"Ms. Larin, namuti na ang mga mata ko sa kakahintay ng mga pina-order ko sayo kahapon ah!?" bwisit na bungad saakin ni Ma'am Velasquez pagkaupo ko saaking pwesto.
"Alam mo Ma'am, Hindi lahat ng gusto, nakukuha sa madaling paraan lalo na't hindi naman po kayo nagbigay ng cash na pambayad." sagot ko kay Ma'am na bongga kung makapagbilin ng mga order nya eh kahit singkong duling hindi sya nagbigay.
"Whatever!" wika ni Ma'am sabay lapag ng mga gamit niya sa table.
Kita na? guilty siya dahil walang cash na binigay.
Jusmiyo! Anong tingin ni Ma'am saakin? Anak ng presidente? May-ari ng Jollibee?
Nako! poorita rin ako noh?
Maya't-maya....
"Our topic for today is about forever. We will have a debate if forever really exist. So guys, please participate and I know you will be enjoying this topic." announced ni Ma'am saamin kaya ang lahat ay masiglang nakiparticipate.
Naks naman kay Ma'am, ang galing lang niyang mamili ng topic.
"Miss Larin, start the debate by your own opinion."
"Whoa! Of course Ma'am, Forever really exist! pero kung bitter ka, itatanggi mo iyon." proud na sagot ko.
Tama naman diba? kapag ba may jowa ka sasabihin mo na walang forever? Hindi diba? mga bitter lang ang may kakayahang pagtulungan si forever.
"Bakit napatunayan mo na ba na nag-e-exist iyon?" tanong ng aking butihing guro.
"Not yet. Papatunayan palang namin ni James baby ko na may forever nga." ngiting-ngiting sagot ko sakanila kaya napataas sila ng kilay.
"Alam na ba nya na nag-e-exist ka sa mundo nya?" tanong naman ni Adrian na ang epal lang dahil panira ng moment ko.
"Malapit na Adrian!" sagot ko sakanya sabay taas rin ng kilay.
"Hindi ka ba nagsasawa diyan sa One sided Love story mo Nads?" tanong saakin ni Sophia.
"Bakit ako magsasawa Shopia? Hindi lahat ng bagay, minamadali at hindi lahat ng bagay, nakukuha agad-agad. Nasa tamang panahon ang lahat. Hindi porke ikaw lang nagmamahal, hanggang sa huli ikaw parin ang magmamahal. Everything change Shophia." mahabang lintanya ko.
"Yung Forever, hindi isang salita lang yan na kapag sinabing wala, maniniwala kana agad kasi sikat ang katagang "Walang Forever" Isinasabuhay yan sa pamamagitan ng matatag na pagmamahalan at samahan." dagdag ko pa na tuluyang nagpatahamik sa bawat sulok ng classroom.
*Ting..Ting..Ting..*
"Break na muna kayo--"
"Break? break agad? wala pa ngang kami break na agad?" wika ko sa aking Guro na nagmamadaling makipag- unahan sa mga kaklase ko na lumabas upang magluch break.
"Tigil-tigilan mo ako diyan sa mga hugot mo Ms.Larin at ako'y nagugutom na! Mag luch break ka na rin dahil gutom lang iyan." sagot niya saakin at tuluyan nang nakipag-unahan na lumabas sa pintuan.
~*~
Sa Cafeteria..
"Miss, isang slice po ng pizza." sabi ko sa tindera.
"Ma'am Nads, nagmahal na po pala ang pizza ngayon dahil nagmahal ang mga recipes nito." sabi naman ni Ateng tindera kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Buti pa ang bilihin nagmamahal. Ako, hanggang ngayon umaasang magmamahal siyang muli. Bilihin lang ba ang magmamahal? At ako? paano ako kung hindi sya magmamahal muli?" maramdaming sambit ko sa tindera.

BINABASA MO ANG
My Jolly Love Story
SonstigesThis story is for every single Jadine Fans and Jollibee Addicts out there. :-)