Chapter 6 (Waiting for Him)

57 19 17
                                    

Dear Nads,

  Salamat sa lahat ng mga naitulong mo saakin at sa pagkakaibigang hindi ko makakalimutan. Patawarin mo sana ako kung iiwanan muna kita ngayon dahil kailangan ko munang lumayo upang buuin ang buhay kong matagal ng nakasentro sakanya.

  Nads, Hindi kita makakalimutan at habang buhay kong tatanawin ang utang na loob ko saiyo. Ikaw ang nagsilbing best buddy ko sa tuwing kailangan ko ng makakasama. Salamat talaga saiyo at dumating ka sa buhay ko.

Salamat ulit Nads, hanggang sa muli nating pagkikita.

-James

Pagkabasa ko sa liham niya ay itunupi ko na ito't ibinalik sa tamang lalagyan at kinuha ang isa pang sulat na galing sakanya't binasa ito.


Dear Nat-Nat,

     Nat-Nat, alam mo bang simula bata palang tayo mahal na mahal na kita? Nakakahiya man aminin, pero hanggang ngayon kasi NGSB parin ako dahil ikaw lang ang babaeng pinapangarap ko simula noon.

   Sobrang sakit isipin na pinaghiwalay tayo ng tadhana.  Araw-araw umaasa akong balang araw, makikita kitang muli at makakasama.

Sa tuwing nawawalan ako ng pagasa na mahanap ka pang muli, iniisip ko nalang na baka hindi pa ito yung tamang panahon para saatin.

Bakit nga ba bigla ka na lamang umalis ng walang paalam?

Sobrang saya ko ng sinagot mo ang tawag ko kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na itext ka upang makipagkita sa favorite mong kainan.

Pagkabukas pa lang ng Jollibee nandoon na ako kahit na alas singko pa lang ang oras ng pagkikita natin. Umaasa kasi ako na makikita na kitang muli kaya hinintay talaga kita maghapon. Ano pa't naghintay ako ng maraming taon sa paghihintay ko ng maghapon saiyo diba?

Akala ko darating ka eh, kaso isang malaking false alarm lang pala iyon. Siguro sign na iyon na kailangan ko nang buksan ang buhay kong matagal ng nakasara dahil saiyo.

Paalam na mahal ko. Alam kong darating din ang panahon na pagtatagpuin muli tayo ng tadhana.

Hanggang sa muli Nat-Nat. Paalam na aking mahal.

-Jam-Jam

Anim na buwan na ang nakakalipas mula ng huli ko siyang makita at makasama rito sa Jollibee kung saan nagsimula ang lahat. Araw-araw dala ko ang mga liham nya at binabasa ang mga ito. At walang araw na hindi tumulo ang mga luha ko sa tuwing binabasa ko ang mga ito.

Akala ko noon ako lang ang nasasaktan sa tuwing namimiss niya si Nat-Nat. Mas doble pala ang sakit na nararamdaman ni James kumpara saakin. Ngayon alam ko na kung ano ang pakiramdam ng mawalay sa pinakamamahal mo.

Naiintindihan ko narin kung bakit handang gawin ni James ang lahat mahanap lang ang mahal niya. Dahil sa sitwasyon ko ngayon, masasabi kong handa ko rin gawin ang lahat makita at makasama ko lang siyang muli.

Sadya bang mapagkait ang tadhana saamin? Noon siya ang naghahanap saakin. Pero ngayon, ako na ang nagkakandarapa na mahanap siya.

Maghahanapan nalang ba kami forever?

Ngayon alam ko na rin kung bakit nung unang kita ko palang kay James ay tinamaan na ako dahil matagal na pala siyang kilala ng puso ko.

"Ate, ubos na po ang chikenjoy ko kaya hatid nyo na po ako sa school." wika ng aking kapatid kaya agad kong pinunasan ang mga luhang umagos sa aking pisngi at itanago ang dalawang liham na siyang ala-ala niya.

My Jolly Love Story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon