Chapter 1 (Choosing where we belong)

201 23 48
                                    

*Ting..Ting..Ting*

"Kyaaah!!!"

"Ano ba Dannika, maghunusdili ka nga!" saway ko sa kaibigan kong pinaglihi sa mikropono.
"E' kashi naman Bestie labasan na natin." eksayted na sagot nya saakin.

"Eh ano naman kung labasan natin? hays! para ka naman baguhan diyan." wika ko sakanya.

"Kashi naman Bestie kapag labasan na natin it means goodbye Math at Physics na! yipee!!!" nakangiti nyang sambit saakin habang ipinapasok niya ang kanyang Math book sakanyang bag.

"Pambira ka talaga!" walang kagatol-gatol kong sambit sa best friend ko.

"Nads!" sigaw nung isa kong kaklase kung kaya't napalingon ako sakanya at nginitian ito.

"Yep?"

"Sama kayo saaming magbonding?" tanong nya saakin kaya napatingin ako sa best friend ko na parang ulul na aso kung makangiti ng pagkalawak-lawak.

"Kasi Andy hin--"

"Go kami ni Bestie diyan!"

Hays! kahit kailan talaga Dannika panira ka. Argh! ang sarap hambalusin ng arm chair nitong sadista kong bestie.

Paano na ang mga assignments namin? May report pa ako bukas eh. Argh!

Naniniwala ba kayo sa 'Opposites attract?'. Ganyan kasi kami nitong bruhang to eh. Minsan nga nagtataka ako kung bakit ko sya naging best friend.

"Payag na payag si Nads diyan, Diba Nads? wala ka naman gagawin ngayon diba?" tanong ni Dannika saakin with matching panlalaki ng mata upang pumayag ako.

"Wa--"

"Yehey! sabi sainyo wala syang gagawin eh, kaya taralets na!" sigaw niya kung kaya't sinamaan ko sya ng tingin.

Kung nakakamatay lang ang tingin, siguro pinaglalamayan na si Dannika ngayon.

"Yay! so, kain na muna tayo?"

"Yeah, nice suggestion Diana." sagot naman nang kaklase ko sakanya.

"Saan tayo kakain guys!?" sigaw ni Dannika saamin kung kaya't napatakip kaming lahat ng tenga dahil sa lakas ng sigaw nya.

"Ano ba yan Dannika paki-inahan naman nyang boses mo,nagvvibrate sa tenga ko eh." saway nang isa kong kaklase sakanya kaya napasimangot nalang ito at napafacepalm.

"Sa Cafe de Cabalen nalang tayo!"

"Nikita Restaurant!"

"Five Star Restaurant!"

"Ramos Cafe!"

"Green--"

"Hoy Nads! saan ka pupunta?"
tanong nang isa kong kaklase saakin nang mapansin niya ang pagw-walkout ko sa debate nila.

Tell me? Sinong hindi mappa-walkout sakanila eh parang magsasabunutan at magsusuntukan na sila kung saan kami kakain? hustisya naman sa mga taong nagtitipid gaya ko.

"SA JOLLIBEE!" sigaw ko sakanila kaya napalingon silang lahat saakin dahil sinadya ko talagang lakasan ang boses ko upang marinig nilang lahat.

O_O

~_~

*_*

^_~

"Seriously?" naguguluhang tanong saakin ni Daniel.

"Ang sabi ko, sa Jollibee ako hindi kayo." kalmadong sagot ko sakanila habang tipid na nakangiti.

"Oo nga guys, ang mamahal naman kasi ng mga Restaurant na pinagsasabi nyo eh. Mabuti pa sa Jollibee, swak na ang Presyo---"

My Jolly Love Story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon