➳ 12

281 18 13
                                    

                                                               ➳Chapter 12

▌ KATE'S POV ▌ 

Nasa rooftop ako ngayon ng apartment building, naglalaba. Dito kasi ang labahan namin. ‘Yung tipong dito rin kami magsasampay ng mga labahan namin? A basta, ‘yon na ‘yon. Ganyan talaga dito sa mga mumurahing apartment.

Nakaharap lang ako sa mga damit kong kanina ko pa kinukusot kusot. Kanina pa rin ako pakanta kanta dito. Nakaka LSS kasi ‘yung themesong ng Maria Mercedes.

“Maria Mercedes ang pangalan ko..Sa'king pamilya'y tumutulong ako.. Nagtatrabaho ng kahit ano
Sanay akong magbalat ng buto..Maria Mercedes ang inyo pong lingkod..Tapat na pag-ibig ang hanap ko..Kapag umibig ang puso ko..Ito'y wagas at ito'y totoo..ooooooooooohhhhhh!”

“Anong ginagawa mo?” napahinto na lang ako ng biglang may nagsalita mula sa likuran ko. Lumingon ako at nakita ko na naman siya. Si Alec. Nakakahiya. Narinig niya kaya ‘yung kanta ko? Nakangisi lang siya at lumapit sa tabi ko. “Kumakanta ka pala? Hahahaha.” pang iinis niya. Nasira tuloy ang ekspresyon sa mukha ko.

Hindi ko na siya pinansin at patuloy lang sa ginagawa ko. Umupo naman siya sabay sabing  “Ako na. Katulong mo naman ako.” at inagaw niya ‘yung soap bar na hinahawakan ko.

“Ayoko.” tipid kong sagot.

“Sige. Bahala ka dyan.” tinignan ko siya at napansin kong nakangiti lang. Anong problema nito? Tumayo siya at umalis sa tabi ko. Patuloy lang ako sa paglalaba dito hanggang sa--- may tumalsik na tubig sa likuran ko. Shet! Sino ba ang walanghiyang taong nagtapon sa akin ng tubig! Ugh!

Paglingon ko naman-- “AAAAAALEEEEEEC! Aaaaaaaaaaaaaahh!” nakaharap na sa akin ‘yung hose ng tubig. Mismo sa mukha ko! Pwe! Walang modo talaga ‘tong Alec na ‘to!

“Hahahahaha!” tawa lang siya ng tawa habang binabasa ako ng tubig. Kakabwiset! Umilag naman ako sa pangbabasa niya.

“Ang sama mo! Sinabi ko ba na basain mo ko ha? Ugh!” inirapan ko siya at naglakad papalayo.

Sinusndan niya parin ako at patuloy na binabasa. “Hahahaha! O- Ayan! Ayan! Ayan!”

“Kainis ka!” sagot ko.

“Kateeeeee!” tawag niya pero di ko na siya pinansin at sa halip ay kumuha ako ng tabo na may lamang tubig at itinapon mismo sa mukha niya. Wahahaha. Nakaganti rin ako!

“Deputa! Kaaaaa- ano ba! Pwe!”

“Hahahaha! O sige pa! Akala mo mababasa mo ‘ko ha!”

Halos ma ubos ko na ‘yung tubig sa timba sa ginagawa ko. Tumatakbo na rin ako papalayo para di ako maabot nung hose pero sinusndan niya naman ako. Hanggang sa naaaliw na ako sa ginagawa ko. Hahahaha.

“Hahahaha. Kaaaaaate! Humanda ka sa’kin! Wooooooo!”  aniya pa sabay talsik nito sa likuran ko. Langya! Basang basa na tuloy ang buhok ko. Buti nga’t walang ibang tao dito sa rooftop pwera lang sa aming dalawa.

“Teka—bakit, shet! Umuulan!” napansin ko namang nagsisimula nang umulan kaya pumunta ako agad sa mga nilalabhan ko at isinilong ito sa isang covered na area sa rooftop pa rin. Nakakainis naman e! Di pa ako tapos tas uulan na? Jusmeyoooo.

“Halika na! Maligo nga tayo ng ulan!” aniya Alec sabay higit ng kamay ko papalabas ng covered area na ‘yon.

“Ayoko noh! Ikaw na lang!” sagot ko.

Love Contract ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon