➳ 1

876 21 18
                                    

                                                                       ➳Chapter 1

 ▌ KATE'S POV ▌ 

“Kate! Kate! Ano ba! Buksan mo nga ‘to! Buksan mo ang pintuan!” napabuntunghininga na lamang ako habang tinititigan ang pintuan na kanina pa kumakalabog. Hay! Hindi ko na alam ang gagawin ko sa problema kong hindi ko pa mahanapan ng solusyon. Alam kong si Olive ang kumakatok at paniguradong maniningil lang ng utang sa akin. Wala naman akong pambayad dahil wala naman akong pera. Magdadalawang buwan na nga rin akong hindi nakakabayad dito sa renta  ng apartment ko. At obligado pa akong magpadala  kay Karen para sa tuition niya. Si nanay naman na nasa probinsya, kailangan kong padalhan ng pera para maintenance ng gamot niya. Ang hirap talaga. Ang hirap ng buhay ko. Ang hirap maging mahirap.

“Kate! Kelan ka ba magbabayad ha?! Ano ba! Umayos ka Kate! Alam kong andyan ka kaya buksan mo ‘to!!!” parang sasasabog na si Olivia sa galit. Umaalingawngaw na talaga ang boses niya dito. Tsaka ang pintuan, para nang naghaharlem shake. Kesa naman masira pa to at makabili ng mahal na door knob, binuksan ko na.

“O-olive…” yumuko ako dahil hindi ko alam kung ano ang ihaharap ko sa kanya. Wala akong pambayad, naubos na rin ang mga dahilan ko at ilang beses niya na akong binibigyan ng palugit at extension.

“Kate! Sabi mo kahapon mo ‘ko babayaran?! Ano ba naman Kate! Pambihira ka naman o! Napakasinungaling mong tao!” padabog niyang sabi. Dahan dahan ko siyang tinignan. Tama rin naman ang sinabi niya, sinungaling ako. Sinabihan ko ba naman siya na kahapon ako magbabayad sa tatlong buwan na utang ko sa kanya, hindi pa rin ako nakakabayad. Wala nga akong pambayad! Kung hindi lang dinukot ‘yung perang naipon ko nung isang araw, edi sana, makakabayad na ako! Pero ang malas malas ko naman talaga at ‘yung perang ‘yon na inipon ko ng mahigit sa anim na buwan, bigla na lang nawala na parang bula.

“Sorry naman Olive. Next week! Magbabayad na talaga ako. Sige na naman o! Please?” ewan ko lang kung tatalab ba ‘tong pagmamakaawa ko sa harapan niya. Napansin kong hindi niya ako kinikibo at iniirapan niya lang ako. “Next week ulit?! Nakaka ilang next week ka na ba Katerina Pabiona, haaa?! Puro ka na lang next week! Next week!” sinandal niya  ang sarili niya sa gilid ng pinto at napahawak sa beywang ang isa niyang kamay. Hay, ewan! Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa’yo Olivia Jimenez. Tch! Nakakainis.

Itinaas ko ang aking kaliwang kamay at iniharap ang nilebel ito sa ulohan ko na nagmimistulang gumagawa ako ng pangako, “Ah. Promise naman talaga!  Panghuling next week na’to! Sige na naman Olive!”

Niliitan niya lamang ako ng mga mata sabay sabing “Hindi!”

“Pero—“

“Sabi kong hindi!”

“Teka, magkano ba ang utang ni Kate sa’yo?” napatingin ako sa narinig kong biglang nagsalita. Si Yen pala, ‘yung bestfriend ko. Nasa likuran siya ni Olive. Paniguradong narinig niya lahat ng sermon nito.

Tumalikod si Olive kaya kaharap na niya ngayon si Yen, “Oh well. Yen, andito ka pala? Ano namang masamang hangin ang nagpapunta sa’yo rito?” pagtataray niya sa kaibigan ko sabay head to toe sa kanya. Kahit kailan talaga! Napaka maldita nitong si Olive. Kung wala lang talaga akong utang sa kanya, matagal ko na ‘tong na resbakan!

Love Contract ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon