Chapter 2 (Pursuing my admiration to him)

87 21 19
                                    

Syete naman oh, nakaka-stress.

Kailan ba ako makaka-move on sa kagwapuhan nya?

Bakit ba kasi nung nagsaboy ng kagwapuhan at kakisigan sa mundo, gising na gising sya?

Argh! I badly want to see his handsome face. Nakakaloka dahil parang tinamaan ata ako ni kupido.

"Miss Larin!"

"MISS NADS LARIN!" sigaw ng guro ko sa pangalan ko kaya napabalikwas ako nang upo at nagbalik sa realidad.

"Ah..eh Ma'am, b-bakit po?" kinakabahan kong tanong dahil nanlilisik na ang mga mata ng aking guro.

"Kanina ko pa tinatatawag ang pangalan mo pero tulala ka diyan at nakatingin sa kawalan. Ano bang gusto mong mangyari ah!?" nanggigil na sabi nya saakin kaya napatingin nalang ako sa ibang direksyon dahil sa mala-tigre nyang tingin.

Jusmiyo Marimar! How can I escape in this situation?

"Ano pong gusto ko?" inosente kong tanong sa guro kong naghihintay ng sagot mula saakin.

Kailangan ko ng ilabas tong nararamdaman ko kung hindi baka sasabog na ako. Bahala na kung huhugot nanaman ako kung iyon lang din naman ang way para maipaliwanag ko ito.

"Oo, anong gusto mong mangyari ah!?" masungit na tanong saakin ni Madame.

"Makalimot Ma'am. Ang makalimutan sya dahil kahit saang direksyon ako tumingin, mukha nya ang nakikita ko sa paligid. Sobrang hirap Ma'am dahil kahapon ko lang siya nakita sa JOLLIBEE, nahulog na agad ang pihikan kong puso sakanya." bulaslas ko sa aking guro na hindi mo wari kung ano ba ang reaksyon niya ngayon dahil pagkarinig nya sa salitang Jollibee, parang nabuhayan sya at lumiwanag ang kaninang nandidilim nyang paningin.

"Saan mo nga ulit sya nakita?" tanong nya ulit saakin. This time, hindi na yung kanina na para syang tigre na handang lapain ako ng buhay.

"Sa JOLLIBEE po Ma'm." wika ko sakanya nang may pagdidiin sa salitang Jollibee dahil alam ko kung ano ang mapapabago sa mood niya.

Tumango-tango naman siya at nakangiting binalingan ako.

"Ganito, bumalik ka roon sa Jollibee at hanapin mo ang lalaking nagpatibok diyan sa puso mo. Kapag nahanap mo sya roon, maniniwala na akong may forever nga. " tugon nya saakin kaya napakunot ako nang kilay.

Sabi ko na nga ba eh, sa mga ngiti palang ng aking butihing guro ay alam ko na kung ano ang mga susunod na mangyayari.

Argh!

Sinong Guro ang papalabasin ang estudyante nya sa oras ng klase para ipahanap ang forever nya? Ays! iyan si Mrs.Velasquez, Teacher ko yan!

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at dali-daling binitbit ang bag ko para hanapin ang forever ko sa Jollibee ngunit hindi pa ako nakakalabas ng pintuan ay...

"Nads, teka lang, ipang-order mo ako roon ng 1 Bucket Meals at 3 Burger Champ." bilin nya saakin.

Hayan! iyan ang dahilan kung bakit ko pinagdiinan ang salitang Jollibee dahil alam kong dahil sa katakawan ng aking guro ay makakatakas ako sa sitwasyon ngayon.

"Teka, dalawang Burger Champ nalang pala, diet ako ngayon eh." pahabol pa nyang bilin saakin.

Tsk...tsk! so kung hindi pala siya nagd-diet ngayon,sampung burger at limang bucket meals ang ipapabili niya saakin? Hay nako naman oh!

"Nads, kahit hindi mo na makita ang forever mo, huwag kalang babalik dito na walang dalang pagkain." huling wika niya saakin bago ako lumabas ng classroom.

My Jolly Love Story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon