Good job guys! At dahil sa paghihirap niyo, may extra points kayo." Nagpalakpakan naman kami.

"It's already 11:30am. Umuwi na muna kayo at ng makapagayos kayo ng mabuti. Ingat!" Nagpaalam na kami at umuwi.

3:30pm nung naligo ako. Aayusan pa kasi ako ni mama. Pagkatapos kong maligo, pinatuyo ni mama ang buhok ko tska kinulot ang dulo. Halatang halata kay mama na gustong gusto niya ang ginagawa niyang pagaayos sakin. Nilagyan niya ng hair pin sa magkabilang gilid pero iniwan ang bangs ko. Sunod ay nilagyan ako ng make-up.

"Nak, eto na yung gown mo." Nilabas ni mama ang isang itim na gown mula sa cabinet namin.

"Wow!" Nakangiti kong sabi. Ngayon ko lang nakita to dahil sobrang busy ko. Buti at nasabi kong itim o pulang gown ang bilhin. Ang gown ko ay isang cocktail gown na simple lang naman. Pa'tube siya. Yung itaas na part (part ng tube), plain black lang siya. Sa ibabang part naman, may glitters kaya makinang siya. At sa may bewang, may belt siya na nakaribbon sa likod. Nilabas na din ni mama ang heels ko. Simpleng black heels lang pero kumikinang din.

Sinuot ko na ang gown at heels. Tapos ay humarap sa salamin. First time kong aattend sa party na ito at halos hindi ko na makilala ang sarili ko. Isinuot sakin ni mama ang isang set ng alahas. Kulay puti ang mga ito. Kwintas, hikaw, singsing at bracelet.

"Ang ganda mo anak." Nginitian ko si mama at niyakap.

"Thank you ma."

"Para sayo anak. Gabriel! Ihatid mo na tong kapatid mo!" Sigaw ni mama kay Kuya Gab.

"Opo ma. Tara na Yza." Tumingin ako sa orasan. 5:30 na pala. Nagpaalam na ko kay mama at hinatid na ko ni kuya sa school gamit yung kotse ni papa. May nakakatanda akong kapatid. Si Kuya Gabriel Lance Fuentes.

Building New Memories With You (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon