Chapter 4 (Fighting for this Love)

65 19 18
                                    

Lumipas ang ilang buwan, mas lalo pa kaming naging close ni James. May mga araw na halos hindi na kami mapaghiwalay sa isa-isa't at naging tambayan na namin ang Jollibee sa lungkot at ligaya.

Sa bawat araw at oras na magkasama kami, mas lalo ko pang nakilala ang isang tunay na James Reyes na siyang lalong nagpasidhi nitong aking damdamin.

Akala ko noon, puppy love lang itong nararamdaman ko sakanya dahil sa sobrang paghanga. Pero sa paglipas ng panahon na kasama ko sya at tanging kami ang nagdadamayan sa isa't-isa, mas lalo pang lumalim ang aking tinatagong pagmamahal.

Thanks to Jollibee dahil rito ko lang nakakapiling ang taong manhid at tanga na hindi alam ang existence ko sa buhay niya.

Oo, hanggang ngayon manhid parin siya at pawang inosente sa mundo dahil wala parin siyang alam na mahal ko siya. Ay! Mahal na mahal na pala.

Oo nga pala! Sinong makakahalata na mahal ko siya kung ako mismo ang tumutulong sa paghahanap ng kanyang mahal? parang tanga lang noh?

Kahit araw- araw akong kumain ng Jolly Sphagetti at Burger Champ sa Jollibee basta kasama siya, hindi ako mauumay.

Argh! Ang hirap naman ng One sided love! Pero go lang sige! Im going to fight for this love. Sabi ko nga noon kay Shopia, "Everything change". May isang salita ako kaya papanindigan ko ito.

Malay mo bukas, mauntog sya at marealizeniya na mahal na pala nya ako? O kaya naman mabuhusan ako ng malamig na tubig at mawala nalang ang init nitong nagliliyab kong damdamin para sakanya? There are more possibilities kaya kapit lang ng maigi at huwag bibitiw.

"Naku Ma'am, Sir, wala pong Natalie Lozano rito." wika ng isang katulong na pinagtanungan namin kay Nat-Nat.

"For the n'th time Nads, wala parin siya at hindi pa rin nahahanap." malungkot na wika niya saakin kung kaya't tinitigan ko siya at nakikisimpatya sa nararamdaman niya.

"Tiwala lang James mahahanap natin si Nat-Nat." nakangiti kong sambit sa kanya at patuloy na binubuhay ang pagasa sa puso niya.

"Salamat Nads ah? Sige, bukas nalang natin ituloy. Kapag bukas, wala parin, kailangan ko na sigurong sundin kung ano ang nais ng aking ama." Makahulugan nyang sabi.

"Anytime para sa best buddy ko! Anong sundin ang nais ng iyong ama?" naguguluhang tanong ko sa kanya dahil hindi siya makatingin ng diretso saaking mga mata.

"Wala. Basta ano man ang magiging kahihinatnan ng ating paghahanap sakanya bukas, uunahan ko na ng pasasalamat sa iyo Nads dahil ikaw mismo ang nagtiyagang tulungan ako." makahulugang wika niya ulit saakin sabay ngiti ng pagkatamis-tamis at puno ng sinseridad bago kami maghiwalay ng landas patungo sa aming mga kanya-kanyang tahanan.

Mahahanap pa kaya ni james ang Nat-Nat ng buhay niya?
Nakakasawa man sabihin pero parang naghahanap lang kami ng taong ayaw magpakita.

Ang sakit lang isipin na sa tuwing araw ng paghahanap namin kay Nat-Nat, yung saya, excitement at pagasa sa mukha ni James na nakikita ko ay nakakapanlambot ng puso.

Sa tuwing nabibigo naman kami, yung dissapointment niya ay nakakapanlambot naman ng mga tuod dahil miinuha mo talaga na mahal na mahal niya ang dalaga at willing siyang isakripisyo ang lahat mahanap lang ito.

Bakit ganoon? Sana ako nalang si Nat-Nat. Nakakainggit kasi siya dahil yung taong mahal at pinapangarap ko ay handang gawin ang lahat mahanap lang siya.

"Holdap to Miss! Akin na ang cellphone at pitaka mo!" sabi ng holdaper saamin sa bus.

"Nasaan na sabi eh!" sigaw niya ulit saakin.

My Jolly Love Story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon