➳ 5

357 21 18
                                    

                                                                  ➳Chapter 5

▌ KATE'S POV ▌ 

“Ha? Ano!?” halos mabingi ako sa lakas ng sigaw ni Yen sa akin. Gabi na nga pero nandito pa rin siya sa apartment ko. Buong araw daw kasi siyang nag abang sa akin dito kasi hindi niya ako ma contact. At mukhang dito na rin ‘to matutulog. Kanina pa niya ako iniinterview tungkol sa bago kong trabaho.

“’Yon na nga. Kaya wala na akong pro-problemahin pa sa gastos ko sa tuition at gamot ni nanay.” sagot ko naman sa kanya sabay ngiti. Ahh! Di ko ma imagine na solve na talaga ang lahat ng problema ko sa isang iglap lang!

“So, kaya hindi ka nakauwi kagabi kasi dun ka natulog sa bahay ng BOYFRIEND mo, na kakikilala mo pa lang ng isang gabi?!”

“Oo. Pero—“

“Okay ka ba? Ano na? Buntis ka na? Halakaaa!” hay nako naman o! Si Yen talaga. Kung ano ano na lang ang pinasasabi niya. Hindi pa nga niya ako pinapatapos ng pagsasalita. Gumagawa na agad ng konklusyon.

“Tumigil ka nga, Yen.” nakasimangot kong sabi.

“Bakit?”

“Hindi ganyan si Alex.”

“Alex ba ang name niya?”

“Oo. Alexander Sanchez. Iba siya sa iniisip mo okay? Matalino, responsible, mabait, desente.” habang sinasabi ko ‘yan, naiimagine ko si Alex. ‘Yung tinitignan ko siya habang nagbabasa siya ng mga libro niya tapos ko, kumakain ng breakfast. Ewan ko pero bakit nag fa-flashback ang imahe niya sa mukha ko?

“Ah.. ba’t ganyan ang mga mata mo? Eiiit! Ikaw ha.” sinundot naman niya ako sa tagiliran.

“Anong ako?”

“May spark ‘yung mata mo! Achecheche!” kinikilig na sabi ni Yen. Ewan ko ba sa babaeng ‘to kung ano ang problema nito. Pero, may spark nga ba talaga?

“Anong spark?!

“Kunwari ka pa! Tapos, gwapo ba siya? Ano? May nakita ka bang gwapo dun sa mga cousins niya? Ipakilala mo naman ako oh!” ito na naman siya. Nag huhunting na naman ng gwapo. Tss. Napailing na lang ako habang tinatanong niya ako. Tsaka tumayo ako at nag palakad lakad sa sala.

“Yen naman. Ano ka ba! Siyempre, gwapo. Ay, basta kalimutan mo na, tsaka taken na lahat ng cousin niya.”

“May kapatid ba siya?” tumayo na rin siya agad at sinusundan ako ng tingin.

“Oo. Meron kaso…. hindi ko pa nakikita.” sabi ko sabat kibit balikat. Nagulat na lang ako sa kanya kasi hinampas hampas niya ako.“Grabe! Ang swerte mo naman! Waaaaaaa!”

“Anong maswerte?” naka poker face lang ‘yung mukha ko nang tinatanong ko siya. Ano naman maswerte dun? Ewan ko lang sa kanya.

“Magpapanggap ka lng ng girlfriend ng isang gwapo, mayaman, responsible, mabait, desenteng lalake! May 20 thousand ka pa! Alam mo, ‘wag mo na ‘yang pakawalan!” sigaw niya.

“Teka, nakakabingi ka na. Dahan dahan naman Yen!” naglakad naman ako papunta sa kwarto. Gabi na nga pala, kailangan ko nang matulog.

“Hahahaha. Hindi ko lang maimagine ang bestfriend ko na girlfriend ng isang rich guy. Ohmygeee!” bulyaw niya habang sinusundan ako papasok ng kwarto ko. Nakarating naman ako sa kama ko at agad na binato sa kanya ang isang unan.

“Sira! Trabaho ko lang noh!” tsaka ako humiga sa kama.

Tinabihan niya ako at ngumiti. “Totohanin mo na lang kaya?” aniya pa.

Love Contract ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon